Chapter 4: Family Day
~💖~
Mint's POV
What a day! I'm really excited on the idea of my Daddy Adam is coming back soon. I hope na tuloy-tuloy na ang mga good news.
Bumaba na ako ng kuwarto at naglalakad ako papunta ng kusina ng makita ko si Angela (A/N: Hi @Angela_DC , eto na rin yung request mo. Ikaw ang napili ko sa role na ito. Sana ma-notice mo. Hehe) na paakyat ng hagdan. Agad naman syang ngumiti ng makita ako.
"Good Morning Mint!" Bati nya sa akin.
"Good Morning din sayo Angela." Bati ko rin sa kanya.
Mabait si Angela at sa katunayan ay naging kaibigan ko sya. Anak sya ni Manang Anggi, matagal at mapagkakatiwalaan na kasambahay namin dito. Si Angela rin ang madalas kong kakuwentuhan dito sa bahay kapag nabo-bored ako kaya nagpapasalamat ako na kahit papaano ay may nakakausap pa rin ako dito. Actually, kakabalik nya lang ata galing sa probinsya dahil doon sya nagbakasyon.
"Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ko sa kanya.
"Ahh... kagabi lang. Gusto nga sana kitang kamustahin kagabi kaso mukhang tulog ka na eh." Sagot nya.
"Ah ganun ba. Pagod lang kasi ako kagabi kaya napa-aga ang tulog ko." At wala naman kasi akong magawa at maka-usap kaya natulog na lang ako. Gusto ko pa sanang idagdag yun pero wag na lang.
Nagkuwentuhan pa kami at natigil lang kami ng may lumapit na babae sa amin. Naka taas kilay ito at bahagyang naka-ngiti.
"Oh! The maids daughter is back. Buti naman para may nakaka-usap rin ang babaeng ito. Actually, bagay nga kayong magkasama eh... Parehas kasi kayong cheap, mga mukhang basura at katulong!" Nang-iinsulto nyang sabi sa amin.
Sasagot na sana si Angela sa kanya dahil halata sa mukha nya na hindi nya gusto ang mga narinig nya. Kaya bago pa man sya magsalita ay pinigilan ko sya.
"Pwede ba Cindy, kung wala kang sasabihin na maganda ay wag ka na lang magsalita. Okay lang na insultuhin mo ako pero wag mo nang idamay pa si Angela." Mahinahon kong sabi.
"Ooh! So you have a guts now to talk back to me now huh?!" Sabi nya sabay hawak sa braso ko ng mahigpit. Sure ako na mamumula ito mamaya.
"Cindy bitiwan mo ako, nasasaktan ako." Sabi ko at pinipilit na alisin ang kamay nyang nakahawak sa braso ko.
"Talagang masasaktan ka, ang kapal ng mukha mong sagot-sagutin ako porque may kakampi ka. Kung sa tingin mo na makakaya mo ako ay nagkakamali kadahil kahit anong gawin mo ay hinding-hindi mo ako matatalo sa kahitna ano!" Sabi nya.
Lalo nya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Lumapit na rin si Angela para tulungan ako.
"Bitiwan mo si Mint, Cindy. Napakabruha mo talaga!" Sabi nya habang tinutulungan ako ako pero agad naman syang tinulak ni Cindy kaya natumba rin ito.
"What did you just call me?!" Galit na sigaw nya.
Akmang susugod ulit sya pero hinarang ko sya. Pero nagpumilit sya at sa di sinasadya ay natulak ko sya.
"Cindy tama na please." Pagmamaka-awa ko.
"Lintik ka talagang babae ka. Humanda ka sa akin!" Sabi nya at sinabunutan ako at naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa sahig habang patuloy na sinasabunutan nya ako.
"Tama na Cindy please!" Sabi ko at pinipilit na tinatanggal ang kamay nya sa akin. Umipon ako ng sapat na lakas para pigilan sya. Tinulak ko sya ng buong puwersa kaya ang kinalabasan ay natumba rin sya sa sahig.
BINABASA MO ANG
Girlfriend Wanna be: The UNEXPECTED Beauty || TaeLisKook FF
Novela Juvenil💖MBAGR Sequel💖[Bad Ass Series #2]ULTIMATE NERD/DUFF, That's Avrei Mint Hernandez.A girl that is super famous, and stating her popularity,she is a well-known everywhere Specially around their campus. What kind of popularity does she have?? Well...