"Ano ba yan! Ang dali naman ng mission natin nakakainis." sabi ni Monaliza habang naglalakad sila ni Jepoy(in short Jeps) papunta sa isang building.
"Madali nga pero kailangan pa rin nating mag-ingat. Delikado pa rin ang mission natin. Mag-iingat ka at huwag kang gagawa ng kalokohan, ayos ba?" sabi ni Jeps kay Monaliza na halatang nag-aalala sa girlfriend nya.
"Oo na. Basta pagkatapos nito pupunta tayo sa amusement park, ha? Birthday na birthday mo binigyan tayo ng walang kwentang mission. Nakakainis yang SFCO(Safety First of Country Organization)." inis na sabi ni Monaliza.
Si Jepoy Dizon at Monalisa ay kasali sa isang organisasyong tinatawag na Safety First of Country Organization in short SFCO. Ang organisasyong ito ay hinuhuli ang mga lahat ng organisasyong may masamang balak sa kanilang bansa. Ngayon ay papunta sila sa building kung saan nagpapanggap ang oraganisasyong Evil Beings bilang mga business men. Magpapanggap si Jeps na mayamang business man at si Mona naman ay magtatago sa kung saan at magi-spy. Tumigil sila sa harap ng building.
"Tara Jeps, tapusin na natin tong kalokohang toh." sabi ni Mona habang nakatingin sa taas ng building.
"Sige tara na. Basta kung may mangyayari man lagi mong tatandaan na mahal kita, Mona." sabi ni Jeps. Nagtataka si Jeps kung bakit sabi ni Mona tapusin na, pero ang mission nila ay ang mag imbestiga at un lang. 'Siguro baka tapusin na itong mission na to ang ibig sabihin ni Mona' pero kilala nya si Mona eh. Sya ung taong sugod lang ng sugod at palaban. Inalis nya na lang ito sa kanyang isipan. Hinawakan nya ang kamay ni Mona. "Pero di mo pako binabati ah." sabi ni Jeps.
"Jeps mamaya na yang "Happy Birthday" na yan. Tapusin muna natin ito." sabi ni Mona na nakangiti kay Jeps.
At sabay silang pumasok sa loob.
Nakikipag-usap si Jeps sa mga nagpapanggap na business men. Tinatanong nya ito ng mga tanong na napupunta sa sagot sa tunay na tanong. Si Mona naman ay nagtatago, inirerecord lahat ng kanyang naririnig. And then......
"Deal" at nagshake hands sila Jeps at ang isa pang lalaki. Todo ngiti pa nga si Jeps na parang wala ng bukas eh.
Nagpaalam na si Jeps at lalabas na sana kaso lng ay biglang umusok. Sumulpot si Mona at pumunta sa harapan ni Jeps.
"Akala nyo hahayaan ko na lang kayo. No, hindi ko to palalagpasin. Never." galit na sinabi ni Mona. She calculated every answer at nalamang ang Evil Beings ay may planong gamitin ang mga mahihirap para sa planong kanilang gagawin. Nagalit sya dahil nung bata sya, mahirap lang sila. May mga masasamang mga lalaki na pinatay ang mga magulang nya at kuya sa harapan ng nya at ng kanyang nakababatang lalaking kapatid.
FLASHBACK
"Sige po, Nay. Pupuntahan ko po si Manang Betang." sabi ni Mona. Pero bago pa nya mabuksan ang pinto bigla itong nasira. May sumulpot na 4 armadong lalaki.Hinila ng isang lalaki si Mona at hinawakan ang dalawang kamay nito sa likod at itinutok ang kutsilyo sa leeg ni Mona.
"Papatayin ko tong anak mo o susunod kayong mag-asawa?" Pasigaw na tanong ng isang lalaki.
"O-opo, susunod kami." takot na sabi ng tatay ni Mona. "Pwede nyo na po bang pakawalan ang anak ko?" tanong naman ng tatay nya.
"Lumapit ka muna" sabi ng lalaking sumigaw.
Lumalapit na ang tatay ni Mona sa mga lalaki.
"Tay, huwag. Mas mabuti pang mamatay ako kaysa pumatay ka!" sigaw ni Mona."Edi parang pinatay na rin kita nun, anak." Naiiyak na sabi ng kanyang tatay. Lumapit ito pero imbes na mahahawakan na sya ng lalaki ay may inilabas syang kutsilyo at sinaksak ang lalaking may hawak kay Mona. Nakawala si Mona.
"O dba anak ligtas k-" hindi sya natapos dahil pinaputukan ito ng baril sa dibdib mula sa likod. Tumulo ang dugo sa bibig ng kanyang tatay at ito'y bumagsak sa sahig. Nang lalapit na sana sya sa kanyang tatay ay humarang ang kanyang nanay. Nakarinig sya ng putok ng baril.
"NAAAAAAYY!!!" sigaw nilang tatlong magkakapatid. Iyak sila ng iyak. Nakita nila ang nanay at tatay nilang nasa sahig may mga tulo ng luha nakapikit ang mata at may dugong pumapaligid.
Wala ng nagawa si Mona. Nakaupo na lamang sya at walang reaksyon ang mukha. Ang kanyang nakababatang kapatid naman ay iyak ng iyak na si Gino, 8 years old. Ang kuya nya naman ay sumugod sa sobrang galit.
Putok ng baril ang maririnig.
"KUYA!!!!!!" sigaw ni Gino. Nawawalan na ng lakas ng loob si Mona at Gino.
"Tumakbo na kayo. Mamuhay kayo, kalimutan nyo na kami, un lang ang hiling ko." nanghihinang sabi ng kuya nila. Tumayo si Mona at hinila si Gino. Parang ayaw pa nilang umalis pero anong magagawa nila? Mahirap lang sila at walang magagawa at patay na ang magulang nila at kuya ano pa bang dahilan para manahimik dito?
Naalala nya ang kapatid nyang si Gino. Tama. Poprotektahan ko si Gino. Tumakobo sila at pumunta sa labas ng bintana.
Takbo sila ng takbo kung saan man sila dalhin ng kanilang paa.
END OF FLASHBACK"Hahahahhahahahahah" tumawa ang leader ng mga lalaki. Malala pumalakpak pa ito. 'Huh? Bakit sya pumapalakpak?' natakot bigla si Mona. Nanghina sya. "Akala nyo hindi ko to naisip? Alam ko na pupunta kayo dito kaya maghanda na kayo at........pasasabugin ko na itong building na to!!!!"
YOU ARE READING
Bloody Love
RomanceMahal na mahal nya ang lalaking yun. Kaso namatay ang lalaki sa kanilang mission. Sinabi ng lalaki na masaya kang mamuhay. Namuhay syang pumapatay dahil ito ang nagpapasaya sa kanya. Kapag sya ay nainis sa isang tao, papatayin nya ito. Pero bigla na...