CHAPTER ONE: The Factory is Open

5.3K 63 7
                                    



"I TOLD you. Men are useless, stupid and abusive. Bakit ka ba naniniwala pa sa kanila?" napainom ng iced tea si Emma Rose matapos pangaralan ang beking kaibigan na si Bettie. Naglalasing kasi ito matapos iwan ng boyfriend.

"Pero mahal ko siya, Sis! Akala ko truelalu na ang pag-ibig namin sa isa't isa," umiiyak na sagot ni Bettie. Umiitim na ang ilalim ng mga mata nito dahil sa nabasang black eyeliner. Mabuti na lang at hindi sila nagpunta sa isang bar at doon na lang sa bahay nito nagkita-kita. Siguradong makikita si Bettie ng mga tao at magawan pa ng kwento. Isang sikat na fashion designer si Bettie Soliman at laging in demand ang mga gawa lalo na sa mga artista.

"Ay grabe siya! Di naman lahat ng boys ay ganoon, Emma Rose! May mababait pa rin naman," tutol ng isa pa nilang kaibigan na si Rick. Isa itong fitness expert na nagmamay-ari ng high end fitness center. May boyfriend itong physical therapist for 2 years kaya siguro nito dinidepensahan ang mga lalaki.

Mga lalaki talaga dahil lahat ng mga kaibigan niya ay mga beki. Bukod kina Bettie at Rick, kabarkada rin niya si Joey Beltran, isang transgender professor sa UP.

You heard it right. Bakla ang mga kaibigan ko. And I'm proud of them.

Unlike Bettie and Joey, hindi ganoon ka open si Rick. He is working in an environment wherein men are supposedly 'tough'. Pero hindi lang alam ng mga judgmental na tao na mas lalaki pa sa ibang lalaki ang kaibigan niya. At may naiaambag pa sa society 'di tulad ng mga ipokritong mga lalaki.

"Naku, umandar na naman ang pagiging man-hater mo, Emma Rose."

Napalingon siya sa kanyang likuran at nakitang papasok ng bahay si Joey. Ang ganda ng bakla niyang kaibigan. Kuntodo makeup at seksing-seksi sa suot na sleeveless blouse and fitting jeans.

Mas maganda pa sa akin! But she's proud of herself tuwing nakikita si Joey. Kasama kasi siya sa team na nag-opera sa kaibigan upang maging isa na itong babae. She's been working in a sex reassignment clinic for ten years now as a nurse. At isa si Joey sa marami nang natulungan ng kanilang clinic.

"Uy, hindi ako man-hater," protesta niya sa akusasyon ng kaibigan. Wala siyang kaibigang lalaki, pero hindi naman siguro siya man-hater.

"Man-hater ka, sis," natatawang sagot ni Joey habang binibigyan siya ng halik sa pisngi. "Kung hindi ka man-hater eh bakit hanggang ngayon ay ikaw lang yata sa ating apat ang hindi nagkaroon ng love life?"

"Because I have you guys. And besides, kontento na ako sa achievements ko. I don't need a man to make me feel complete," pagtatanggol niya sa sarili.

"Kasi naman, dapat kang makihalubilo sa mga lalaki. Lagi naman na kami lang ang kasama mo at saka ang mga pasyente mong mga bakla rin. Paano ka niyan magkaka-love life? Dapat kasi ay magpunta ka sa gym ko. Maraming lalaki roon. Mamili ka lang kung anong bet mo. Pwede negosyante, professionals or athletes! You name it girl!" Si Rick iyon na nakahalukipkip pa.

Alam niyang nag-aalala lang sa kanya ang mga kaibigan. She's already 38. Wala na siya sa kalendaryo. She should get married soon or else wala na siyang tsansang magkaanak. Siguradong pagtungtong niya ng kwarenta ay mahirap nang magbuntis. But she hate the idea of letting a man rule her life. Men are the same. Katulad lang sila ng tatay niyang walang kwenta.

"Eh sa 'di ko sila kailangan kasi. Kayo guys, sapat na sa akin," pag-uulit niya. "Pero bakit ba ako ang topic? Si Bettie ang pinunta natin dito."

Dahil sa sinabi ay mas lalong lumakas ang iyak ng heartbroken na kaibigan.

"Akala ko nakalimutan n'yo na ako," mangingiyak na sabi ni Bettie. Kaya naman nilapitan nila ito at niyakap. Sanay na sila sa madalas na pagiging suki ng malas na relationship ang kaibigan. Pero kahit ganoon ay naaawa pa rin sila rito. Bigay na bigay kasi ito kung magmahal.

MY FAVORITE MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon