Second Chances

10 1 0
                                    

Cara

"Yes, I just landed. Can wait to see you." Gumuhit ang mga ngiti ko habang tinatahak ang daan palabas ng arrival area. Nang makita si Jake ay mabilis kong tinakbo ito at niyakap.

"Mmm. God, I can't believe I'm embracing the love of my life." Pabulong na sabi nito. It makes my heart so happy to finally be able to hear his voice in front of me again. Long distance calls are officially over.

"You have to believe now." Wika ko habang haplos ang magkabilang pisngi niya. My boyfriend is such a prince, napakagwapo niya.

"Ate Cara!" Narinig kung sigaw ng kapatid ko, si Mitch na ngayon ay dalaga na. Tumakbo siya papunta sakin at mabilis na niyakap ako.

"Dalaga kana, sis. Siguro may boyfriend kana?" Salubong na tanong ko.

Umiling siya. "No! Siempre, kailangan ko munang mag-aral ng mabuti." Aniya.

"Dapat lang kasi sa edad mo dapat nagsasaya ka kesa pinuprublema ang pag-ibig." Natatawang sabi ko.

"Anak-" wika ng mommy ko at sabay na yumakap sila sakin ni daddy.

Jake drove us to the nearest restaurant at sabay kaming kumain kasama ang pamilya din niya. It was actually my first time meeting his family so I was kind of nervous.

Ang sarap talaga bumalik sa bansa mo. Kahit gaano pa kasarap ang buhay sa abroad, iba parin ang Pilipinas. Iba parin kapag kasama ko lahat ng mahal mo sa buhay. Kaya hindi ko maipaliwanag ang saya ko ng makabalik pagkatapos ng dalawang taon. Sapat narin kasi ang naipon ko at naipatayo ko na ang coffee shop na pangarap ko noon pa man. I decided to settle here with my family and Jake.

Jake and I have been together for a year now. I met him in New York also, nauna lang siyang umiwi ng Pilipinas kasi nagkasakit ang mommy niya and he had to be there for her kaya kinailangan niya akong iwan doon kahit mahirap para sa kanya.

I love Jake. Siya iyong taong umangat sakin noong mga panahong lumubog ako. I met him sa isang coffee shop sa New York, isang buwan palang ako doon and I was still settling. I was so broke during those days kasi I miss my family a lot and I was still in the process of moving on from my ex, Dave, whom I've spent three years of my life with. Napakahirap. Lalo na't hindi mo alam kung saan ka banda nagkulang, saan ka nagkamali at hindi siya lumaban.

I remember the last question I asked before we finally decided to broke up. Tinanong ko siya na "Lalaban pa ba tayo? Lalaban pa ba ako? May dapat pa ba akong ipaglaban?" I was in great tears, I was really broke when I asked him that question. It was raining really hard and napakabigat sa damdamin no'n. Napakabigat sa pakiramdam na alam mong hindi na siya lalaban.

"Wag ka nang lumaban. Kasi hindi narin naman ako lalaban, sinasayang mo lang ang panahon mo." Pagkatapos ay umalis siya, iniwan niya ako like he never really cared. Like he never once loved me, like I never became his life, his partner and his girlfriend.

Just a month after I went to New York, started my life again kahit napakahirap. It's hard to pick up those pieces back together lalo na kapag hindi mo maintindihan kong bakit. Bakit nangyari sa aming dalawa ito kahit masaya naman kami?

Jake made me whole again. We started as good friends and Jake became really special to me. Dahil sa kanya unti-unti kong natanggap na wala na talaga si Dave. He left me, he broke his promises, he gave me up.. At hindi ko pwedeng hintayin na bumalik siya kung saan niya ako iniwan. Kailangan kong magpatuloy sa buhay ko dahil iyon ang dapat. Hanggang sa unti-unti ko ng natanggap at natutunan kong mahalin si Jake.

I am fine now.

Okay na ako. Okay na talaga ako.

( https://youtu.be/YeFhM5mly4A )

But why?

"Yes, see you tomorrow. Bye, love you." Wika ng pamilyar na boses ng lalaki na nakatayo ilang hakbang lang mula sa pool kung saan nakalubong ang kalahati ng paa ko. I can't be wrong, this is Dave. Dave Eleazar, my ex.

My heart skip a beat. Nag-init ang pisngi at buong katawan ko. Hindi ko magawang gumalaw kahit huminga ng maayos. He saw me and my heart went crazy ng magtagpo ang mga mata namin. Nanlaki ang mga mata niya at bumagsak ang pareho niyang balikat. Parang naiiyak na umiling siya habang nakangiti. Marahan siyang humakbang papunta sa akin at naglupasay sa harap ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakapako ang parehong paningin namin sa isa't-isa.

"Cara.." wika ng malamig at kalmado niyang boses.

I burst in tears ng marinig ko ang boses. Bumagsak ang mga luha ko ng hindi ko inaasahan. Umiling ako, hindi pwede ito. Okay na ako, Dave.

Inahon ko ang mga paa at tinangkang umalis pero pinigilan niya ako sa braso.

"Cara.." muling tawag niya. Iwinakli ko ang kamay ko.

"Dave, I have to go. I'm really tired." Sabi ko at pilit na ngumiti. Tinangka kung umalis ulit pero hinarang na niya ang daan ko.

"Dave! Ano ba?" Inis na sigaw ko mabuti't kami nalang ang tao sa pool area ng hotel kung saan kami naka check in ng pamilya ko.

Hindi siya makapagsalita, tinititigan niya lang ako at sinusuri ang bawat parte ng mukha ko. Tears began to fall from his eyes ng mag-realize niya na ako nga ito, ako na nga ang kaharap niya.

"Pu-" nauutak siya at tila hindi niya magawang magsalita.

"Ano, Dave?! Kung wala kang sasabihin pwes kailangan ko nang umalis dahil baka makita kapa ng mga magulang ko." Galit na sabi ko.

He took my hands. "Cara.."

"What?!" Sigaw ko at binawi ang mga kamay.

"I'm-"

"Fu*cking what?!"

"Pwede ba kitang yakapin?" Nagmamakaawa ang mga matang tanong niya.

Bumagsak ang mga balikat ko na parang biglang nanghina ang buong katawan ko. God, he looks so broke. Like he was waiting for this day. Na makita na niya ako ulit.

"I can't let someone who broke me ever touch me again. Okay na ako, Dave. 'Wag muna akong durugin ulit."

I left him like he what he did 2 years ago. Iniwan niya ako. Sinaktan. Hindi ako naghirap para makalimutan ka para saktan ako ulit.

Nang makita ko si Dave ulit. Parang bumalik ako sa dati. Naalala ko lahat ng masasaya naming araw. Simula noong paano ko siya nakilala, kung paano ko siya minahal. Naalala ko lahat ng mga pangarap namin noon, mga bagay na gusto naming gawin magkasama. Kasabay no'n ay naalala ko rin kung paano kami natapos.. Hindi ko alam kung bakit ganito parin kasakit. Napakasakit parin.

•••••••••••••••••

Noah Centenio as Dave
Lana Condor as Cara

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second Chances Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon