Walo

27 1 0
                                    

Gumagawa ng sanga-sangang daan ang tulo ng ulan sa bintana ng restong kanilang kinalalagyan. Mula sa aircon ay maririnig ang mahinang ugong. Maririnig din ang mahihinang bulungan at hagikhikan ng ibang kumakain.

Ikalawang lamesa sa kanang bahagi ng pinto ay may dalawang katauhan ang nakaupo. Magkaharap sa isa't-isa. Pawang masaya.

"How long has it been?" panimula ng lalake. Malumanay na sinundan ang ng mga katagang "Kamusta ka na?"

"5? 6 years? I can't remember. Medyo matagal na din. I'm fine...no...I'm happy...very happy" sumilay ang mga ngiti sa labi ng babae habang binibitawan ang bawat salita.

Masaya nga sya. Masaya. Walang duda.

"Mabuti naman...grabe...Ibang-iba ka na. Lalo kang gumanda. Really."

'Elegante' 'Sopistikada' iyan ang mga salitang madalas ikinakabit ng mga tao sa pangalan ng babae kasi hindi naman maipagkakaila; totoo naman talaga.

"Ikaw din. You look happy" ganting tugon nito.

"Minsan. Minsan masaya, minsan hindi. Well, that's the meaning of life, right? Kilala mo ako...masaya na ako sa simpleng buhay"

Tumango ang dalaga hudyat ng pagsang-ayon. Iniangat niya ang inumin sa harapan at mayuming uminom dito.

"Maybe...It's a good thing na hindi talaga tayo natuloy dati. Look at you now... natupad mo na ang pangarap mo" may kuntentong ngiting dagdag pa ng lalake.

"No...not maybe... it's really the best thing that never happened...kapag naalala ko 'yun natatawa ako. How shallow of us? Right? You and me, against the world? Indeed mga bata pa nga tayo" natatawa pang saad ng babae.

Tinumbasan din naman ito ng kausap ng mga ngiti.
"I'm happy for you...really...Palagi akong magiging grateful sayo" tumingin ito sa relong itim na suot sa braso. "As much as I want to stay...sorry but I really have to go" kinuha ng lalake ang jacket na nakapatong sa tabing upuan nito. "And paganti naman...ako naman ang mang-iiwan" biro nito na naging dahilan upang tumawa sila parehas.

Tumayo na ito. Tumalikod. Humakbang ng ilang beses.

Nakatingin ang dalaga sa nakatalikod na lalake. Sa isip, bumilang siya...

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat...

Lima...

Papaabutin niya sa sampu bago siya tumayo...

Anim...

Pito...

Walo...

Dali-dali syang tumayo. Hindi tumatakbo pero may pag-aatubili sa kanyang mga hakbang. Hindi inda ang mataas na takong ng kanyang sapatos. Binuksan ang pintuan ng resto kung saan sila di sinasadyang magkita.

Ngunit...











...Huli na. Huli na naman sya.

Sa dulo ng mga mata nakita niya ang lalakeng may dalawang babae sa bisig. Sa kanan ay buhat nito ang isang batang babaeng mahimbing na natutulog sa balikat nito. Sa kaliwa ay isang babaeng may morenang kulay na magiliw na nakangiti sa lalake na tinutumbasan din naman nito ng matang may buong pagsuyo.

Nakita siya. Mag-isa. Nakatayo sa labas ng  restawran. Itinaas ng lalake ang kamay sa ere 'tumbas ng salitang "Paalam"

Tumango ang dalaga at ngumiti. Subalit ng tumalikod na ang lalake ay iyon na din ang naging hudyat ng kanyang panghihina. Napasalampak siya na para bang ang mga titig ng lalake ang nagsisilbing tukod para di sya bumagsak subalit ngayong wala na...Nag-uunahang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata kasabay ng pagbabalik sa isip ng usapan nila kanina at ang mga katagang sana'y kanyang binitiwan.

"How long has it been?" panimula ng lalake. Malumanay na sinundan ang ng mga katagang "Kamusta ka na?"

"6 na taon...5 buwan... at 4 na araw. Kahit kailan hindi ko malilimutan ang araw na ilang beses kong pinagsisihan. How dare you to ask if okay lang ako? Hindi ako okay."

Hindi ako masaya. Please save me.

"Mabuti naman...grabe...Ibang-iba ka na. Lalo kang gumanda. Really"

"I don't  need this beauty. I need you. Please comeback. I'm sorry" gusto niyang magmakaawa at sabihin kung gaano siya nagsisisi.

"Minsan. Minsan masaya minsan hindi. Well, that's the meaning of life, right? Kilala mo ako...masaya na ako sa simpleng buhay"

" And that's the reason kung bakit kita iniwan and now, that's the reason kung bakit napagtanto kong mali ako. Love, what's the meaning of my life if wala ka na?"

"Maybe...It's a good thing na hindi talaga tayo natuloy dati. Look at you now... natupad mo na ang pangarap mo" may kuntentong ngiting dagdag pa ng lalake

"No...please... stop... Stop saying that. Ang nakaraan nalang ang meron ako. Ang nakaraan nalang ang pinanghahawakan ko"

"I'm happy for you...really...Palagi akong magiging grateful sayo" tumingin ito sa relong itim na suot sa braso.

"If you are...then bakit mo ako hinahayaang masaktan? "

"As much as I want to stay...sorry but I really have to go" kinuha ng lalake ang jacket na nakapatong sa tabing upuan nito. "And paganti naman...ako naman ang mang-iiwan"  biro nito.

"Don't go. Please...I still love you. I'm sorry"

Sa bilang na sampu...tumayo na siya sa walo pero di pa rin sapat.Isang baldeng luha. Isang baldeng pagsisi. Pinuno niya ng walong minuto. Walong minutong pagbabalik ng alaala. Walong minutong pinagtaksilan siya ng sariling isip at puso. Walong minutong tingin mula sa mga nagtataka't mapanghusgang mata ng tao. Walong minutong bulungaun. Saktong walong minuto. Walang labis na segundo'y tumayo siya. Pinunasan ang luha. Lumakad at nagpatuloy. Tulad ng dati.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon