Prologue

203 6 0
                                    


Ilang linggo na ang nakalipas ng kumalat ang epedemyang ito. Kung saan nasira ang buong siyudad sa bawat panig ng mundo, ang dami na ring nawala na buhay sa pagdating ng mga halimaw na kumakain ng tao.

Mga dating tao na nakakasalamuha mo ngunit, dahil sa di matukoy na virus naging halimaw na palakadlakad, naghahanap ng makakaing sariwang laman' loob.

Tandang-tanda ko ang simula ng pagkalat nito.

Akala ko hindi totoo, pero nagkamali ako.

**********************************

"Hinigpitan na po ang seguridad sa buong paliparan at pantalan ng bansa, dahil sa kumakalat na sakit mula sa Europa na hindi pa rin tukoy ng mga experto hanggang ngayon kung ano ang sanhi nito. Pinapayuhan ang lahat na kung makasalamuha o makaramdam ng ilang mga sintomas na sumusunod ay agad mag bigay alam sa kinauukulan."

Nakatingin lang ako sa LED screen dito sa isang store ng mall. Inaantay ko yung boyfriend ko na nag C.R lang saglit.

Nag sa-shopping kasi ako ngayon para sa mga gamit ko bago namin libutin ang bansa.

"Pen." agad akong napalingon sa tumawag sa'kin at ngumiti.
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko saka nag umpisang maglakad.

"Natagalan ka ata sa C.R?" tanong ko sa kaniya.

"Ah, haba ng pila, eh." sagot niya sa'kin.
Tumango naman ako sa sagot niya. lumingon siya sa'kin sabay ngiti. "Bilisan na natin para makapamili ka nang mga magagandang damit." hindi na ako nakasagot pa dahil hinila na niya agad ako papasok sa isang clothing line store.

Kinuha ko na lahat ng gusto ko at lumapit sa boyfriend ko. "Lex, sukat ko lang to, ah." paalam ko sa kaniya.

"Sure, I'll be waiting na lang do'n sa bench." sabay turo niya sa bench na malapit sa cashier.

Tumango na lang ako at nagtungo na sa fitting room.

Ilang minuto pa ang lumipas ng makarinig ako ng mga sigaw.

"Ahhh!!!!!!"

Anong meron?

Agad kong kinuha yung bag ko, at lumabas na ng fitting room, di na rin ako nag abalang magpalit sa dati kung damit, dahil gusto kung malaman kung ano ang nangyayari.

Nagkakagulo ang lahat nagtatakbuhan, at nag sisigawan.

What is really happening here?
Tugon ko sa sarili ko. At napatingin doon sa bench malapit sa cashier.

Wala yung boyfriend ko do'n.

Kinabahan na ako kaya agad akong lumabas ng clothing line store, pero mas hindi ko inaasahan ang ka-ganapan sa buong mall.

Magulo, maraming dugo, mga patay na nakahandusay yung iba nangingisay habang kagat ng kapwa nila tao.

Ano na bang nangyayari?

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Mayamaya nakatingin ako doon sa isang tao na duguan nakatingin din siya sa'kin tila nagngigitngit sa galit at tila nanlilisik ang mga mata nito.

Teka!

Zombie!

Imposible....

Tila na istatwa na ako sa pwesto ko di ko maigalaw yung mga paa ko.
Agad itong tumakbo papalapit sa'kin. Napapikit na lang ako ng mga mata ko.

Ito na yon, dito na matatapos to.

Inantay ko na lapitan ako ng halimaw ng nakarinig ako ng.

*Smack!

*Slash!

Napadilat na ako ng mata ko ng naramdaman ko na tila may tumalsik sa'kin na kung ano.

Nakita ko yung zombie nakahandusay sa sahig duguan. Nakaharang  naman sa'kin yung boyfriend ko na hawak ang isang bakal.

Binitawan niya ito at hinagkan ako ng mahigpit.

"You're safe now, Pen."tugon niya sa'kin.

My Zombie BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon