Naranasan nyo na ba yung walang-humpay na pang-aasar sa'yo sa taong hindi mo naman gusto? Na hindi mo na alam paano nga ba nagsimula yung pang-aasar na iyon? Sana hindi nyo pa naranasan kasi nakakarindi eh. Tas ang awkward pa dun sa taong inaasar sa'yo. Hindi mo naman kasi talaga sya gusto eh. And to make it all worse, kung sino pa yung sister-from-another-mother mo eh sya pa ang pasimuno ng lahat. Paano ba ito nagsimula? Ewan ko ba?!! Basta pag-recitation lakas ng trip ni Tippy.
Parang isang beses, si Jervin ang reporter sa Ethics ngayon. Eh ang loko naisip mag parecitation, eh babasahin lang naman yung powepoint nyo. Nako.
Jervin: Can somebody from the class read the concept flashed on the screen?
Di ba, daming ekek ng loko.
Aba aba ng walang nagtaas ng kamay, may narinig akong bulong sa gilid ko.
"Si Faye!! Jerv, si Faye!!" mahinang-mahinang bulong ni Tippy sa tabi ko. Palibhasa nasa harapan kami lagi naka-upo eh. Riot sa likod, may kanya-kanya silang buhay dun eh.
Tinignan ko si Tippy, ayun ang loka todo ngiti lang sa akin. Hindi naman ako ang tinawag ni Jervin dahil may nagtaas din naman ng kamay.
Sa totoo lang wala lang naman ata to kay Jervin, he looks fine sa pang-aasar ni Tippy sa amin. Wala naman akong naririnig na complaint or violent reaction from him, parang wala lang kasi sakanya eh. Or baka hindi ko lang alam. Pero sana wala, nakakahiya naman kasi.
Ilang beses ko na kayang pinagsabihan yang si Tippy, kaso ang lagi nyang sagot "Eh bakit naman kami ni Kiko nun, inaasar nyo tas ginawa nyong item, kiber lang kami di ba. Ganon lang din yun Sis. Saka mukhang okay naman kay Jervin eh" tas tataasan ako ng kilay nyan. “Unless, nafafall ka na sakanya”
"Hayyy. Tips, sabing hwag mo akong itulad sainyo ni Kiko. Nakooooo" ayan na lang minsan ang masasabi ko.
Si Marj naman ayan todo gatong "Nako, Faye!! Buti ka pa nga may lovelife na eh!! Wag ka ng choosy. Minsan lang yan oh. Tall Dark and Thin naman yang si Jervin, sige na nga cute na din sya"
Hayyyy. Ano ba tong mga kaibigan ko? Hindi ko kailangan ng lovelife. Kasi nung huling beses ata akong humiling ng lovelife eh, ayun. Naudlot, ewan ko ba. Para kasing wrong person at the wrong time ang peg, parehas wrong. Basta masakit sa bangs ipaliwanag. Nakakabitter lang?! Ay wait. Hindi na pala ako bitter, ni hindi ako naging bitter. Naka move-on na ako.
Hmmmm. Yeah. Nakamove-on na ako.
Okay, so hindi ko na matandaan paano to nagsimula. Siguro sasabihin ko na lang bakit ang awkward kay Jervin.
Una, hindi ko sya crush ha. Promise, seryoso ako. Wala at never kong nagustuhan si Jervin. Fine he is studious, industrious and well, monstrous. Yes po. You read that right. He's kinda, monstrous and mean and cold and more.
Bakit?
Eto kasi yun, one time, siguro nung mga unang beses pa kaong inaasar ni Tippy sa kanya eh I tried to approach him. Na mag explain at manghingi ng paumanhin kasi di ba. Medyo awkward eh medyo barkada pa naman kami. Tas biglang ganon diba,
So ito na nga, nilapitan ko sya after class, habang nagaayos ng gamit at wala si Tippy at Marj.
"Uyyyy" syempre ako naunang mamansin.
"Oh, Faye, May kailangan ka?"
"Wala naman, ano kasi-"
"Wal- ano yun?"
"Sorry, kay Tips ha-"
"Why be Sorry? Totoo ba."
"No, that's why I'm saying sorry"
BINABASA MO ANG
Random Daydreams
RomanceOne shot stories. Sometimes, inspired from true events. Mostly daydreams and what ifs.