Lalaki sa Salamin

207 8 3
                                    

Gabi..

Ang malamig na simoy ng hangin ay gumuhit sa aking balat.

Maririnig ang pagpatak ng tubig mula sa lumalangitngit na kisame..

Umuulan.

Madilim.

Tila nababalutan ng kadiliman ang aking paningin.

Ang buo kong pagkatao ay muling na namang nabalot ng pangamba dulot ng gabi gabing pagbalot ng isang masamang panaginip sa aking pagtulog..

"Napapagod na ko.."

Nahiga ako at pumikit..

Naramdaman ko na ang unti-unti kong pagkakahimbing.

---

*SWOOOOOOOSH*

Isang haplos mula sa malamig na hangin ang gumising sa akin.

Tumayo ako at naglakad. Pilit na nilalabanan ang kadiliman ng paligid.

Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa isang malakas na kulog at matalim na liwanag mula sa kidlat ang sa akin ay nakapagpahinto..

Sa isang salamin ako ay napaharap.. Walang paglagayan ang takot na aking naramdaman ng makita ko ang aking sarili at ang matalas na tingin pati narin ang isang ngiti mula sa lalaki sa aking likuran.

Halos manlambot ako sa pagtitig sa iyong mga mata pero walang alinlangan akong tumakbo papalayo sa'yo..

Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit tila walang hanggan ang madilim na landas na aking tinatahak.

Tumakbo lang ako ng tumakbo nang hanggang sa isang liwanang na ang aking naaninag.

Napatigil ako sa galak. Ngunit isang boses ang sa akin ay tumawag..

"Niña.."

Ang boses na yun..

"Niña.."

Dahan dahan kong inilingon ang aking ulo.

Natigilan ako at nagulat.

Isang puting pinto ang sa akin ay bumungad. Nagaalinlangan akong lumapit ngunit aking itinuloy.

Sumilip ako sa butas.. Dilaw. Tanging dilaw ang aking nasilayan..

Muli ay inulit ko ang aking pagsilip..

Dilaw.

Hindi ako nakagalaw ng pagkakataong iyon nang maalala ko ang matalas na tingin ng dilaw na mga mata sa dilim.

Hindi ako nagkamali.. Unti unting lumiit ang dilaw na paligid at muli, isang ngiti ang namuo sa kanyang mga labi.

Unti unti.. Palapit ng palapit.

Kusang umatras ang aking mga paa..

Naramdaman ko ang aking pagbagsak. Sa tubig. Ako ngayon ay nasa ilalim na tubig.

Tiningnan ko ang buong paligid. Wala akong ibang makita.

Maya maya ay isang lalaki ang sa akin ay papalapit. Nakangiti.

Tinangka kong lumangoy papalayo ngunit isang tanikala sa aking mga paa ang pumigil sa akin.

Ang lalaki sa aking harapan. Hawak ang aking leeg.

Hindi ako makahinga! Hindi. Hindi naaa...

-------

"Ha...Ha....Ha... "

Pilit kong hinahabol ang aking hininga. Isa na namang gabi ng bangungot ang natakasan ko..

Napatingin ako sa salamin sa aking harapan nang isang kidlat ang naghatid muli ng liwanag.

Tumulo ang luha sa aking mga mata..

Ang lalaking iyon..

Mahigpit nya akong niyakap sa aking bewang.. At inilapit ang kanyang mga labi sa aking tenga.

"Akin ka lang.. "

Unti unti nya akong hinihila..

Hindi na ako makahinga..

"Akin ka lang."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Pagtakas sa Misteryosong BangungotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon