Kabanata 19

1.1K 38 0
                                    

Nicole's Pov

Napabuntong hininga ako habang naglalakad.

Namimiss ko na kasi si auntie..

Ang hirap talaga mag isa sa bahay. Wala Kang makakausap at makakasama sa pagkain. Kaya ilang araw na ring panis yung laway ko sa bahay!

Natigil ako sa paghakbang dahil papunta na pala akong rooftop.

Ilang segundo muna akong nanatili sa kinatatayuan ko bago umakyat ng hagdan.

Ng marating ko ang rooftop ay nilanghap ko agad ang sariwang hangin at saka ako sumampa upang maupo.

"Napakaganda talaga dito"-na sambit ko nalang.

"Why are you there? "

Nagulat ako sa nagtanong paglingon ko si heurt at saka sumampa at naupo din. Ilang metro lang ang aming pagitan.

'Akala ko ba hindi na siya pupunta dito?'

"Hmm nagpapahangin lang"

Bumaling ito sakin ng ganun parin ang kanyang muka na walang pinapakitang emosyon.

"Haaa ang daming mga ibon! "-manghang sabi ko.

Nasa libong mga ibon na kulay puti na nagkukumpulan sa himpapawid. Ngayon lamang ako nakakita..

Namangha ako dahil ang isa sa ibon ay lumapit at sumampa sa balikat ni heurt.

Isa pala itong kalapati!

Hinuli niya ito at saka hinaplos sa may ulo nito.

Pinagmamasdan ko lang siya sa ginagawa niya ng may bigla ring sumampa sa balikat ko! Huhulihin ko sana ito kaso biglang lumipad.

"Kapag pinakita mong nais mo siyang hulihin hindi ito magpapahuli sayo"-sambit ni heurt na abala sa paghamplos sa kalapati.

" Kapag huhuli ka ng isang ibon siguraduhin mong kaya mo na siyang hulihin"

"Paano mo nagagawa Yan ng walang kahirap hirap? "-tanong ko sakanya.

" Hindi ko sila hinuli sila ang kusang nagpahuli "

Huh?

Ilang minuto munang hinahaplos ni heurt ang puting kalapati bago niya na ito pakawalan.

Bumaling muna sa akin si heurt at saka tipid na ngumiti sakin. "Gusto mo bang sumama?".

Hindi ako makapaniwala na isinasama ako ni heurt! Ang mailap na miyembro ng FH ay niyaya ako!

" Si-sige"

Lumapit ito sa akin saka ako inalalayan na bumaba!

...

Binuksan ni heurt ang pinto.

Ito yung room na nakita ko siyang tumutugtog ng flute.

Dahan dahan akong naglakad at sumusunod sa kanya. Pinaupo niya ako sa harapan niya.

"Alam mo ba kapag tumutugtog ako ng flute sumasaya ako"-sabay ngiti nito sa akin.

Ngayon ko lang nalaman na may dimple ito sa kanang pisnge niya. Napakalalim non!

Mas lalo tuloy akong na attract sa kanya!

Inumpisahan na niyang tumugtog ng flute.

Ipinikit ang mga mata ko at dinamdam ko bawat huni nito. Tama si heurt ang sarap nga sa pakiramdam. Nakakagaan..

Binuksan ko ang mga mata ko at saka tumingin sa kanya. Nakapikit ito habang tumutugtog ng flute ang haba pala ng pilik mata nito at ang kinis ng kanyang muka siguro ay hindi ata ito natutubuan ng tigyawat sa muka?

Napatingin ako sa labi nito. Ang pinkish talaga nito parang ang sarap..... Nabura ang iniisip ko dahil bigla siyang tumigil sa pag tugtog at saka tumitig sa akin.

Hindi KO alam na malapit na pala ang muka ko sa muka niya.

Unti unting inilalapit ni heurt ang kanyang muka sa akin na ilan nalang ang agwat!

Teka hahalikan niya ba ako?!

" Anong kalokohan ito? "

Nagulat ako sa boses na nagtanong at sigurado akong isa lang ang nag mamay ari non.

Si cleo! Nanlilisk itong nakatingin sa amin ni heurt..

Nagtagis ang bagang nito saka ito mabilis na lumapit sa akin! At ng makalapit ito ay hinila niya ako!

"Cleo"-sambit ni heurt pero hindi siya nilingon ni cleo.

" Ano ba! Nasasaktan ako! "-pilit kong inaalis ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa pulsuhan ko.

Pero gaya ng aasahan tila wala din itong narinig!

Nang makalabas kami ng room ay ang daming studyanteng nagkukumpulan at kabilang na sila Lee, haze, at denise..

" Cleo nasasaktan si nicole sa ginagawa mo! "-biglang sabi ni denise na pinagitnaan nila lee at haze.

" Wala akong paki alam! "-madiin na sabi ni Cleo at saka bumaling sa akin.

Nakakatakot na titig ang sumalubong sa akin. Para bang hindi na yata ako tatagal sa kinatatayuan ko dito!

Marami ng nagbubulungan na studyante sa paligid pero kahit isa ay tila wala akong naririnig.

" Hindi niya kasalanan"

Bumaling si Cleo Kay heurt at saka sila nagsukatan ng tingin na matatalim. Magkasingtangkad lamang ang dalawa.

"Alam mo ba kung anong ginagawa mo ha? "-tanong ni cleo kay heurt.

" Lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon"-dagdag pa ni cleo.

"Wala akong ginagawang masama"

"Sigurado kaba sa mga binibitawan mong salita heurt? "-sarkastikong tanong ni cleo kay heurt.

Hindi siya sinagot ni heurt.

" At ikaw malandi ka! "-baling sa akin ni cleo

Para akong maiiyak sa sinabi sa akin ni cleo. Siya ang kauna unahang taong nagsabi sa akin ng mga katagang iyon!

Nadatnan ko na lamang ang kamay ko na nasampal na si cleo.

Patuloy sa pag agos ang aking mga luha para bang hindi it mauubos!

Bakit grabe ang sakit sa dibdib ko ang sinabi niyang ito sa akin?! Na dapat ay hindi ako naapektuhan dahil hindi naman iyon totoo!

Napatingin ako sa mga studyante at kala denise naabutan ko si denise na para bang may pagkamuhi na siyang tumitingin sa akin ngayon.

"Hindi ako malandi! "-pumiyok ako.

Tumakbo ako palayo sa kanilang lahat gusto kong pumunta sa lugar na kung saan walang taong mananakit ng damdamin ko at pati ang physical na kaanyuan ko!

RAINBOWFADED

Fall For Her(GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon