Nananabik sa paglipad ang bagong Agila
Nais nitong marating ang tuktok ng mga ulap
Walang ano-ano'y ikinumpas ang mga pakpak
Ito'y namangha't nasilaw sa banyagang wikaMakababalik kaya ang sabik na Agila?
Sa dating pinanggalingan, lupang sinilangan?
Uuwi pa ba ito sa pinagmulang bayan?
Sa gitna ng dagat, sa bandang timog-silangan?Bibigkasin pa rin ba yaong sariling wika?
Na may bakas ng kaniyang sining at kultura?
Iibigin pa rin ba yaong si Inang Bayan?
Kung tuka'y may iba nang napupusuang wika?Manumbalik ka rito, o tulirong Agila
Tangkilikin at ipagmalaki ang 'yong wika
Nananatiling mababa ang iyong paglipad
Dahil sariling wika, 'di binigyang halagaIyong gamitin ang Filipino sa pagsulat
'Pagkat ito ang wikang sa iyo ay nagmulat
Sa iyong mahaba't makulay na kasaysayan
Mga alay ng bayani alang-alang sa bayanHalina't 'yong hawakan ang tanyag mong panulat
Isawsaw sa tintang itim, iyong ipangsulat
Lumikha ng marikit at malikhaing obra
Gamit ang Filipino, ang 'yong pambansang wika.
YOU ARE READING
Words into Worlds
RandomA compilation of random written pieces (Filipino or English). "Words grouped together to form various worlds." - Varill Llirav