Tula #32

52 0 0
                                    

Hindi na tayo tulad noong dati
Kung saan sa iyo ko binabahagi ang aking pagngiti
Hindi na tayo tulad noon
Kung saan hindi ako nahihiyang sa iyo tumugon

Sa tuwing lumalagpas ka sa aking dinaraanan
Napapatingin ako sa iyong papalayong likuran
Gusto kong humabol
Ngunit isip ko'y tumututol

Sa bawat pagpihit ko ng aking hininga
Hinihiling ko na sana ay nandirito ka
Sa aking tabi, hawak ang aking mga labi
Dinadamayan ako sa bawat pighati

Minsan na lang tayo kung mag-usap
Nagdadahilan pa ako madalas
Nagtatanong kahit alam ang sagot
Lalo na ang e chat ka sa facebook

Mahirap ang ganitong uri ng pagmamahal
Hindi ako sigurado kung hanggang kailan tatagal
Ang alam ko lang, hanggat nandiyan ka
Puso ko'y sumisigla

Unspoken Poetry (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon