Chapter 22: Mr. and Ms. Intrams

0 0 0
                                    

"Good afternoon everyone! I know that all of you are so excited today because this is the most unawaited event every intrams. So, are you ready!" Sigaw ng host sa stage habang lahat ng tao ay hindi mapakali sa kanilang inuupuan.

"Yes! Woooh!"

"Go Number Five!"

"Number Eleven and Twelve kaya nyo yan ipanalo nyo team natin!"

Sigawan lahat ng mga taong naghihintay na magsimula ang pageant. Andito ako sa backstage pero rinig na rinig ko ang lahat ng hiyawan sa labas. Sobra na akong kinakabahan parang maiihi na ako anumang minuto. Napatingin naman ako sa may gilid ng kurtina para makita kung ano na ang nangyayare dahil hindi talaga ako mapakali. Nakita kong nag chicheer sila ng kanya kanya nilang pambato, ang iba ay may dala dala pang drums at animoy handang handa na para mamaya.

Nanginig naman lahat ng buto ko sa paa para akong babagsak sa nararamdaman ko. First time tong mangyayare sa akin kaya hindi ko alam gagawin ko. Ngayong nakita ko na ang labas at sobrang dami na palang tao ang nanonood parang gusto ko ng tumakas ngayon.

Bigla naman akong napatingin sa left side malapit sa stage at laking gulat ko ng puro kaklase ko ang lahat ng nandun kasama ang parents namin ni marc. Lahat sila ay naghihiyawan habang hawak ang baloon at mga banner namin. Nag chicheer din sila sa amin habang tumutunog ang tinatambol nilang mga drums.

"Go Number 17 and 18! Alam naming kaya nyo yan!"

"Steph! Marcus! we know you can win this pageant were all here to support you!"

"Red Dragon Warriors!! WILL WIN AND NO ONE CAN  BEAT THEM! GO Warriors!"

Gusto kong maluha dahil sa effort na ginawa nila, matapos kong makita ang lahat ng iyon ay medyo nabawasan ang kaba ko at pinapangako ko ngayon na hindi masasayang ang effort nila dahil sisiguraduhin kong ako ang mananalo this year.

"Guys be ready we will start now!" Sigaw sa amin ng isa sa mga nagayos ng event. Bumalik naman lahat ng kaba ko pero hindi na tulad ng dati.

"Just relax don't be too nervous baka mas lalo kang 'di makapag concentrate nyan." Saad ng isang tao sa likuran ko kaya napatingin ako dito at nakita kong si marcus iyon na animoy isang sikat na modelo sa isang magazine. Sobrang gwapo nya sa suot nitong baby blue na polo na nakabukas ang tatlong butones para makita nang bahagya ang dibdib at tinernuhan nya nang khaki shorts

Tinanguan ko lang sya at lahat kami ay naghanda na. Nasa hagdan na kami paakyat pero bago ako makalakad ay binangga ako ni gale at muntikan na akong mawalan ng balanse pero agad akong napahawak sa pader na nasa gilid ko. Naramdaman ko rin ang mga kamay ni marcus sa braso ko para alalayan ako. Tinignan ko naman si gale ng masama pero hinayaan ko nalang sya at nagpigil.

"Tss hanggang dito humaharang ka parin. Well goodluck nalang mamaya kasi for sure matatalo kita kaya maghanda ka na ng tissue baka maiyak ka." Nangaasar na turan nya sa akin sabay irap. Humarap naman sya kay marcus na nasa tabi ko at biglang ngumiti na halos mapunit na ang bibig.

"Hi marcus goodluck ah, I know na tayong dalawa ang mananalo kaya let's celebrate after." Maarteng turan nito sabay halik sa pisngi ni marcus at pumwesto na.

Nagulat naman ako sa ginawa nya kaya napatingin ako kay marcus na medyo parang gulat din pero di tulad ng sa akin. Halatang wala lang sa kanya yun kaya umiwas nalang ako ng tingin dahil hindi ko na kinakaya. Ayokong masira ang araw ko ngayon kaya binaliwala ko nalang.

Ibang klase talagang kalandian at kaplastistikan ang tinataglay ni gale pero hindi ako magpapaapekto dahil sisiguraduhin kong ako ang mananalo dito at hindi sya.

Nakahanda na kaming lahat at nagsimula ng lumabas sa backstage ang ibang kasali. Nakasuot kaming lahat ngayon ng casual wear. Pero ako ang kakaiba sa kanila. Nakasuot parin ako ng backless dress pero iba na ang kulay at style nito, bahagyang mababa ang neckline nito kumpara sa suot ko kanina kaya nakikita gaano ang cleavage ko. Naka cross naman ang strap sa may likuran ko at hanggang bewang ang nakikita sa likuran ko.

Naunang lumabas sa amin sila gale kasama ang partner nya dahil sila ang number fifteen and sixteen samantalang kami ang susunod sa kanila seventeen and eighteen. Confident na confident namang lumabas si gale na may malaking ngiti sa labi halatang hindi manlang kinakabahan.

Paakyat na kami ni marcus at naramdaman kong hinawakan nya ako ng mahigpit sa kamay at napatingin ako sa kanya na nakatingin na pala sa akin. Napangiti rin ako sa kanya nang makita kong nakangiti sya. Siguro isasantabi ko muna ang lahat ng kung anong meron sa pagitan namin alang ala sa event na to at saka sa mga kaklase namin na gustong manalo kami.

"I know we can do this." Saad nya habang nakapaskil ang napakalawak nyang ngiti sa labi. I just nod at him at kumapit na sa braso nya. Sabay kaming lumabas na may ngiti sa labi at confident na naglakad sa harap ng maraming tao.

Nagulantang ang buong sistema ko ng makita na sobrang lakas ng hiyawan ng ibang tao maski ang ibang section ay nakikihiyaw na sa amin. Naghiwalay kami ni marcus ng daan, papunta sya sa left side ng stage habang ako ay sa right side nito. Taas noo akong naglakad at tumingin sa lahat ng tao pati na sa mga judges.

I saw dad and mom with a big smile on their faces. Nakikita ko rin na sobrang proud sila sa akin kaya nginitian ko din sila. Nag meet ulit kami sa gitna ni marcus at humarap sa dalawang mic upang magpakilala.

"Stephany Ramirez." I said while facing the crowd with a big smile. Biglang nawala lahat ng kaba ko dahil nakikita kong todo support ang ginagawa ng family at friends ko sa amin.

"Marcus Garcia." Saad naman ni marc at halos lahat ng tao ay nagsigawan. Sino ba namang hindi mapapasigaw sa sobrang gwapo ng katabi ko

"Representing the team Red Dragon Warriors!" Sabay naming sigaw ni marcus sa name ng team namin at lahat naman ng tao ay naghiyawan at nag cheer.

After that we already proceed at the backstage to change and prepare for the next attire. Eto palang nagagawa namin pero halos pagod na ang nararamdaman ko, yung tipong gusto mo nalang matulog nang deretcho at babangon ka nalang kung kaylan mo gusto.

I'm starring myself at the mirror and wondering why does my fate be like this? All I just wanted is to be happy and be loved by other people that surrounds me but it always end up in pain. Sometimes I was thinking if am I really that hard to be love and understand that's why they always hate me or they just don't like me literally.

***

A/N:

Hi readers the next chapter would be in Q & A portion scene. Hindi ko na po pahahabain or idedetalye masyado ang scene na to kasi baka boring lang ang kalalabasan so I hope you understand guys. But  don't worry kasi magiging maganda parin yung flow nung story kaso medyo bitin lang dahil Q & A na agad.

Don't forget to vote, comment and follow guys😉😘

Lovelots!😍😘

IILCF💕

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon