Mau's POV
Boring banda dito =___= medyo antok na din ako, dapat talaga hindi na ko sumama kay mommy.
Samantalang yung apat dun langgam nalang ang kulang. Aish >< sila na talaga. Napatingin ako sa may gilid ko ng may naglahad ng kamay sabay sabi.
"CAN I HAVE THIS DANCE?!" medyo seryoso pero husky niyang tanong.
Nag-isip ako 'ano ba? papayag ba ko o hindi? si mommy magtatanong yun kung anung ekek ang nangyari sa party, mababatukan ako pag sinabi kong wala. Nag-effort sila/siya para dito tapos babalewalain ko lang?' tanong ko sa sarili ko.
"nangangawit na ko!" natigil ako sa pag-iisip ng magsalita siya.
No choice =_____= inabot ko yung kamay niya bilang pagpayag na makasayaw siya. ngayon lang 'to kaya wag ng KJ.
Dinala niya ko sa gitna ng dance floor. Humawak siya sa bewang ko habang ako pinatong ko yung dalawang kamay ko sa may batok niya.
Naiilang ako, tumitingin kasi siya sa mata ko eh, naaalala ko tuloy yung 'YAKAP' thingy na yun waaaaahhhh lupa eat me now ><
Nette's POV
Sobrang saya ng gabing 'to lalo na't kasayaw ko ang taong pinakamamahal ko.
"ang sweet nila no?!" sabi ko sabay nguso kila patricia at charles.
"hindi mas sweet ako!" sabi ni clar tapos kiniss niya ko sa cheeks. Ay grabeng isang 'to namumula na ko sa kilig.
"naman eh, ikaw ha?!" nahihiya kong sabi ngumiti naman siya sa akin.
"thank you for loving me for what i am!" clar na seryosong nakatingin sa akin.
"wala yun, wala sa itsura o kasarian ang pagmamahal. Ang mahalaga mahal niyo ang isa't-isa!" sagot ko tapos niyakap niya ko.
"i love you hindi mo alam kung gaano ako kasaya na tumagal tayo ng ganto *kiss sa forehead ko* basta tatandaan mo mahal na mahal kita, akin ka lang, sayo lang ako!" sabi niya.
"i love you too!" sagot ko tapos i hugged him tight.
Kyaaaahhh yung Clar-Nette moment haha :D kinikilig eke enebe <3
vote / comment next chapter Mau-Leb moment ulet :) :*
BINABASA MO ANG
Afraid To Say I Love You
Teen FictionStorya ng isang babaeng natakot sa salitang iloveyou dahil hindi ito napatunayan sa kanya. Kung darating ba ang pagkakataong may taong muling magpapatunay ng pagmamahal sa kanya maniniwala pa ba siya o hinding-hindi na? StoryCover by: charm lee