Kabanata 20

1.1K 36 0
                                    

Nicole Pov

Nakaharap ako ngayon sa salamin dito sa banyo bakas na bakas ang namumugto kong mga mata dahil sa kakaiyak kagabi.

Kahit kelan napaka babaw talaga ng aking mga luha..

Ilang minuto lang ang nakalipas ay lumabas na ako ng banyo. Bawat madadaanan kong mga studyante ay tingin ng tingin sa akin..


Lumalakad lang ako na parang walang ibang tao dito sa paligid kundi ako lang..

Pumatak ang isang luha ko sa pisnge agad ko itong pinunasan agad. Itinuon ko ang aking pansin sa harapan at napatigil ako sa paghakbang ng makita ko siya..


Ang kanyang awra ay napakalamig tignan dahil sa mga titig niyang napakalamig na tila ba wala itong pakiramdam..

Nakipagtitigan ako sa mga mata niyang hindi ko malaman ang emosyon nito. Tila wala itong pagsisi sa nangyari kahapon at sa masakit na salita niyang ibinato sa akin!


Unti unti itong humakbang papunta sa akin. Gusto kong tumakbo o umalis dito sa kinatatayuan ko ngayon ngunit ayaw sumunod ng aking mga paa.


Tumigil ito sa tapat ko ng diretso lamang nakatingin na hindi man lang ako magawang lingunin sa gilid niya.

Hihingi ba siya ng tawad sa akin?

Ilang segundo lang ang nakalipas ng bigla nalang itong tumuloy sa kanyang paghakbang.

Nilagpasan niya lang ako!

Wala talaga siyang pakiramdam.

Wala siyang awa!

Hindi siya marunong humingi ng patawad sa nagawaan niya ng mali.

Tama nga sila.

Masama siyang tao!

Kumuyom ang kamao ko at saka ako nagpatuloy sa paghakbang..

...

"Okay class dismissed"

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at lumabas na agad ng pinto.

Ng ako nalang mag isa ang natira ay saka lang ako lumabas.

"HAHAHAHA"-tawa ng mga junior high school sa akin.

Tinapunan nila ako ng sandamak mak na dahon na galing sa basurahan!

" Anong karapatan niyong gawin sa akin ito?!"-galit na sabi ko sa mga ito.

Natigil sila sa pagtawa lahat at seryosong tumingin sa akin. Tila hindi sila nasisindak sa isang kagaya kong nasa senior high na!

Sabagay isa lang naman akong transferee at mahina..

"Karapatan? Ang karapatan namin ay maging miserable ang buhay mo sa skwelahan na ito"

"Hindi ka bagay dito"

"Basura ka lang sa skwelahan na to bagay lang sayong hagisan ka niyan"

"Hindi ikaw ang pinapangarap naming maging kasintahan ni ate Cleo! "


Sumbat nila sa akin lahat..

Tingin ng mga studyante dito ay basura!

"Anong ginagawa niyo? "

Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko at nakita ko si heurt na papalapit sa akin.

"Alam niyo bang mali ang ginagawa ninyo? O baka hindi niyo alam ang mga pinag gagawa niyo? "-seryosong tanong ni heurt sa limang studyante sa harapan ko.


Fall For Her(GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon