Forever in My Heart

77 4 2
                                    

"Carlo gising na!" 

"5 minutes...hmmmm"

"Hindi! pag hindi ka pa bumangon dyan wala kang baon sa isang linggo"

"Aissshh! Eto na po oh gising na gising na. Gawin daw bang panakot ang baon. Psh!"

"May sinasabi ka?"

"Wala po. Sabi ko goodmorning"

Yan ang eksena namin sa bahay tuwing umaga.

Ayun nga gumising na ako at naghanda sa pagpasok.

*lakad*

*lakad*

!(?_?)

Meron nanaman???

Lagi na lang kasi pag dadaan ako sa street na to may mapupulot akong paper crane.

Pinulot ko ito at nagdiretso na sa school.

Sino kaya ang gumagawa nito? Bakit kaya? Hmmmm. Aalamin ko yan.

*****

Sumunod na araw inagahan ko ang pasok. Nagulat pa nga si mama ehh.

Nagtago ako sa isang poste malapit sa lugar kung saan o madalas makita ang nga paper crane.

Mga ilang minuto lang may nalaglag na paper crane mula sa bintana ng bahay sa tapat nung pwestong lagi kong nakikitaan ng paper cranes.

Maya-maya may nalaglag ulit. Di na ko naghintay ng pangatlo at lumabas na sa kinatataguan ko nang may makita akong babaeng dumungaw sa bintana at akmng maglalaglag ulit. 

Nagulat siya ng makita akong nasa baba atsaka nagtago.

"Miss nakita na kita. Wag ka na magtago"

Pero hindi pa rin siya lumalabas.

"Oy miss!!!"

Ayaw pa rin. Hmmmm.

"Wew. Guni-guni ko lang siguro yun. Pasok na nga ako sa school. Ma-late pa ko. Sayang gusto ko

pa naman makilala ung gumagawa nito. Tsk!"

Malakas na pagkakasabi ko na mahahalatang nagpaparinig ako.

Nagsimula na akong maglakad palayo sa bahay na yon. Pero di pa man ako masyadong nakakalayo ay may pumigil sakin.

"Sandali lang!"

Tsk! Sabi na lalabas din siya ehh. I'm so irresistible. Hahaha

Lumingon ako "Ako ba?" turo ko sa sarili ko with matching mapanlokong ngiti. Forte ko na ata talaga ang mang asar. Hehe

"O-oo" nahihiyang sagot niya.

"Ahh" nilapitan ko siya "Anong maipaglilingkod ko sayo magandang binibini?"

"A-ako yung naghahagis ng paper crane sa kalsada" nakayuko pa rin siya. Ano ba to nagdadasal? Hehe joke!

Pinapasok niya ako sa may porch nila.

"Ahh ganun ba. Bakit mo naman ginagawa yun?"

"Kasi alam kong dadaan ka ehh"

"Haaaay... Iba na talaga charisma ko" mayabang kong sabi. Napangiti naman siya. Ang ganda niya pala.

"Ano nga palang pangalan mo?"

"Ako si Ryza"

"Ako naman si Carlo. Hmmm, Ryza. Ang ganda. Bagay sayo, kasingganda mo ang pangalan mo" tinigan ko pa siyang mabuti. Ang cute ng mata niya tapos parang abg soft ng lips. Sarap i-kiss. Haha

Forever in My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon