Hoping

66 2 0
                                    

------------------

"Hay nako ang gwapo gwapo nya talaga... First time ko lang magkaroon ng crush sa tanang buhay ko" sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa kanya.

Matangkad..

Kayumanggi na balat..

Brown eyes..

Kissable lips..

Tapos idagdag mo pa ang pagiging basketball player nya!!!!!

Yan si Ran Dexo, ang ultimate crush ng bayan.

Impossible naman na makita nya ko dahil dehamak na panget lamang ako na estudyante dito sa Westville High.

"Sino kausap mo?"

"Ay butiking nanganak ng manok! Sino ka?! Bat ka nanggugulat?! Kilala ba kita?! Taga san ka?! Ano fb mo?! B-------" bwisit ah!!!! Sya na ngang nanggulat tapos sya pang mayganang mantakip ng bibig?!?! Kapal!!!!!!!

"Ang ingay mo ah. Chill. Btw I'm Chen Wu. Transferee ako. Nakita kasi kita dito na mag-isa tas paglapit ko sayo nagsalita ka about sa crush mo....." totoo ba to? Isang gwapo kinakausap ako... "Miss nakikinig ka ba? San ba CR dito? Woy! Tulo laway ka na!"

"Ang gwapo mo kasi.." ang gwapo nya talaga d-----AISH! ANO BA SINASABI KO?! Nako ayokong maging taksil kay Ran! "Joke ha-ha-ha" grabe nakakahiya ako. -_-

"Haha joker ka pala. Btw miss pwede ba kita maging friend? Kaw pa lang kakilala ko dito eh. What's your name btw?" sabi ni Chen

"Rein...Rein Mago..." mautal utal kong sabi

"Wow ang ganda ng name mo. Rein i'm Chen" sht! Ang gwapo nya! Pero mas gwapo parin si Ran. :') "Samahan mo ko sa CR. Di ko kasi alam eh. Don't worry sa labas ka magsstay hahaha" nabasa nya ata nasa isip ko hahaha.

-----------

"Diba yan si Chen ng Northville High?! Don't tell me he'll gonna study here in our school?!"

"Gosh! He's in 4th yr section 1 also! Omygeee!"

"But wait...why is it that he's with Reinfanget?"

"Ew...kapal naman nya para dumikit kay Chen Wu."

"I'm gonna punch her na!!!! Can somebody stop me?!"

"Who cares? Go punch her!!"

Grabe. . . . kaya ayaw ko ng ganito eh.

"Ang me-mean naman nun. Kala mo naman magaganda. Don't worry Rein. Mas maganda ka"

"Mas maganda ka"

"Mas maganda ka"

"Mas maganda ka"

Shet! Pwede bang kiligin?!

"Mamb------"

"Yow Chen! Long time no talk!!!" O.o Ran????

"Ran! Bobo ka parin! Hahahaha! Ang panget mo na!!"

Wait...totoo ba to????

Magkakilala sila???

"You guys know each other????" di ako makapaniwala...

"Yup Rein. We're Childhood friends *wink*" sabi ni Chen sakin. "Btw Ran si Rein nga pala. R------"

"Kilala ko sya" O.o sabay naming sabi ni Ran.

"O-okay. Hahaha Osya Ran alis na kami ni Rein ah! Bye!" bago pa man ako mahila ni Chen, bigla akong kinilig sa sinabi ni Ran sakin.

Hoping (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon