Katniss' POV
"WHAT THE HELL, KATNISS??!!" sigaw ni Bea saakin nang i-kwento ko sakanya ang pag uusap namin ni Alpha, Medics at ng secretary. Pero anong big deal dun? Hindi ko gets.
"Naka usap mo sila? Ganun ka bilis? Like what the fuck, kaka transfer mo lang last week!" Bea. So, hindi ko parin gets, ano naman?
"So what? Magse celebrate na ba ako non?" Irap ko. "Grabe, ako nga 3 years na akong nandito pero kahit isang tingin lang nila saakin ay di pa nangyayari tapos ikaw.. Just wow!" Bea. So, ganun sila kailap sa mga estudyante ah?
"Pero bakit wala kayong pakialam sa mga patayan dito?" tanong ko. Totoo naman e. "Hindi naman sa wala kaming pake, siguro dahil takot kaming mangialam. And maybe we're just used to it." sagot nya.
"Pero mabuti pa rito, walang nagbibida bidahan, walang mga bitch." Biro ko. Simula kasi nang pumasok ako rito. Wala pa akong napapansing nang bubully or nagpapabibo o baka naman wala lang talaga silang pake?
"Diyan ka nagkakamali, lahat ng satingin mo ay hindi ka hinuhusgahan? Asahan mo sa isip nila puro chismis na! They're just quiet because they are at school-- kryptonite's school to be exact. Pero pag nakita mo yan sa labas? Tarayan kung tarayan." Pagtatama ni Bea. Woahh what do I expect? Hindi nga naman talaga maaalis yun. Well, ayokong maka encounter.
"So I guess I need to be careful sa mga galaw ko? Mahirap nang ma issue." Kibit balikat ko. Tumango naman sya dahil sa pag sang ayon.
"Pero Katniss, pwedeng favor?" tanong nya. "Basta kaya ko, baka mamaya utusan mo akong tumalon sa building.. Mahirap na." pabalang kong sagot.
"Taka! Magpapabili lang sana ako sayo ng napkin, yung may wings ah?" taas kilay nyang sabi. Napa irap naman ako, ano pa nga bang magagawa ko? Hays.
Lumabas na ako para bumili ng pinapabili ni Bea at agad kong napansin ang katabi naming dorm, ang room C-58. Balita ko dyan daw naka dorm si Kerenzia Maurice, grabe ang lakas ng aura nya sobrang nakakatakot. Makayanan ko bang maging kapitbahay sya?
Bigla naman akong nakarinig ng bagay na bumagsak kaya't napatakbo ako sa gulat. Baka mahuli pa ako nung Kerenzia na tumitingin sa dorm nya at patayin na ako sa titig nya. Geez, goosebumps. Aminin ko man o sa hindi, takot talaga ako sakanya. Nakakabighani nga ang kanyang kagandahan pero once na titigan mo na yung mapupula nyang mata.. Malulunod ka, feeling ko nahi hypnotise ako. Nakakatakot.
So, bakit nga ba ako lumabas? Ahh Oo yung napkin ni Bea, hahaha. Napatigil ako sa paglalakad pati narin ang iba pang mga estudyante nang tumunog ang clairvoyance.
"Kryptonite sent a letter saying.. I gave 40 merits to Katniss Sanchez, for investigating the case of Minnie Cordova. But don't go too far, that's enough. If you'll continue your investigation.. Prepare for your death." - clairvoyance.
Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala na binigyan ako ng merits ni kryptonite. Mas lalo lang akong humanga sakanya dahil maski ang pagi-imbestiga ko ay alam nya. Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot dahil sya na mismo ang nagbigay ng death threat saakin.
Bigla naman akong napahiyaw nang may kumausap saakin sa likod. "Ako nang bahala sa kabaong mo." Si Maldrid kasama ang buong student Council. Bakit ba nuknukan ng kasungitan ngunit kalamigan ang babaeng to? May galit ba 'to sakin?
"H-ha?" Yan na lamang ang nasabi ko dahil di parin ako nakaka move on sa sinabi ni Kryptonite.
"Did I not warned you?" Nakatatlong pikit naman ako sa naging tono ni Alpha. Shocks, patay na! "This is your last chance, mind your own business." Saad nya pang muli saka ako nilagpasan. Sumunod naman sakanya sila Vladimir, Maldrid at James. Huminto sa harap ko si James at sinabing "Sorry." Saka nagpatuloy sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Mischievous Lass (On-Hold)
Aksi⚠ WARNING: UNEDITED!!! The Myer is a powerful family that holds an organization that is above mafia, assassin and gangster. They killed hundreds of innocent people, no one dares to stop them. And here comes a lass whose every influenti...