Chapter 30: Nahihiya Ako

73 3 0
                                    

Charles POV

   Papasok na ko ng gate ng school ng makita ko si leb. whoooaah maasar nga 'to.

   "Leb!" tawag ko sakanya medyo malayo na din kasi siya eh.

  Lumingon siya tapos huminto, patakbo akong lumapit sakanya tapos inakbayan ko siya.

   "ano ba cha?!! tigilan mo nga yang kabaklaan mo!" inis niyang sabi, tapos tinanggal niya yung braso kong naka-akbay sakanya.

  "sungit nito, magtatanong lang ako kung kamusta tulog mo dun sa kwarto ni mau kagabi?!" pang-aasar ko.

  *death-glare* si leb yan, tapos nauna na siya maglakad.

  Haha sarap asarin nun eh, masundan na nga at makapunta sa tambayan for sure nandoon ang gf kong maganda.

Mau's POV

  Eto ba this is it, hindi ako pwedeng umabsent ngayon kasi may exam. Tsk kung hindi lang dahil sa exam na yun aabsent talaga ko, wag lang makita si leb.

   Nahihiya talaga ko dun >////< pag naiisip ko nga kinikilabutan ako eh, for sure alam ng barkada yun kaya malamang sa malamang pang-aasar ang abot naming dalawa.

  Nagpunta ako sa tambayan, nandito na si ate nette at patricia wala pa yung tatlong mokong.

  "good morning mau :)" nakangiting bati nila.

  "walang good sa morning, atska pwede kung mang-aasar kayo wag niyo ng ituloy kasi wala ako sa mood!" masungit kong sabi.

  "sungit nito, first day mo?!" tanong ni patricia.

  "basta wag ngayon please lang!" ako. sabay upo sa tapos bagsak ng libro sa lamesa.

  Tahimik kaming tatlo alam kasi nila na ganito ako pag wala sa mood.

  Maya-maya dumating si clar. "Hi girls!" bati niya sabay kiss sa cheeks ni ate nette =____= ugh aga ng PDA.

  Pag-lingon ko sa likuran ko, kasunod na pala niya si cha at leb. kinakabahan ako kulang nalang lumundag palabas ng dibdib ko yung puso ko >< waaaahh...

  Nung nakalapit na sila sa amin kinuha ko agad yung mga gamit ko sabay tayo.

  "sige ate nette, patricia ah ma-una na ko sa ro-om da-daan din ka-si ako ng loc-ker may ku-kunin a-ko!" nauutal kong paalam.

  Nagulat silang lima, dali-dali akong naglakad paalis dun narinig ko pa ngang nagsalita si leb eh.

"anong nangyari dun?!" tanong niya.

  Hindi ko na sila nilingon, basta ayoko lang siyang makita. Eh kasi waaaahhh... naalala ko talaga yun >_____<

Hahaha kakatuwa si mau :D priceless ang reaction eh halatang di maka-move on sa yakap thingy na yun XD

Afraid To Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon