Pagkagising ko ang sakit ng ulo ko ng katawan ko lalo na yung mata ko. Ikaw ba naman umiyak hanggang makatulog ka. Alam niyo naman yan di ba? Kasi naranasan niyo na rin yan for sure!
Nagising ako kasi may kumakatok sa bahay. "Bakit kaya hindi binubuksan ni mama?" tanong ko naman sa isip ko.
Pagbukas ko ng pinto tumambad sa akin ang isang matangkad na lalaking medyo matangos ang ilong. Ang pumasok agad sa isip ko ay hindi siya pinoy, maitim at balot na balot ang katawan kahit na tirik ang araw sa labas.
Tinignan ko ang bandang likuran niya kung saan nakaparada ang sasakyan niya, 'malamang nasunog to sa kakamotor : 3.
Alam ko na kung ano trabaho nya.
"Bakit may bumbay dito??" pagkasigaw ko nun lumabas agad ang halimaw sa kwarto niya.
"Hey you're here now." sabi ni mama sa bumbay.
Hindi manlang ako pinansin at dumeretso agad siya sa bumbay.
May binunot siyang kung ano sa bulsa niya at inabot saka bumbay. "Here is the money." sabi ng loka.
Teka bakit ang daming pera ni mama at nabayaran nya yung bumbay??
"Andaming pera ah, san mo naman nakuha yan aber?"
bigla syang ngumiti ng napakalapad sa akin ganito o ^_______________________^ tapos bigla siyang tumalikod.
"Sa sweldo mo. S.W.E.L.D.O. M.O. salamat nga pala kaso sorry wala na atang natira."
∑(ΦдΦlll "WAAAAHHHHHHH yung sweldo ko nanakaw mo nanaman... Papaano ako makakapag Enroll nyan malapit na pasukan!!! Saan ako kukuha ng pera nyan ha?!"
Inispell pa ng loka -_- Papaano ako makakapasok sa University nyan, Buti sana kung high school pa lang ako eh. College na to dre College.. ;-;
"Hindi na ako high school, college na ako kailangan kong magbayad ng mga sem sem na yun"'
"Kaya mo yan. Mag scholar ka na lang ulit." sabi nya sa akin tapos lumarga na sya palabas ng bahay.
Ginawa ko na lang yung mga rituals ko >.< Papasok na ako sa trabaho. Habang naglalakad ako papasok sa trabaho namomoblema ako sa tutition fee ko --__-- wala na sana akong prorpoblemahin eh kung di lang talaga kinuha yung pera ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko, nag aalalang lumapit sa akin si Hya.
"Tiffany, tawag ka ng manager natin" may pag aalala nyang sabi.
Walang ano-ano pa ay pumunta na agad ako sa manager namin.
As usual sumisigaw nanaman sya pero parang may iba.
"WHAT'S THIS MISS VALDERAMA??" Hawak hawak nya yung kopya ng birth certificate ko.
"YOUR BIRTH CERTIFICATE IS FAKE." bulalas nya sa akin. Di pa rin nagbabago ng ekspresyon sa mukha ko, wari bang wala akong naririnig sa mga pinagsasabi sa akin ni Hippo.
"Uhm.." nakatinggin ako sa kawalan habang sinasabi ang salitang yan. Wala akong masabi.
"PAAAAAAAAK" (slap sound XD) and that slap makes me turn back into reality. Napatinggin ako kay ma'am.
"SORRY TO SAY BUT YOUR FIRED!!!"
FIRED
FIRED
FIRED
FIRED
"Ma'am please, I really need this job kaya ko po nagawa yun." Goodbye to college life naba? O goodbye life na talaga? Ito lang pinagkukunan namin ng pangangailangan namin.
"So sorry to tell you Miss Valderama pero wala na akong magagawa, sinubukan na kitang ipagtanggol pero lumabag ka kasi sa batas. alam naman nating lahat na bawal mag trabaho ang menorde edad."
"Ma'am 17 naman na po ako, isang taon na lang po ang hihintayin."
"Hope to see you next year Ms. Valderama." then tumalikod na siya.
Umiiyak akong lumabas sa office ni Ma'am. Hindi na ba talaga ako makakapag college??
Biglang lumapit si Kuya George.
"Anong problema ng dalaga ko?!" Anak nya daw kasi kami ni Hya since wala kaming tatay pareho ni Hya.
"Wala na akong trabaho." Sabi kong habang nagpipigil ng luha.
___
Malungkot kong binaybay ang mga daan papunta sa impyerno --- ay este sa bahay pala.
"Kamusta na ang money maker ko??" masaya nyang salubong sa akin. Akala mo walang problema, sabagay ako lang naman kasi namomroblema dito.
"Ha? Sinong money maker? Ako ba? Wala ka ng money maker no!"Ginawa ba naman akong atm nito.
"At bakit naman aber??" tumaas ng kaunti ang tono niya kumpara sa kanina.
"Dahil, capital T.A.N.G.G.A.L. N.A. A.K.O." Gusto ko pa sana titigan ang mukha niyang nakatunganga kaya lang sayang sa oras.
" In short wala na akong trabaho."
"Anoooong ginawa moo??? Bakit ka naman natanggal ang tanga mo siguro kaya ka tianggal!!!"
"Kaw kaya may kasalanan. Buking ka na."
" Na ano?"
"PEKE BIRTH CERTIFICAT KO, PINEKE MO."
" Kasi naman bakit late kang pinanganak sana 20 years old ka na lang ng mapakinabanggan naman kita. " Nag walk out ang loka -.-
"Paano na ngayon ano na gagawin ko?? 3k lang pera ko, syempre hindi alam nyang bruha ipon ko to no ang kapal nya para kunin to."
"Hmmmm... May naisip ako...."
Hallloooo pooo!! <3 may magbasa lang po ng story ko masaya na ako XD Parang kahapon lang nagdedemand ng votes, tapos ngayon nagbago bigla pananaw hahaha.