Chapter 20: The Hug.

577 14 3
                                    

A/S: Hello! Happy 4k reads sa EFOR! Thank you po sa mga new fans. ♥ Anyway, sorry di ako nkapag-update nung Friday kasi may exam ako sa UP nung sabado. (._.) So, eto po, maikli (?) lang siya. :))

ENJOY READING. :3

SI PARENG JOHANN NA MASAYA ON THE SIDE. \:D/

==============================================================================

Johann's POV

FRIDAY na ngayon. Last week, birthday ko lang. Birthday na sobrang lungkot.

Pero ngayon? Ewan ko. Parang ang saya ko na ewan? Weird.

Maaga akong nagising kahit tanghali pa yung pasok ko. Eh di na ako makatulog eh. > . >

Hanggang ngayon, di ko pa rin pala nabubuksan yung letter na binigay DAW ni Zheai sakin.

Disappointed? Oo. Kasi si Anjenette, walang regalo na ibinigay sakin. (_._ ")

Pero parang merong nagtutulak sakin na basahin ko na yung sulat.

Tumayo na ako mula sa kama ko at kinuha ko yung sulat na inilagay ko sa bedside drawer ko, dun ko kasi tinago yung letter.

Bubuksan o hindi? -.-"

Nagtatalo ang isip ko kung bubuksan ko ba yung sulat o hindi. Natatakot ako na baka ano mabasa ko dun. ARGH! Para akong tanga. ~ . ~

TInignan ko muna yung likod ng envelope.

FROM: Zheai

Mas masaya kung FROM: ANJ yung nakalagay. Kaso, hindi. :c

Binuksan ko na yung pinakacover. WOW. Siberian Husky ang design. :3

Hingang malalim. 

1

2

3

Babasahin ko na talaga. (-___-)

"Dear Awoo,"

"Uhm. Paano ko ba uumpisahan? Wala din kasi akong masabi eh. Ano, eto na nga lang. HAPPY BIRTHDAY! Sana maging masaya ka sa birthday mo. Tumanda ka na naman ng isang taon. Uhm, ano pa ba. Hindi naman kasi ako magaling gumawa ng letter eh. Di ko tuloy alam kung ano ilalagay ko dito, since, di din naman tayo ganun kaclose. Salamat ha? Salamat kasi... basta! Salamat sa lahat. Masaya na ako na nakikita kita tuwing uwian, masaya na ako kapag nakikita ko na nakangiti ka, kasi madalas kang seryoso. Smile ka palagi ha? :)"

"So, hindi ko na papahabain 'tong letter ko sayo. Wala na din naman akong masabi eh. Hehe. Basta, stay as you are. Nandito lang ako palagi, as a friend I guess. Keep your cool, just be Johann Alejandrino all the time."

.

.

.

.

"Because even if you don't notice it, you're making someone fall for you more and more each day."

Spell NAWINDANG, NABALIW, NALOKA. K. Parang bakla (-_-) 

Kahit na kay Zheai  pa yun galing, di ko napigilang mapangiti. 

Habang binabasa ko kasi yung sulat, pakiramdam ko, kay Anjenette galing. SANA.

Naligo na ako at nag-ayos ng sarili para pumasok sa school. Buti na lang pwedeng mag-civilian ngayon since Friday. Porma to the max men!

Pagdating ko sa school, lunch time na pala ng mga taga-building nila Anjenette, uwian naman ng mga pang-morning session. :3

Todo ngiti, baka sakaling makita ko sina Anjenette. [ PA-CUTE JOHANN? >:) ]

Habang naglalakad ako, may nagtext sakin. Ano bang ginagawa pag may nagtext? Siyempre titignan. Baka importante. Baka si Anj. :">

Ay tae! Parang bakla. =______=++

From: Dilcev Panget.

Dre asan ka na? Ingat kay Shane. Pagala-gala yung malanding yun. Ge, wag ka papaLate, may quiz sa El Fili. Kabanata 1-10.

OuO <--- gulat na nakangiti pa din. XD

May nag-hug sakin, ang warm, kaamoy ni Anjenette? 

Sht. Si Anjenette yayakapin ako sa public place? Tengene. Sabi na eh! Sakanya galing yung sulat.

I hugged her back habang nakangiti ako.. Oo, masaya ako.

Hindi ko alam kung masasabi ko ba na mahal ko ang babaeng akap ko ngayon, o simpleng crush lang ang nararamdaman ko para sa kanya.

Pero, hindi ko na muna inisip ang mga yun. Ang mahalaga, yakap namin ang isa't isa.

Mga 3 minuto siguro kaming magkaakap nang bumitaw siya. Siyempre, bumitaw na din ako.

Kaso pagkahiwalay namin sa isa't isa...

"SHANE?!"

WTF.

Efforts for our ROMANCE. [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon