Prologue

437 5 0
                                    

Ramdam ko na ang init na tumatama sa mukha ko. Nanggagaling ito sa maliit na espasyo sa pagitan ng dalawang bintana.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at nag-inat ng katawan. Tiningnan ko ang pulang wall clock na malapit sa pintuan. 4:30am na pala.

Bumangon ako at umupo muna sa kama habang kinakapa ang eyeglasses na nakapatong sa maliit na cabinet sa tabi ng aking kama. Inborn ang problema sa mga mata ko kaya bata pa lang ay nagsusuot na ako ng eyeglasses.

Unti-unting luminaw ang paningin ko pagkasuot ko ng eyeglasses. Unti-unti ko ring naaninag ang palibot ng kwarto ko. Maliit lang ito. May pinturang pink. May isang double deck na higaan at sa left side naman ay ang dalawang bintana na kulay puti. Dahil sa problema ko sa mata ay sa baba ako ng double-deck natutulog habang sa itaas naman si Yaya Mila. Sa kabila naman ay ang kwarto nina Papa at Kuya.

Paglabas mo ng kwarto ay madudungawan mo agad ang maliit na mesa na may apat na upuan. Katabi nun ay ang sink at ang lutuan. Sa gilid naman ay ang palikuran.

Paglabas mo naman ng bahay ay makikita mo agad ang likuran ng mansion ng mga amo namin-ang pamilya ng mga Lopez. Katiwala't-katulong ang pamilya namin at ang bahay na tinitirhan namin ay ang bahay na pinagawa mismo nina Granny at Granpa Lucas para sa pamilya namin. Almost 30 years na ding katiwala ang pamilya namin kaya pamilya na din ang turing nila samin.

Mabait ang pamilya nila at napakamatulungin. Meron din silang sariling foundation na tumutulong sa mga street children. Halos lahat ay pinupuri sila sa mga nagawa ng pamilya nila para sa iba. Malapit sa puso nila talaga ang mahihirap since galing din sa hirap sila Granny nung musmos pa lamang siya. Sabi niya ito daw ang paraan niya ng pag-give back sa mga blessings sa kanya ni God na suportado ng kanyang asawang si Grandpa Lucas.

Kagabi pa nilalagnat si Yaya Mila kaya ako muna ang magluluto ng agahan nila Ate Dian at Third. Agad akong bumangon sa higaan at nagluto muna ng almusal namin ni Yaya Mila.

Wala ngayon sina Papa at Kuya Jeremy. Si Papa ay ang personal driver ng mga Lopez. Kasama siya ngayon nina Mommy Therese at Sir Luke sa business meetings nila sa Palawan. One week din silang wala. Si kuya Jeremy naman eh tuwing weekends lang umuuwi dahil pag weekdays ay nagtatrabaho siya sa isang sikat na restaurant bilang chef.

Tapos na akong magluto. Kumain na din ako ng almusal. Naligo na ako pagkatapos at nag-ayos na ng sarili. Pinuntahan ko muna si Yaya Mila sa kwarto para magpaalam.

"Yaya Mila pinagluto ko na po kayo ng agahan niyo. Nakahain na sa mesa. Katabi nun ay ang gamot niyo para sa lagnat. Ako muna ang magluluto ng agahan nila Ate Dian. Pahinga ka muna."

"Sige. Salamat talaga Pat," malumanay na sabi ni Yaya Mila habang umuubo.

"Sige po. Iwan ko na muna kayo rito."

Kinuha ko na yung susi at naglakad papunta sa bahay nila Third. Dumaan ako sa front door. Binuksan ko muna ang mga kurtina sa bawat bintana para makapasok ang liwanag. Pagkatapos nun ay agad na akong dumiretso sa kusina para magluto.

Napakalaki talaga ng bahay nila Third. Napakalawak para sa anim na taong titira. May tatlong palapag ito. Sa first floor ay bubungad agad ang malaking living-room. Sa left side nito ay ang dining room at ang kitchen. May malaki ding comfort room para sa mga bisita. Sa right side naman makikita ang hagdan paakyat sa second floor.

Pag-akyat mo naman ng second floor ay madadaanan mo sa hallway ang tatlong kwarto. Isa ay kina Mommy Therese at Sir Luke. Ang isa naman ay kina Granny at Grandpa Lucas. Well, apparently bakante yun since mas gusto nila dun muna mag-stay sa mansion nila sa D' Luca Resort sa Batangas. And yung ikatlo ay kay Ate Dian. Mula sa second floor ay madudungawan mo ang first floor.

Sa third floor naman ay ang kwarto ni Third. May isang silang kwarto na puno ng iba't-ibang koleksioyn ng musical instruments. Likas na yata sa dugo nila ang pagiging musikero. Kahit si Third ay madami ring alam tugtugin na mga instruments. Also, may sariling library din sila. As in pagpasok mo pa lang ay mapapanganga ka na lang sa napakaraming libro na nakalagay sa shelves na nakapalibot sa bawat wall ng kwarto. Para sakin na isang bookworm eh pag andun ako ay para akong nasa cloud nine. Minsan pag walang ginagawa eh tumatambay ako dun sa library. Pinapayagan naman ako nila Mommy Therese na lumabas-pasok sa bahay nila. Lastly, may Terrace sila. Ang ganda dun pag sunrise, sunset at night time. Kapag may celebration tulad ng New Year's Eve or Christmas or Birthday celebration or just any typical celebration ay dun nagcecelebrate ang pamilya nila kasama kaming mga katiwala at katulong. Pag andun ka para kang nasa top of the hill kasi matatanaw mo ang makapal na forest sa palibot at pati na ang dagat ay kita din.

Slowly Falling In love With The Wrong PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon