Wet me with fire (Chapter 7)

9.7K 142 9
                                    

Chapter 7

Mabilis ang ginawang pagbukas ni Nica sa pinto ng condo unit niya. Nahihintakutan siya sa sinabi ni Beki. Ano ba ang nangyari dito sa loob ng maraming taon? Bakit ngayon ay may gustong pumatay dito?

“Come inside, please feel at home,” masiglang yakag niya dito na pilit pinapatay ang takot na lumulukob sa kanya. It’s not everyday na malalaman ng isang taong may gustong pumatay rito. Seryosong bagay iyon at sadyang nakakasindak.

Itinuro niya sa kaibigan ang couch. Naupo ito roon. “Pasensya ka na talaga kung sa ganitong pagkakataon tayo nagkita. Wala na talaga kasi akong matakbuhan. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Takot na takot ako, Nica. Para na akong mababaliw sa sobrang takot.” Nag-uunahan na namang muli ang mga luha nito sa paghikbi. Inabutan niya ito ng tissue.

“Ssshhh… Calm down, no one will harm you here. Saglit lang at ikukuha kita ng maiinom. Huwag ka nang umiyak,” pang-aalo niya rito. Nagtungo siya sa kusina at ipinagtimpla ito ng fresh juice. Pinainom niya iyon dito nang magbalik siya sa sala.

“Thank you so much, Nica.”

“Oh, it’s nothing. Tell me what happened? Why someone wanted you dead? Saan ka ba napadpad at iniwan mo na lang ako ng walang paalam? You know that I didn’t mean all the words I’ve said the last day we’ve saw each other. Ilang beses akong nag-sorry sa’yo sa mga texts and e-mails pero hindi ka nag-rereply. I also try to search for you pero hindi ka mahanap ng mga inutusan ko.”

“Pasensya ka na, wala na iyon sa akin. Sobrang tagal na niyon. Biglaan din kasi ang pag-alis namin noon ng bansa. Sinabihan din ako nila Mommy na itigil ko ang pakikipag-contact ko sa mga kakilala ko sa Pilipinas. Nahuli kasi ang drug business ng step-dad ko pati iyong mga illegal club house niya. Isinama niya kami sa pag-iskapo. Nag-TNT kami sa states for several years bago kami nakakuha ng green card sa tulong ng kaibigan ni Daddy. Doon kami nagtago hanggang sa nitong last three years ay naisipan ni Daddy na umuwi dito sa Pilipinas. Nandito lahat ng mga properties niya at ilan pang mga ari-arian at mga kabuhayan na hindi pa nalalaman ng mga awtoridad. Sa simula tahimik naman kami hanggang sa bulabugin ako ng mga death threats.

“Ipinaalam ko ito kanila Mommy at gumawa sila ng paraan para matukoy kung sino ang nagpapadala ng mga iyon pero hindi namin mahuli. Hindi naman namin masabing family feud ang dahilan dahil walang kaaway ang pamilya namin. Kahit sa negosyo at transaksyon ay maingat si Daddy na walang makaaway. O kung mayro’n man bakit ako ang padadalhan nila? Hindi ba? Hindi nila ako kilala, wala akong kinalaman sa trabaho nila. Isa pa, hindi naman ako tunay na anak ni Daddy at itinago niya kami--- na nagsasama sila ni Mommy. Laging maingat si Daddy, he never been careless.

“Wala rin naman akong maalala na personal na kaaway para ganituhin ako ng sinumang iyon. Yes, I’ve been a bully in school pero high school days pa iyon. Nang umalis kami dito sa Pilipinas laging nasa bahay na lang ako nakapirmi. Wala talaga akong maisip na tao na gaganito sa akin.

“Nica, natatakot na talaga ako. Hindi ako pwedeng magsumbong sa mga pulis dahil baka ma-track down nila kami, malalaman nilang bumalik na kami dito. Mas natatakot pa ako ngayon dahil parang lagi nang may sumusunod sa akin. Parang binabantayan nila ako. Alam nila lahat ng ginagawa ko. Kung saan ako nagpupunta at nagtatago. But don’t worries I make sure no one tailed me here. Dad hired for a decoy pero hindi ko alam kung hanggang kailan sila mauuto niyon. Pasensya ka na talaga, Nica at idinamay pa kita sa sarili kong gulo. Wala na kasi akong maisip na ibang tutulong sa akin kundi ikaw lang. Pakiusap, Nica tulungan mo sana ako,” mahabang litanya nito sa pagitan ng walang tigil na pagbuhos ng mga luha.

She tried to comfort her. “Of course, we will figure out who’s that bastard threatening you. They will pay for this,” aniyang puno ng conviction. Awang-awa siya sa kaibigan niya dahil sadyang napakahirap ng mga pinagdadaanan nito.

Wet Me With Fire (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon