"Thank you." I replied after receiving a file which symbolizes that I am already enrolled in their school. The woman, who's maybe a three or four or five older than me, only replied me with an innocent smile. Her fixed-ponytailed hair added her a fresher look.
Habang dahan-dahan akong naglalakad sa isang hallway may natatanaw akong mga stall na puno ng kung ano anong pagkain at mga taong nakangiti't kumakain sa tapat ng mga stall, nakaupo sa parihabang upuan at mesa. And then narealize ko na hindi pa pala ako nakakain dahil sa sobrang excited kong pumunta dito ay hindi na ako kumain pa.
I decided to go and have a try for their food since ilang buwan nalang dito narin ako kakain pag nagugutom.
Habang namimili ako ng makakain ay may nakasagi ng likod ko."Aray!"
I winced at the pain kaya nawalan ako ng balanse dahil sa lakas ng impact plus I didn't know na may ganong mangyayari. Dali-dali akong humarap sa nakasagi sa akin. He walked patiently na para bang walang nangyari.
"Excuse me." Hininaan ko ang boses ko pero nakasisiguro akong maririnig niya iyon. Aba. Wala namang naglalakad sa direksiyong 'yun. Sinasadya ba niyang huwag akong pansinin o bingi lang talaga siya.
"Shit!"
Mahina ko lang siyang tinabig pero nagalit ko ata.
I'm intimidated when I looked at his eyes. Galit ako sa kanya pero iba ang naramdaman ko ng makita ko ang kabuoan ng kaniyang mukha.
His eyes are sparkling even without the shine of the light. And he has this aura of making every girls fall for him without doing anything. But I'm an exception. O baka iba ang naramdaman ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwalang hindi tugma sa mukha niya ang ugali niya.
At dahil ginawa ko 'yun. Humigop muna ako ng lakas bago nagsalita. "Muntik na akong matumba sa ginawa mo!"
"So?" Nahiya ako. Teka ba't ako pa ang nahiya?
"Wala ka man lang bang gagawin, you know ... t-the ... manners?"
"What else should I do? Luluhod sa harapan mo at sasabihing 'Pasensya na nakaharang ka kasi sa dinadaanan ko kaya nasagi kita. Kasalanan ko kasi kung bakit nagmamadali ako.'" He said it with an annoying face while he jerked his hands.
Matapos niyang sabihin 'yun ay umalis siya ng wala man lang paalam. I felt guilty to myself for only letting him said those words to me. Kung iisipin ang babaw lang n'un pero nasaktan ako sa mga sinabi niya.
Wala akong nagawa kundi ang hayaan na lang siya at bumalik sa pinaroroonan ko kanina. Pero nawalan na ata ako ng gana.
Hindi panga nagsisimula ang klase ko dito pero pangit na pangyayari na agad ang sumalubong sa akin sa paaralang ito. Paano pa kaya kapag magtagal na ako rito. Ilang linggo pa kasi bago tuluyang matatapos ang aming klase. Sa susunod na pasukan ay magsesenior high school na ako pero maaga akong nagpa enroll dahil iyon ang sabi ng grandma ko.
Sa university na ito niya napagplanohang magsenior high ako dahil maganda daw ang magiging pundasyon ko dito. Seriously? Nagkamali yata ang grandma dahil iba ang ugaling nakita ko dito.
Magkasama sana kaming magpapa-enroll ngayon ng kaibigan kong si Jill pero may pinuntahan sila ng kanyang mommy. Emergency raw kaya sa susunod na linggo nalang niya gagawin 'yun at balak pa yata akong isama. Pero sa nangyari kanina parang ayaw ko nang bumalik pa sa paaralang ito. Kung hindi lang dahil kay grandma. Ayaw ko siyang madismaya kong sasabihin kong ayaw ko na rito dahil parang kailan lang excited ako sa lilipatan kong school.
Pero hindi naman siguro lahat sila gan'un ang magiging pakitungo sa akin. Sana lang magkaklase kami ni Jill para hindi ako mahirapan sa unang araw ko.
BINABASA MO ANG
We Called It Fate
RandomMia loves living in her fantasies but her life pushes her to reality. She has Jill with her, her best friend since sophomore.They both fancying fantasies. She think that she only needs Jill in her journey but not until she sacrificed too much to the...