Chapter 28: Asar Talo

32 17 0
                                    

Hadley's POV:
Isang week na naman ang nagsimula. Hell week namin ngayon, puro exams and projects. Kaya...walang time para makapaggala or so. And about kay Zeigfred? Successful naman ang pagiwas ko sa kanya and hindi nya naman ako masyadong binobother. Sana nga lang tuloy tuloy na. As of now...nandito kami nila Sarah at Jasper sa library, wala kaming teacher kaya binalak na lang namin ni Sarah na magresearch para sa pinapagawa sa amin ng teacher namin, sumama lang talaga si Jasper para daw may company kami. Sabihin nya lang na gusto nya makasama si Sarah, tsk! Pasimple pa 'e!

"Nasan ba si Delialah?" tanong ni Sarah habang nakafocus pa rin sa pagbabasa ng libro. "Malamang naggagala na naman yun sa school grounds"

"Hindi ba sya nagsasawa sa paglilibot sa parehas na mga grounds din naman?" Natawa naman ako sa tinanong ni Jasper. "Malamang hindi" Tumawa kaming tatlo ng mahina, pero biglang natigilan kami nang dumating si Adalyn at Oliver.

"'O, bakit ganyan ang pinta ng mukha mo?" Nakabusangot kasi ang mukha nito nung dumating sa library. "Sino ba naman kasi ang hindi magmamaktol kung nakabuntot sayo yung isa sa pinakaperwisyo sa buhay mo!?" Napatingin samin ang lahat ng tao sa library dahil medyo malakas ang pagkakasabi ni Adalyn.

"Tsk! Ako ba yung tinutukoy mo?"

"May sinabi ba akong pangalan? Napaka-assuming mo naman talaga 'o!" Ayan na naman silang dalawa ni Oliver. Lagi na lang nagbabangayan na parang aso't pusa. Hindi ata pwedeng matapos ang isang araw ko na hindi sila marinig na magbangayan at magpikunan.

"Shh...Tumigil na nga kayo. Nasa loob tayo ng library 'o. Dapat tahimik lang" pananaway ni Jasper. "Ahh ganun pala Jasper, eh di sana sa ibang library ka na lang pumunta. Dun sa walang tao...puro multo ang nagbabasa!" Nanahimik na lang si Jasper at bumalik sa pagbabasa ng libro.

"Hoy Adalyn! Wag mo ngang pagsasalitaan ang kabarkada ko ng ganyan! Kala mo kung sino ka 'a!" Hala lagot na! Nagbangayan na naman sila 'o. "Sino ako? Ako lang naman si Adalyn Rose Mallari! Tsaka kaya kong pagsalitaan ang kaibigan mo kasi may rason ako, okay!?"

"Tsk, eh masreasonable ang rason nya!" Nagkunwari na labg kami na walang naririnig at bumalik na kaming tatlo sa pagbabasa ang pagreresearch. "Teka nga lang Oliver, bat ka nga ba kasi nakabuntot sa akin? Ganun ba ako kaganda para sundan sundan mo?!"

"Ang kapal mo namang babae ka, FYI una sa lahat hindi ako nakabuntot sayo! Pangalawa, ikaw? Maganda? Masgugustuhin ko pang mahulog sa bangin kesa magustuhan ka!"

"Mr. Reyes and Ms. Mallari, please get out of the libary if you're going to make unnecessary noises. You two are bothering a lot of students who are studying right now. Now, get out!" Takte! Patay sila! Sobran mahigpit at masungit pa naman ang librarian na naka schedule na magbantay ngayon.

"Tsk, sinabihan ko na nga sila pero di pa rin nakinig" yan na lang ang sinabi ni Jasper pagkalabas nila Oliver at Adalyn.

Kelan pa kaya magkakabati at makakpagusap ng matino yung mga yun?

Adalyn's POV:
Bwisit! Napalabas pa tuloy ako sa library, panira ng araw talaga si Oliver na 'to!

"San ka pupunta?"

"Malamang sa lugar na wala ka!" Naglakad na ako papalayo sa kanya ng hindi lumilingon pabalik. Nakakasira ng araw. "Weyt lang! Sama na ako!"

"Bingi ka na ba? Kakasabi ko nga lang 'diba? Na pupunta ako sa lugar na wala ka!" Nakakagigil na talaga 'e. Maraming students ang nakatingin sa amin and I don't care! "Hoy miss, hindi ako bingi! Tsaka saang lugar ka pupunta na wala ako?! Tsaka bat ka ba iritang irita sa akin, ha? Siguro crush mo ako 'no?" Lakas talaga ng tama ng lalaking 'to!

"Maghunos dili ka nga Oliver! Ako? Magkakagusto sa isang lalaking walang ginagawa kundi sirain ang araw mo, ay magugustuhan ko? Eww!! Chupi!! Alis! Baka magkagerms ako!"

Nagulat ako nung lumapit sya sa akin at naging seryoso ang mukha. "Ganun ba ako kasama sa paningin mo? Ganun ba ako kapangit sa mga mata mo? Ganun ba talaga ang tingin mo sa akin?" Kinabahan ako bigla nung lumapit pa sya sa akin. Grabe bakit ganun ang nararamdaman ko!?

"Umalis ka nga!" Tinulak ko sya papalayo para makatakbo ako. Bakit ba ako tumakbo papalayo? Bat ganun ang naramdaman ko nung lumait sya sa akin? Hays!!! Ang gulo ko talaga!

Oliver's POV:
"Ganun ba ako kasama sa paningin mo? Ganun ba ako kapangit sa mga mata mo? Ganun ba talaga ang tingin mo sa akin?" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga salitang yun. Ang totoo nyan ay nasaktan ako sa sinabi nya na hinding hindi nya ako magugustuhan. Ang sakit nun!

Nakita ko na lang syang tumakbo papalayo. Hindi na ako sumunod dahil alam kong nabigla ko sya. Kaya binalak ko na lang puntahan sila Jam at Wyatt sa indoor basketball gym.

"Bakit ang seryoso ng mukha mo Oliver?" Nagsisimula na nga akong magemote tas binasag pa ni Wyatt, tsk! "Siguro wala ka nang mahanap na chix? Hahaha!"

"Tumigil ka nga Jam! Matagal na akong tumigil sa kalokohan kong yon! Ayoko nang mangloko ng babae"

Lumapit sila sa akin at tumabi sa bench. "May sakit ka ba, pre?" Talagang nagagawa pa talaga nilang manginis!?

"Alis na muna ako, nambubwisit lang kayo 'e" Hindi ko talaga alam kung mga kaibigan ko ang mga 'to 'e. Kasi hindi man lang ako pinigilan? Hays...

Natapos ang araw ko na walang gana. Hindi na rin ako sumusunod kay Adalyn. Parang nawalan kasi ako ng ganang makipagtalo sa babaeng yun. Simula nung sinabi nya yung mga salitang yun. Hindi na rin sya umimik sa akin pagkatapos nung scene kanina. Siguro nahalataan nya rin ang galaw ko. Siguro...hindi muna ako papasok bukas, nawawalan ako ng gana.

Hadley's POV:
Nakauwi na kami at tulog na ata yung tatlo at patulog pa lang ako ngayon. I'm still wondering kung ano kayang nangyari kila Oliver at Adalyn kanina at hindi sila umiimik sa isa't isa. Hays...siguro asar talo na naman sila sa isa't isa kaya ganun. Napakagulo rin nila minsan 'e!

Nakahiga na ako ng biglang tumunog ang phone ko. Si Zeigfred nagtext? Hindi ako mapakali nung nakita ko ang message nya. Unknown ang number na lumabas pero sinabi nya na sya yung nagtext. Pano nya kaya nakuha at nalaman ang number ko? Hindi ko na lang pinansin ang mesaage nito, pero nagmessage pa ulit.

From: Unknown Number
Hadley, please just let me talk to you. Just please give me atleast 30 minutes of your time. Sa cafe na lang na malapit sa school nyo, around 6 pm bukas. I'll be waiting, maghihintay ako kahit na alam kong may posiblidad na hindi ka pumunta.

Napahinga na lang ako ng malalim. Siguro pwede ko na namang kausapin sya. Hindi na naman nya ako binobother simula nung may nangyari na incident. I know he also know how to have respect. Gusto ko na rin naman malaman ang mga sagot sa mga tanong na umiikot sa utak ko.

"Siguro time ko na rin para harapin ang katotohanan na nasa harapan ko na ngayon"



Sorry for the typographical errors, kung meron man :)

Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon