Kabanata 18

1.1K 35 0
                                    

Nicole's Pov

Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko!

Pagkabukas pa lang ng mga mata ko ay nagtaka ako!

Paanong nandito na ako sa kwarto ko ngayon at naka kumot pa!

Nakasuot pa din ako ng uniform ko!

Naalala ko ang nangyari kagabi! Impossible....

"Nicole gising kana ba? "-tanong ni auntie sa labas ng pinto ko habang nakatok..

" O-opo "

"Bilisan mo magtatanghali na! "

Araw pala sabado ngayon at mamamalengke pa ako!

Iniligpit ko muna ang mga unan at kumot ko sa kama at saka na ako naghilamos at nagpalit ng damit!

Nakasuot lang ako ng t-shirt na pink at leggings na black at nakalugay ang mahaba kong buhok. Nagpulbos lang ako at saka na ako lumabas ng kwarto ko. Naabutan ko si auntie na abala sa pagwawalis gamit ang tambo sa sahig.

"Good morning auntie"-masayang bati po ko sakanya ng makarating ako sabay mano.

" Sayo din, kaawaan ka ng diyos "

Nang matapos ay nagtungo na ako sa kusina upang kunin ang listahan at pera.

Pagdating ko ng kusina ay kompleto na lahat sa lamesa pati bayong ay meron na rin.

Bumalik muna uli akong kwarto para kunin ang bag na maliit na paglalagyan ko ng pera wala kasing bulsa ang suot ko.

"Ingat ka"-sambit sakin ni auntie sakin bago pa ako makalabas ng pinto.

Nginitian ko nalang ito bilang tugon at saka na umalis.

Pasalamat ako at may huminto na tricycle kaagad sa gate na maliit namin! Swerte..

....

" Salamat ineng dito ka uli bumili ha? "-sambit ng tindera habang nakangiti sakin. Bakas sa muka nito na masayang masaya siya.

" Sige po hehe"

Nailagay ko na ang binili kong manok sa bayong ng may biglang sumiko sa akin!

"Naku, pasensya na hindi ko sinasadya!! "-natatarantang sabi nito.

"Hindi okay lang"

o_O

"Nic/Shaine"-sabay na sabi namin.

Walang paligoy ligoy na niyakap ako nito agad at ginantihan ko din siya ng isang mahigpit na yakap!

Si shaine ay best friend ko nong elementary at ngayon lang kami uli nagkita makalipas ang ilang taon!

"Na miss kita nic! "-bakas sa muka nito ang saya.

"Shaine wala na ba tayong bibil--"

Si jiro na ba to?

"Tama yang nasa isip mo nic si jiro na nga iyan HAHA"-natatawang sabi ni shaine sa akin.

" Jiro"-halos hindi makapaniwalang ko..

Hindi ako makapaniwala na magbabago siya si jiro ay nag iisang best friend ko na lalaki.

Simula kinder kami nito ay magkaibigan na kami!

Ang laki ng ipinagbago nito hindi ko lubos maisip na ang dating patpatin at maitim na jiro ay ngayon ay tigasin at maputi na!

"Pogi na ah"-tukso ko sakanya.

Napakamot ito ng ulo. " Ngayon mo lang alam? Tagal na no! ".

Napangiti ako kahit kelan talaga mayabang din ito.

Naalala ko tuloy si cleo na ubod ng yabang!

" Ang akala ko ay hindi mo na ako makikilala?! "-sambit ni jiro at saka niya pinisil ang pisnge ko.

" Aray ang sakit ahh"-angal ko ng tigilan niya na ang pangigigil sa pisnge ko!

"Na miss kong kurutin yang mala shopao mong pisnge ang cute hehe"

"Parehas lang kayo"

"Ha? Sino? "-tanong ni jiro sa akin.

" Nic, jiro meryenda muna tayo! "-aya sa amin ni shaine na ngayon ay nasa carinderya na

" Lika na"-saka ako hinila ni jiro papunta kay shaine.

Wala na akong nagawa kundi magpatianod..

....

"Yung bahay niyo don pa din ba? "-tanong sa akin ni shaine na katabi ko sa kaliwa samantalang si jiro naman ay sa kanan.

Tumango ako sa kanya. " Eh kayo ba? ".

" Sa katunayan nahihirapan na kami ni jiro, may alam kaba na dorm sakto sa dalawang tao? "

"Me-meron mag do-dorm kayo? "

"Oo at malapit lang ba sa inyo yon? "-masayang tanong nito sa akin.

" Hindi eh sa kabilang bayan pa, pero malapit din naman iyon sa bahay namin ".

" Ano jiro okay ba"-baling nito kay jiro sa kanan ko na kanina pa nakikinig sa usapan namin.

"Oo naman"-masiglang sabi nito kay shaine at saka bumaling sa akin at nangiti.

" Yes! Tatawagan ka nalang namin ni jiro nic, total mas okay na rin ito dahil mas malapit ang pinapasukan namin dito sa inyo"

Tinanguan ko nalang siya at saka na ako nagpaalam sa kanilang dalawa..

...

"Auntie nandito na po ako! "-sambit ko ng makapasok na ako ng bahay.

" Auntie"

Natigil ako sa paghakbang dahil may mga maletang nakalapag sa tabi ng sofa.

"Nicole andito kana pala! "-kalalabas lamang nito ng banyo at nakasuot ito ng pormal na damit.

" Nakalimutan ko nga pa lang sabihin sayo na ngayon na ang alis ako"

Seryoso ko lamang siyang pinagmamasdan sa bawat kilos niya.

"Mga ilang buwan akong mawawala nicole kaya ikaw na muna ang bahala dito ha?!"-saka ako nito nilapitan.

"Sa-saan ka po ba pupunta? "-utal na tanong ko sakanya.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon kung dapat ba ako maging masaya dahil walang mag babawal sa mga gagawin ko at ako nalang ang maiiwan dito sa bahay o dapat ba akong malungkot o umiyak dahil ako nalang ang mag isa ang maiiwan dito?!

" Sa davao "

Davao! Anlayo!

Nasabi na rin sakin ni auntie noong nakaraang linggo na baka daw matuloy na umalis siya dahil isasama siya ng kanyang amo sa davao.

Isang caregiver si auntie at isang mayaman na matanda ang inaalagaan nito.

"Nicole may tiwala ako sa iyong bata ka! Alam kong hindi mo iyon sisirain hindi ba? "-seryosong tanong nito habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

" Opo auntie, hindi ko po sisirain ang tiwala niyo"

Hinagkan niya ako at saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Mag iingat ka dito okay? "

Tanging tango na lang ang sagot ko sa kanya dahil wala ng tigil na sa pagbuhos ng mga luha ko.

Mamimiss ko siya......




RAINBOWFADED

Fall For Her(GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon