Life after Death

22 0 0
                                    

Sabi nila ang buhay daw nagtatapos kapag namatay ka na...

Pero bakit naman ako, namatay na pero muling nabuhay pa? parang si God?

FIRST TEXT...

Super saya ng mga bata ngayon, lahat sila nakabihis ng magaganda, may mga dalang regalo at may mga nakahandang presentation.. haay! Pang ilang new year's party na nga ba 'to ng grupo? Hindi ko na mabilang..

Nandito kami ngayon sa isang maluwang at bakanteng lupa sa harap ng aming bahay. New Year kasi ngayon at tulad ng nakagawian namin magbabarkada, nagpaparty na naman kami sa mga bata dito sa aming lugar. kahit mga dalaga at binata na gustong makisali pwede, pati nga mga nanay eh. May hinanda din kasi kaming paraffle para sa kanila. Hiningi pa namin yun ah! Kung kanikanino lang dayan sa tabi tabi na mababait!haha.

Ako, nandito nga pala ako sa isang bangko sa ilalim ng punong mangga. Nanonood lang ako sa kanila kasi ayoko naman ng exposure sa ganyan, wala din naman akong talent sa pag eemcee, so watchman na lang ang peg ko..

Emo din kasi ako pag ganitong New Year eh, wala lang.. Wala kasi akong lovelife,haha. Wala tuloy akong binabati at kasabay magcountdown.

"Pwede makiupo sa tabi mo?"

"Huh?" yan lang nasabi ko. Tapos bigla na lang xang tumabi sa akin at halos dikit na dikit na ang mga braso namin.

"bakit ayaw mong sumali sa kanila?" Sabi nya habang nakatingin sa ilang kabataan na naglalaro na pala ng Newspaper Dance, yun bang may tugtog tapos pag huminto dapat mabuhat ng boy ang partner nyang girl at dapat di lumalampas ang paa ng lalake sa newspaper. Ang saya nila. Sobra!

"Ikaw? Bakit di ka din sumali sa kanila?

"Wala kasi sa kanila ang gusto kong buhatin eh" sagot nya na titig na titig sa mukha ko..

Dugdug. Dugdug.

Life after DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon