Prologue...
Palagi ko silang hinahayaang tingnan ako't pagtawanan habang natutumba ako sa sahig.
Palagi kong sinasabi na "Wag mo na silang pansinin. Hayaan mo na silang magsawa at mapagod sa ginagawa nila.".
Hinayaan ko silang i-bully ako ... at ni hindi ako lumaban.
Pero sa tingin ko, hindi na tama to.
Pakiramdam ko hindi ko na matiis.
Gusto kong lumaban.
I want them to see hell the way I see it everytime they bully me.
Gusto kong lumuhod sila sa harap ko at humingi ng tawad.
Gusto kong magsisi sila...
I want REVENGE!