Meeting him

17 0 0
                                    

Chapter One

"Gurl, buti naman at napadalaw ka! Luka lukang ito!" Sabi ni Ricky sakin. Beki siya, at ayaw niya na tinatawag siyang Ricky. girl daw kasi siya kaya Rica daw dapat ang itawag ko sakanya. Nasa botique niya ako ngayon.

"Hard mo naman sakin! Alam mo naman ang sitwasyon ko diba?" Sabi ko sakanya na parang nagpapaawa. Ngayon lang kasi ako nakadalaw sakanya at alam kong magtatampo talaga siya. Kasi naman, sobrang busy sa shop at kakatapos lang ng Kapatid ko sa College last month kaya nung mga nakaraang buwan, todo kayod ako sa Bake Shop ko kaya hindi ko siya nadalaw.

Ako si Louise Santiago, owner ng Bake Shop. Hindi ako Mayaman kaya nag susumikap ako at ginawa ko lahat ng makakaya ko para mapatapos ang kapatid ko. Wala na kasi kaming mga magulang, namatay si Nanay nung pinagbubuntis niya si Gabriella, ang tatay ko naman, namatay noong 1st year College ako. Kaya sinakripisyo ko ang pag aaral ko para maituloy ng kapatid ko ang pag aaral niya.

Ginawa ko ang lahat ng kaya kong gawin para makaipon, Nangatulong ako, nag waitress ako sa Restaurant, Nag labandera ako at marami pang iba, pwera lang sa pagiging GRO. Nang medyo nakaipon ako, nag aral din ako sa isang Semi Private na College samin, nag Scholar ako dun kaya wala akong masyadong binabayaran, HRM ang kursong kinuha ko na Kurso, Gusto ko kasing mapatunayan sa mga Tao na kahit wala kaming magulang, kaya namin ng kapatid kong mamuhay ng masagana, kaya ngayon ginagawa ko ang lahat para maging isang sikat na Cheff.

Dumagdag pa sa pagiging busy ko nung nakaraang buwan ang pag bukas ng isa pang Branch sa ibang lugar.

"Oo naman, naiintindihan ko. Kamusta? May boyfriend ka na ba?" Tanong ni Rica sakin, nag rereto kasi sita ng mga lalaki na kakilala niya sakin at ni isa wala pa akong nagustuhan, ewan ko ba. Hindi ko naman kasi minamadali ang Love na yan. Mataas pa ang pangarap ko no! Haha

"Wala!" Pabulyaw na sabi ko sakanya. Ala ko kasi ang ugali niyan, mag rereto nanaman siya sakin ng lalaki.

"Tibo ka ba?" Seryosong tanong niya sakin. "Bakit parang wala kang hilig sa lalaki! Hoy babae! Makiuso ka naman. Hindi na uso sa panahon ngayon ang Maria Clara!" Sabi sakin ni Rica.

"Oo, alam ko no! Wala lang talaga akong time para jan no! Di naman ako atat mag ka love life. To the highest level pa ang pangarap ko kaya di ko muna yun iniisip." Sabi ko sakanya

"Pero girl, malay mo naman, ma Love at First sight ka, last na talaga to promise!" Sabi niya sakin sabay taas ng kamay na para bang inosente.

"Alam mo bang Isang dosena na ang lalaki na napa kilala mo sakin, at wala akong nagustuhan ni isa sa kanila kaya pwede ba friend, wag mo nang dagdagan!" Sabi ko sakanya, totoo naman kasi eh, labindalawa na lalaki na ang naireto niya sakin at ni isa, wala akong napusuan.

" last naman na talaga to eh. Pag hindi mo siya nagustuhan, hindi na kita pipilitin mag kalove life, alam mo naman na ayaw kong tumanda ka napg dalaga!" Sabi ni niya sakin na concern na concern.

"A-Yo-ko!" Sani ko sakanya, ayoko na kasi talaga, sawa na kong maki pag kwentuhan sa mga pinapakilala niya, ang boboring kausap! Mga walang kagana gana. Hindi man lang ba sila nabibighani sa kagandahan ko at para g takot na takot pa sila. Hay nako. Mga lalaki nga naman ngayon oh.

"Gurl, hindi na ba talaga kita mapipilit?" Parang nag aalinlangan na tanong niya sakin.

"Hindi na talag-" naputol ang sasabihin ko ng may dumating na lalaki sa Botique ni Rica, medyo napaawang ang bibig ko dahil sa Ang Pogi niya at ang hot niya tignan, matangkad din diya.

"Siya yung ipapakilala ko sana sayo pero mukhang ayaw mo eh." Pabulong na sabi sakin ni Rica.

"Ha? May sinabi ba akong ayaw ko. Ang sasabihin ko sana kanina, Hindi na talaga ako magpapapilit sayo kasi, payag na ko na ipakilala mo siya sakin." Packing tape. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Yung parang isang tingin ko lang sakanya hindi ko na maalis yung mga mata ko sa pagtitig sakanya.

Biglang tumigil yung lalaki sa tapat namin ni Rica.

"Oh, Rica may bisita ka pala." Sabay tingin sakin. "Uhm, Hi." Sabi niya sakin sabay ngiti.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung mag hehello ba ako sakanya o ano. My Goodness. Im Panic! Naramdaman kong siniko ako ni rica kaya medyo natauhan ako.

"H-hello" sabi ko sakanya habang nakatungo, nahihiya kasi ako eh. Nakatitig na pala ako sakanya kanina.

"Are you Rica's Friend?" Tanong niya sakin at tumango lang ako. "Im Rica's Friend also, and My name is Stanley." Sabi niya sakin sabay abot ng kamay niya sakin.

"Ah, Louise" sabi ko sabay abot ng kamay niya. Medyo nahihiya pa nga ako eh. "Nice meeting you." Sabi niya sakin sabay ngiti ng nakakatunaw. Ang gwapo niya talaga.

"Nice meeting you din." Sabi ko, babawiin ko na sana yung kamay ko ng biglang ayaw niyang bitawan ang kamay ko.

"Ahm, Stan yung kamay ko kasi ano eh.." Sabi ko sakanya ng nahihiya.

"Ah, sorry." Sabi niya sabay bigalang bitaw ng kamay ko. "Siya nga pala Rica, pinadaan sakin to ni Ate Patrice, naiwan mo daw sa sasakyan niya." Sabi ni Stan sabay abot ng pouch kay Rica.

"Ay, thanks! Luka luka kasi yung ate mo eh! Pinababa agad ako! May date pa daw kasi sila ng boyfriend niya." Sabi naman ni Rica.

"Si ate talaga, by the way Louise, can we go for a Dinner tonight?" Sabi ni Stan na kinabigla ko.

"Hoy! Ang bilis mo ah!" Tukso ni Rica na ikinapula naman ng muka ko.

"Ah, nakakahiya eh, wag nalang." Pagkasagot ko non ay bigla akong siniko ni Rica.

"Ano ka ba, wag kang mahiya. Mag didinner lang naman tayo eh." Sabi niya sakin.

"Oo nga gurl! Gora ka na!" Kantyaw ni Rica sakin

"Ah, sige.." Nahihiyang sagot ko.

"Okay, so itetext nalang kita mamayang hapon para sunduin ka, Pm mo nalang sakin yung address mo pag nagtext ako sayo." Sabi niya sabay abot ng phone niya sakin, so tinaype ko naman yung no. ko.

"Thanks." Sabi niya sakin.

Tumango lang ako at nginitian siya. Pagkatapos nun ay umalis na siya

"Nagpakipot pa to! Lande mo girl! Hahaha!" Sabi ni Rica sakin. Adik talaga to.

"Ewan ko sayo! Palibhasa ikaw go lang ng go." Biro ko sakanya.

At nagtawanan lang kami hanggang sa umuwi na ko sa bahay para mag ready. May dinner pa kasi kami ni Stan.

Crazy in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon