Nang patapos na namin iset ang dining area ay saka naman ang pagdating ni Beatrice. Excited itong yumakap sa akin kaya natawa na lamang ako. Napakajolly talaga ng personality niya kahit na noong kita ko sa kaniya ay nagtaray siya kaagad.
"Mygash Laila! I missed you so much." exaggerated na sabi nito. Natawa naman ako at tinap ang ulo niya.
"I missed you too."
"Naku! We need to catch-up. Doon ka matulog sa kwarto ko mamaya." masayang sabi nito.
Good idea. Ayaw ko rin na muna kasing makatabi si Dave sa ngayon. Naguguluhan ako at marami akong tanong na gusto kong sagutin niya pero natatakot ako sa maaring sagot niya sa akin. As much as I want him, I want to give space to the both of us, makahinga lang.
"Alright. I will tell Dave later." natatawang sabi ko sa kaniya.
"Alright. Magbibihis na muna ako." humalik muna ito sa pisngi ko at saka umakyat na.
"What's that?" rinig kong taning ni Dave sa likuran ko.
Humarap ako sa kaniya at nakitang nakakunot ang noo nito. Oh-oh! Mukhang hindi ito papayag.
"Ah. Gusto kasi ni Beatrice na doon ako matulog sa kwarto niya mamaya para makapagbonding na din kami. You know, parang sleep over." nag-aalangan kong sabi sa kaniya.
"No. Doon ka sa tabi ko." seryosong sabi nito.
Ngumuso naman ako at nalungkot. Gusto ko pa naman makausap si Veatrice at baka may alam din siya sa nakaraan na meron si Dave at Kate.
Narinig ko namang bumuntong hininga si Dave at lumapit sa akin.
"Okay. Okay. Doon ka na muna matulog. 'Wag ka ng sad." maamong sabi nito. Ngumiti naman ako kaagad at niyakap siya.
I love him, so much.
"Thank you." I give him peck sa lips at tinulungan na ulit si Tita Maricel sa ginagawa niya.
Nang makababa na ang lahat ay naupo na kami at nagsimulang kumain. Maingay sa hapag-kainan si Beatrice at Dave dahil nagaasaran ang dalawa. Tawa at kwentuhan ang dinner naming lahat.
Nang matapos kami ay nagpaalam na matutulog na sila Tita Maricel and Tito David. May aattendan kasi silang event bukas kaya kailangan nilang maaga matulog para bukas.
Si Beatrice naman ay nagpaalam na mauuna sa kwarto niya at aayusin niya pa daw muna ito kaya kaming dalawa na lamang ni Dave ang natira.
Sabay na kaming nagtungo sa kwarto niya dahil doon na din muna ako magbibihis at maliligo.
Nang makarating kami sa kwarto niya ay nauna na siyang pumasok. Binuksan nito ang tv at humiga sa kama.
"Hay. Mag-isa na naman akong matutulog." parinig nito sa akin. Natawa naman ako kaya tumabi muna ako sa kaniya.
"Ngayong gabi lang naman." natatawang sabi ko sa kaniya. Sumimangot naman ito sa akin at pinisil ang ilong ko.
"Joke lang." nangingiting sabi nito.
Kahit talaga anong gawin ko hindi ko matiis si Dave. Kahit anong gawin niya at marinig kong masakit galing sa kaniya ay mahal ko parin siya.
Humalik ako sa kaniya sa pisngi at tumayo na. Nagtungo na ako sa banyo para maligo.
Nang matapos ako ay lumabas ako ng natapis lang ng twalya. Nakita ko namang nakatutok ang paningin nito sa akin. Naiinggit na naman sa kagandahan ko.