# 01

37 9 1
                                    

hebrews 11:1

faith is the confidence that what we hope for will actually happen; it gives us assurance about things we cannot see.

---

Natatakot ako sa mga multo na baka magparamdam sila sakin at matakot ako. Pero inaalala ko si Jesus, mas malakas Siya kaysa sa kanila kaya dapat wala akong katakutan.

Isang gabi, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magpapalamon sa takot ko na baka nasa likod ko na sila o sa harap pagkadilat ko. Nagdasal ako at natulog na.

Naglalakad ako sa cafeteria ng isang school na parang mala-Hell University (imaginative university po siya na sinulat dito sa wattpad ni kuya KIB) at kumuha lang ako ng pagkain. Wala siyang bayad, mala-Hell University nga. Nasabi ko ding kaparehas siya ng University na iyon dahil puro itim lang din yung kulay ng buong university.

Naglakad-lakad ako pero 'di ko na dala yung pagkain ko, weird 'diba?

(Nasa panaginip po ito.)

Napadpad ako sa right side ng cafeteria at may nakita ako itim na gate.

(Naalala ko yung entrance nung Hell University.)

Binuksan ko iyon at may nakita akong mga tao sa loob na nakabusangot lang. Napaatras ako pero inutusan ako ng isang estudyante sa cafeteria na saraduhin iyon at sinarado ko naman.

Naglakad ulit ako sa paligid pero 'di ko alam kung paano ako nakapaglakad ng paatras at pahiga na nakadikit pa sa dingding. Sa mga pader may nakadikit na mga manika na nakakatakot tingnan at nakakulong sila na may mga number sa taas.

Naglakad ako hanggang sa maabutan ko yung dulo na room daw ng may-ari ng school at pinapapunta daw ako doon. Tinapak ko ang isang paa ko papasok at maya-maya'y pinapasok niya ako.

May hawak-hawak siyang medyo malaking bato at inilapag niya sa sahig, "pumatong ka diyan." utos niya. Nagtaka pa ako pero sinunod ko nalang dahil isa lang akong hamak na estudyante rito at siya ang may-ari ng school.

Umalis siya at may kinuha. Pagkabalik niya, may dala na siyang rope. Pina-dab pose niya ako (I'm not joking right here) at tsaka niya pinagsamang tinali ang kamay ko.

"Ito ang parusa mo para sa pagbukas ng gate na iyon na mahigpit kong pinagbabawal dito sa university."

Maya-maya'y napapikit ako at pagkadilat ko ay nasa stage na ako ng gymnasium, nakaluhod at nakatali parin ang kamay ko pero hindi na sa dab na posisyon at sa kamay. Nakatali iyon sa harap ko at nakatali siya sa wrist ko.

Maya-maya'y naglabas siya ng kutsilyo at humarap sakin habang nakataas parin ang kutsilyo.

Napapikit ako dahil ayokong masaksihan ang susunod pang mangyayari.

Nakaramdam nalang ako ng mga hiwa sa magkabilang mga daliri ko at hindi ko maiwasang umiyak.

"In Jesus Name, In Jesus Name." sabi ko sa isip ko. Inulit-ulit ko iyon na sana makapagpatigil sa nangyayari pero nararamdaman ko parin ang mga hiwa sa kamay ko. Naramdaman ko nalang na may mga luha nang umaagos mula sa mata ko.

Maya-maya'y dumilat ako nang hindi ko na iyon maramdaman at pagkatingin ko'y wala na ang nagmamay-ari ng school namin na siyang humihiwa sa daliri ko kanina.

Napatingin naman ako sa daliri ko at nagtaka akong walang kahit anong hiwa o gasgas iyon. Napaawang ang bibig ko at napatingin kay nanay na sana tabi ko.

Nababasa-basa din ang kanyang mata at mas lalo iyong namasa hanggang sa tumulo nalang nang ngumiti siya.

"Pinigilan siya ng tita mo. Sabi ng tita mo mamamatay ka 'pag ginawa niya iyon na akala niya'y hindi. Lumambot bigla ang puso niya at umalis nalang."

(Hindi ko po alam kung mamamatay po ba talaga ang isang tao sa paghiwa ng lahat ng daliri niya pero dito sa panaginip ko, oo. Posible naman ang lahat na mangyari sa isang panaginip.)

Napangiti nalang at napayakap sa kanya. Tuluyan nang umagos ang mga luha sa mata ko at napahagulgol nalang ako.

Lumabas kami ng gymnasium at habang naglalakad kami palabas ng university, hindi ko parin maiwasan ang pag-iyak dahilan para magtakang tumingin sakin ang bawat estudyanteng nadadaanan namin.

Nagising ako at inilibot ang paningin ko.

Nasa kwarto ko parin pala ako.

Nang maalala ko ang nangyari, hindi ko maiwasang mapaiyak.

Tunay ngang Makapangyarihan ang Ngalan Niya.

Umiyak lang ako ng umiyak dahil naramdaman ko talaga ang proteksyon Niya kahit sabihin mong isang panaginip lang iyon.

Napayakap nalang ako sa unan ko at doon umiyak ng umiyak.

Feeling ko nakayakap sakin si Jesus at pinagtatanggol ako.

I felt safety.

As what Psalms 32:8 said, "I will teach you and guide you the way you should go: I will guide you with my own eyes."

There are many other verses stating the same thing which gives me assurance that Jesus will be always there.

Nang tumahan ako kahit mabasa-basa parin ang mata ko, tumingin ako sa taas at ngumiti.

"Thank You Jesus for making me feel this way." sabi ko sa isip ko.

jesus.Where stories live. Discover now