Delialah's POV:
To: James
You mean...na kila Missy?Pagkabasa ko ng mga tinext ni James ay parang naginit ang mukha ko. Hindi ko alam kung sa galit or so whatever. Dahil wala naman kasi dapat akobg ikinagagalit, 'diba? Sino ba ako para magalit sa ginawa ni Wyatt? Hays! Nababaliw na ata ako!
"Bakit ka galit?" Nakasandal sa pintuang tinanong ni Adalyn. "Wala 'to" She suddemly gave me an annoying look.
"Fine! Its because of this Missy"
"Missy? Sino yun? Bat ka bwisit sa kanya?" Unti unti nang nagiging seryoso ang usap namin ni Adalyn. Umupo sya sa kama ko para marinig daw lahat ng details.
Kinuwento ko ang lahat ng cause kung bakit ako naiinis, nabubwisit, at ewan ba kung galit rin.
"Alam mo Delialah, best friend yun ni Wyatt 'e. Dapat lang syang maging ganun kacaring. Ganun naman talaga kapag magbest friend kayo 'diba?"
May point naman si Adalyn. Pero ang hindi ko nga matanggap sa sarili ko ay bakit ganito ang inaasta ko ngayon? Dahil ba sa sinabi nya sa akin dati na lagi lang syang nasa tabi ko kapag kailangan ko sya? Psh! Ano ka ba Delialah?! Gumising ka na sa realidad!
"Huy! Delialah, nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Ayan na naman ako 'e, nawawala na naman sa realidad. "Ahh...eh..Oo naman"
"Hmm...sure ka Delialah? Parang napapansin ko na pagod ka na agad this whole day. Kung tutuusin naman ay wala naman masyado tayong ginawa ngayon. Wala rin namang seat works at assignments" Tumango na lang ako para mapaniwala syang pagod ako. Pero ang toto nga nyan ay pagod na talaga ako. Hindi sa utak kundi sa puso. Parang onti na lang ay titigil na ang pagtibok ng puso ko sa sobrang pagod. Siguro nga kailangan ko lang talagang ipahinga ang sarili ko.
"Just call me when you need something Delialah, okay? Natulog na kasi ng maaga si Hadley pati si Sarah...at kinuha ni Hadley yung bed ko, kaya dito siguro ako matutulog ngayon and also I want to check up on you if you're asleep already too. But luckily...your not. Kaya...matulog ka na, halatang napagod ka 'e." sabi ni Adalyn sabay dahan dahang pumunta sa kabilang kama.
Napahiga na lang ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim at dinamnam ang katahimikan ng surroundings. "Hays..sana laging ganito na lang kapeaceful ang mundo. Ang mundo ko, at ang mundo ng lahat"
Maya maya ay dinalaw na rin ako ng antok at nakatulog na.
Wyatt's POV:
Pabalik na ako sa place na sinabi ko sa boys na magkita kita kami. Napaaga nga pala ako ng alis kila Missy dahil ininsist nya na okay na sya at baka nagaalala na rin ng sobra ang mga kabarkada ko. I just noticed that her mood suddenly changed. Parang...hindi sya yung clingy na kaibigan ko, hindi sya yung masayahin at napakaingay sa umaga. Ano kayang sanhi nun? Siguro bad mood lang talaga sya pagbagong gising, and since nung umalis sya siguro marami na ring nagbago sa kanya. So...maybe I'll just accept her changes, for her to accept my own changes.Flashback...
"Good morning best friend! Kain ka na!" bungad ko kay Missy. "Uhmm...sge sge Wyatt, salamat" Iba yung expression ng mukha nya ngayong araw, parang may something na hindi ko malaman.Tahimik lang kaming kumain, nakakapanibago ang asta nito. Kapag kumakain kasi kami...laging dumadaldal yang si Missy, kahit na puno pa ng pagkain ang bibig nito.
"Uhmm...okay ka lang Missy?" Napatigil sya sa pagkain at ngumiti sa akin. "Why wouldn't I?"
Ngumiti na lang ako at nginitian nya ako ng pabalik. "Nga pala Wyatt, okay na ako. Magaling na ako, pwede ka nang bumalik sa mga kaibigan mo. Alam ko namang nag-aalala na sila sayo, baka magalit pa yung mga yun sa akin." Basag nito sa katahimikan. "Seryoso ka ba dyan Missy? Hindi ka pa okay na okay 'o"
BINABASA MO ANG
Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018
Teen FictionWelcome to Unique Academy! Dito lahat maguumpisa ang lahat lahat. Friendship, Relationships, Enemies, Rebels and so much more. Kaya nga sya tinawag na "Unique Academy" right? Kasi...Unique ang mga happenings dito. They learn how to be themselves and...