Chapter 7: So Sick?

174 4 2
                                    

               Grabeh babae kaya ako! ako talaga kailangan magtulak? hindi ba pwedeng tulungan niya ko? hindi naman komo prinsipe siya eh hindi na siya pwedeng magkawang gawa ano! badshot! nakakainis talaga!

"Okay na ba? kanina pa kasi ako nag tutulak mahal na prinisipe napapagod din po ako!" nakakabwisit nako! hindi ko na mapigilan ang sarili ko!

"Oh di ikaw dito! ayaw eh!"

"Sana kasi nag commute nalang ako!" hiyaw ko huminto na ko sa pagtutulak, nahampas ko yun sasakyan niya.

"Ano ba! sino may sabi sayo na pwede mo ng hampasin ang sasakyan ko!?" hiyaw niya sabay baba sa sasakyan niya at padabog na sinara ang pinto nito.

"Eh totoo naman kasi! sana nag commute nalang ako! kayaman yaman mong tao tumitirik yang kotse mo!" sagot ko.

"Ako na nga tong nag magandang loob na ihatid ka tapos ganyan ka pa!"

"Eh dapat lang naman na ihatid mo ko! sino kayang nag papunta saakin sa palasyo? sino bang nagdala saakin doon? hindi ba't ikaw?"

"Oy! baka nakakalimutan mo...."

"Naano? na crown prince ka?" hindi ko na hinayaan makapag salita ang kumag na to.

"Oh ano? akala mo siguro komo makapangyarihan ka lahat ng tao kaya mong kontrolin bakit? sino ka ba? tao ka lang din! tao ka tao ko tao tayong lahat kaya dapat pantay pantay!" dagdag ko pa.

"Eh...."

"Oh! wag kang magsasalita hindi pa ko tapos!" pinutol ko ulit ang pananalita niya.

"An...."

"Ohpss hindi pa nga ko tapos!"

"Ano ba! akala mo ba natutuwa ako sa sitwasyon natin dito ha? bakit mo ba ko inaaway!?" sagot niya.

"Ikaw kaya ang nang aaway! oh anu gagawin mo isusumbong mo ko sa reyna? tapos ikukulong ako tapos ipapatapon kung saan? ganyan naman kayong mayayaman eh"

"Bakit ganyan ka mag isip? ang luwag na yata ng turnilyo mo"

"Ako maluwag ang turnilyo?" sagot ko.

"Alam mo kasi hindi naman lahat ng mayayaman at may posisyon sa batas eh kagaya ng iniisip mo...wala kang karapatan mag salita ng ganyan kasi hindi mo naman nauunawaan kaya wala ka sa posisyon para pag salitaan ako ng ganyan"

"Bakit eh katulad ka din naman nila"

"May ebidensiya ka ba? ni minsan wala akong maalala na kinurap ko ang anu mang yaman ng bansa"

"Sabihin na nating wala pa sa ngayon eh paano kapag ikaw na nga ang hari? sige nga maiiwasan mo ba?"

"Bakit ka ba ganyan magsalita parang ang sama sama namin sayo!"

"Aba bakit masama ka naman talaga saakin eh! nung una pinagtrabaho mo ko sa restaurant niyo ng wala kong sahod pinag car wash mo ko hiniya mo ko tapos pinaglinis mo ko ng kwarto mo na isang daang libong magsasaka ang kikita sa lake ng hektarya na nasasakop ng kwarto mo!"

"Bakit mo saakin sinisisi yan? hindi ba't kasalanan mo din? nakabasag ka tapos tamad ka pang magtrabaho at higit sa lahat tinapunan mo ko ng sobrang init na kape eh kung sayo ko kaya ibuhos yun?"

"Bakit sinasadya ko ba?"

"Marahil hindi! nag sorry ka ba ng maayos?"

"Eh k-kasi..." napaisip ako...

"Oh kita mo na! aminin mo na kasing may mali ka din! puro kasi mali ng iba ang nakikita mo! manalamin ka paminsan minsan hindi yung iniisip mo na palagi nalang kayong mga ordinaryong nilalang ang naaapi minsan isipin mo din kung ano bang ginawa mo bakit nangyayari yan sayo hindi ba tama?"

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon