Tahimik na tinatahak ng van nila Alex kasama ang Mommy, Daddy at kapatid niyang si Rex na walong taong gulang ang daan pauwi sa kanilang bahay galing sa bakasyon. Isang oras pa bago ito makarating kaya napag pasayahan niyang matulog na lang muna, dala na rin ng pagod. Sa lalim nang tulog niya ay hindi niya na namalayan kung anong nangyari.Nagising si Alex sa isang hindi pamilyar na kwarto. Maliit na kwarto. Puro tapal na ang bubuong at gawa ito sa kahoy. Init na init siya dahil isang maliit na bintelador lamang ang nag bibigay ng hangin sa kanya. Takang taka si Alex kung nasaan siya. Nakita niyang nasa banig lamang siya nakahiga at hindi sa malambot niyang kama. At mas lalo siyang nainis dahil sa labo ng kanyang paningin. Aksidentang nakapa ng kanang kamay niya ang salamin sa tabi ng banig at sinuot niya ito, nag babakasakaling lilinaw ang paningin niya, at hindi siya nag kamali doon. Mas lalong luminaw ang maliit na kwarto sa paningin niya. Punong puno ng gamit na siyang mas lalong nag papainit sa maliit na kwarto.
"Ano ba 'tong kadiring lugar na 'to. Asan ba 'ko?" Nagulat si Alex nang mapansin niyang iba ang boses na lumabas sa sarili niya. Tiningnan niya ang kamay niya at napansin niyang medyo umitim at pumayat siya. "What the fuck asan ako, at anong nangyari sakin?" Inis na sambit ni Alex sa sarili.
May nakita siyang salamin na hindi kalayuan sa kanya. Kahit may pangamba ay unti unti siyang lumapit doon at unti unti niyang napansin na..
"Aaahhhhhhh!!" Takot na takot na sigaw ni Alex sa sarili. Takang taka sa nangyayari kaya di niya napansin ang pag pasok ng dalawang lalaki sa kwarto ng pinaruruonan niya.
"Anong nangyari sayo Melly?" Tanong ng lalaking medyo may katandaan at katabi niya ay isang lalaking binata na medyo kamuka ng lalaking matanda.
"S-sino kayo? Anong n-nangyari sakin?" Natatakot na sambit ni Alex.
"Ha? Anong pinag sasabi mo Melly? Nag ddrama ka nanaman. Tsk. Alis na 'ko 'Tay." Sabi ng lalaking binata sabay umalis na nga.
"Lumabas ka na riyan Melly at mag miryenda ka." Naiiling na sabi ng matandang lalaki at iniwan siya nito.
Ngayon lang napag tanto ni Alex ang nangyari. Sumapi ang espirito niya sa ibang katawan. Sa katawan ng isang babaeng mahirap at malayong malayo sa mayaman niyang pamilya.
"What the fuck is this even real?" Galit na wika ni Alex ngunit wala siyang choice kundi ay sumabay sa agos na kinaruruonan niya.
"No! Di ako makakapayag sa ganito!" Napag desisyonan ni Alex na di niya kayang maging mahirap. Mamamatay na lang siya kung ganoon!
Hindi nakawala sa mata ni Alex ang kutsilyong naroon sa kwarto. Nag tataka man kung bakit naruon iyon ay di niya na pinroblema pa. Ang mahalaga at maka alis siya sa walang kwentang sitwasyon na ito!
Walang pasabi ay sinaksak niya ang sarili at biglang dumilim ang paningin ni Alex.
Muli siyang nagising. Ngunit hindi na sa maliit at mainit na kwarto. Nagising siyang, maraming tubong nakalatay sa katawan niya at puro puti ang nakikita niya.
"Ospital.." Bulong ni Alex sa sarili.
Nakita niyang lumapit sa kanya ang Doctor.
"Ms. Reyes.." Nagulat si Alex ng sambitin ng Doctor ang kaniyang totoong apelyido. Ibig sabihin ay nakawala na siya sa kadiring katawan ng babaeng iyon! Napahinga siya ng maluwag dahil doon.
"Ms. Reyes, mabuti at nagising ka na." Nakangiti at may halong lungkot na wika ng Doctor.
"Bakit, Doc? Ano po 'bang nangyari?" Di din malaman ni Alex kung bakit siya nasa ospital gayong, nasa sarili katawan nya na naman siya.
"Ms. Reyes, na comatose ka ng dalawang araw. Buti at nagising ka agad. May kailangan akong sabihin sayo," Halos di makatingin ang Doctor kay Alex. Humugot ito ng malalim na hininga at muling nagsalita, "Na aksidente ang van na sinasakyan niyo, at hindi na umabot ang Nanay at Tatay mo, pati na ang walong taong gulang na kapatid mo, kasama na ang driver niyo at ikaw lamang ang tanging naka abot dito sa ospital ng buhay.."
Halos hindi makagalaw si Alex sa narinig, tila na paralisa ang buong katawan niya dito.
Makalipas ang dalawang linggo at kakatapos lamang ng libing ng kanyang pamilya. Napag pasyahan niyang maglakad lakad na lang muna. Malalim ang iniisip ni Alex kaya di niya namalayan na napunta na siya sa matao at maduming lugar. Squatter area na. Babalik na sana siya sa pinanggalingan niya nang may sumigaw sa harap nya.
"Tay! Bilisan niyo naman po!" Sigaw ng isang pamilyar na babae kasama ang binatang lalaki at agad na dinaluhan ng matandang lalaki. "Excited ka talagang mamasyal palagi 'no, Melly?"
Nanlaki ang mata nang mapagtanong iyon ang babaeng pinandirian niya nang pumasok siya sa katawan nito.
Unti unti siyang nakaramdam ng inggit. Na ang babaeng pinandidirian niya ay may pamilya habang siya ay wala na.
Pag dating ni Alex sa bahay ay deretso kwarto na ito. Nahiga at napatingin sa kisame. Nanlaki ang mga mata ni Alex nang makaisip siya ng ideya!
Natatawa ng mapakla si Alex nang tingnan ang kutsilyong kakakuha niya lang sa kusina at mabilis na bumalik sa kwarto. Nababaliw na nga ata talaga siya. Di niya kaya ang lungkot na dulot ng pagkawala ng kanyang pamilya.
Humugot siya ng malalim na hininga at walang pasabing sinaksak muli ang sarili. At sa pangalawang pagkakataon, nagdilim muli ang kanyang paningin.
Muling dumilat si Alex. Pero purong dilim lang ang kanyang nakikita. Inis na minulat ulit ni Alex ang kanyang mata ngunit dilim pa din ang sumalubong sa kanya.
"Asan ako?!" Sigaw ni Alex. Nagbabakasakaling may makarinig sa kanya.
Sigaw lang ng sigaw si Alex ngunit walang nag babago. Ilang beses niya na ding minulat ang mata niya at dilim pa din ang nakikita niya. Wala ni isang liwanag. Nag tatatakbo siya kahit walang makita, at napag tanto niya na wala na siyang dereksyon.
Dito niya na pinag sisihan ang lahat lahat. Kung sana'y naging mahirap na lang siya. O di kaya ay sana mas naging mabuting anak siya.
Napagtanto nya na dito na mag tatapos ang buhay niya. Sa dilim. Nakabukas ang mata niya ngunit dilim lang ang nakikita niya. Bawat takbo niya ay ni wala man lang siyang nababangga.
Ipinikit nalamang niya ang mata at hindi na ito muling idinilat pa. Hinayaan niya na ang sarili na kainin siya ng dilim.
Dahil sa umpisa pa lamang ay mas pinili niya na ang dilim.