Pakisabi Nalang

606 21 19
                                    

*Please play the music at the right.



                       Renzel, hay! naku ikaw nanaman ang iniisip ko.

                  *plok*

                       Eto nanaman ang mga luha kong traydor. Bakit ba kasi ako nasasaktan ng ganito? Di naman dapat ako nagkakaganito eh, dapat pa nga ay masaya ako na masaya ka sa piling ng kapatid ko. Pero hindi ko naman masisisi ang sarili ko kasi mula High School hanggang ngayon ikaw lang ang minahal ng puso kong tanga. Naiinis ako sa sarili ko, bakit ba kasi hindi ko nasabi sa iyo na mahal kita? Bakit kasi sa tuwing lumalapit ka sa akin nauutal at napipipi ako?

               *sigh*

                    Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang napakalalim na buntong hininga ng bestfriend kong si Jovie.

                         "Naiisip mo nanaman siya ano?"- Jovie

Tumango nalang ako sa tanong niya.

                        "Bakit ba kasi kailangan mo pang um-----------" - Jovie

                       Niyakap ko ang bestfriend ko at dahil doon ay napatigil siya sa pagsasalita. Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil alam ko namang sesermonan at pipigilan niya lang ako sa pag-alis ko.

                     "Bes kapag nagkita kayo, pakisabi nalang sa kanya na minahal, mahal at mamahalin ko siya. Pakisabing wag siyang mag-alala dahil hindi naman ako umaasang suklian niya yun. Alam ko namang malabo yun dahil mahal niya ang kapatid ko, pero kahit na ganun pakisabi nalang "- wika ko habang humuhigpit sa pagkakayakap sa kanya

                      "Makakarating yan sa kanya. Basta ipangako mo ha, na babalik ka. Palagi kang tatawag sa akin, wag na wag mong papabayaan ang sarili mo. Tandaan mo kapag may problema, isang dial mo lang ng number ko sasagot agad ako."- Jovie

                                Kumalas ako sa pagkakayap at sinabing, "Oo naman! Ah siya nga pala ." Kinuha ko sa bag ko ang sulat na naglalaman ng damdamin ko para kay Renzel.

                                "Pakibigay na rin nitong sulat ko sa kanya" - ako

                                 "Ma'am Hana nasa airport na po tayo." - drayber

                           "Ah sige po. Pakibaba nalang po ng mga gamit ko tsaka pakilagay na rin ho sa cart"- sagot ko

                                  "Sige po Ma'am Hana"- Driver

                                    "Salamat po!"- ako

                  Bumaba si Jovie sa sasakyan at muli kaming nagyakapan.

                          "Alagaan mo yung kapatid ko ha, tsaka mag-ingat ka sa gabi alam mo naman maraming mga sira-ulo dito sa Pinas. Mahal na mahal kita bes at mamimiss talaga kita. "- ako

                               "Talagang mamimiss mo ako kasi wala na mangungulit sa iyong magshopping. Ikaw din ha  mag-ingat ka doon. Wag ka masyadong magpapapagod at kapag may lagnat ka uminom ka agad ng  gamot"-Jovie

Pakisabi NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon