Chapter 29: Let's Start Again From the Beginning

44 16 0
                                    

Hadley's POV:
Isang araw na naman na halos puro stress ang hinaharap naming buong barkada. Wala na rin kami masyadong time para makapaggala dahil nga malapit na ang exams namin. And I don't want to fail any of my subjects, especially math.

Mabilis lang anmang natapos ang araw. Discuss. Seatwork. Checking. Assignments. Projects. Discuss. Maya maya ay class dismissal na. Hindi pala pumasok si Oliver ngayon dahil daw masama ang pakiramdam. Siguro nag-LQ lang ang aso at ang pusa, hahaha!

Kinuha ko muna ang phone ko dahil may nagtext, si Zeigfred pala. Pagkabasa ko nung text nya ay lumingon lingon ako para hanapin sya, pero wala na sya sa loob ng room. Pinapaalala nya lang kung makakapunta ba ako o hindi mamaya. Huminga na lang ako ng malalim baka balaking sumagot.

"So sino yang kausap mo?" Nagulat ako dahil nasa likod ko si Wyatt. "Old friend ko" Sana umubra yung palusot ko dito kay Wyatt.

"Ahh...okay okay" Pfew! Nakahinga rin ng malalim. Buti na lang talaga nauuto ko si Wyatt, hahaha! "Nga pala Hadley, nauna na si Jam umuwi. Tumawag ang dad nya 'e, tas pinapauwi na sya ng maaga."

"Ahh no problem"

"Uhm...Hadley, may pupuntahan ka ba mamaya?" Napatingin naman ako sa nagtanong. Si Adalyn pala. "Oo 'e. May imemeet akong old friend, why?"

"Ah..eh...wala naman. Sge enjoy your date" Nanlaki naman ang mata ni Wyatt. "Date!? Hala, lagot ka kay Jam nyan!"

"Tsk, bakit naman aber? In the first place...boyfriend ko ba sya?"

"Hindi"

"Ayun naman pala 'e! Ano pang sinasabi mong lagot ako kay James, tsk" Nanahimik na lang si Wyatt at umupo sa upuan nito. "Sarah, tapos mo na yung report na pinagagawa ni Miss?"

"Oo tapos nya na" Tsk, ito talagang si Jasper sabat ng sabat. "Ikaw na ba si Sarah? Sorry 'a, ngayon ko lang nalaman 'e" sarkastiko kong sagot.

"Ikaw talaga Hadley, papatulan mo pa 'e!"

"Isa ka pa! Kampihan mo pa yung best friend mo, Sarah! Psh, maiwan ko na nga kayo! May puountahan pa ako 'e" Sabay labas na ng room. Tsk, ewan ko kung sino pa ang kakampi ko sa grupo 'e.

Oliver's POV:
As I told you na hindi ako papasok ngayon...ay tinupad ko nga. I need to be alone sometimes, siguro para makapagisip ako ng diretso. Ang tahimik ng buong bahay, makakahinga ako ng maluwag. Pero hindi pa rin talaga ako makapagmove on sa mga salitang binitawan ni Adalyn.

"Maghunos dili ka nga Oliver! Ako? Magkakagusto sa isang lalaking walang ginagawa kundi sirain ang araw mo, ay magugustuhan ko? Eww!! Chupi!! Alis! Baka magkagerms ako!" Parang gusto kong magwala! Gusto kong manapak, gusto kong mawala muna kahit ilang oras lang. Kaso hindi ko alam ang gagawin ko para magawa ang mga gusto kong gawin.

Gusto kong takasan ang realidad, pero parang hinihigit pa lalo ako ng realidad. All this time hindi ko inaakala na magkakaganito ako dahil lang sa isang babae na bungangera at maarte. Pero she changed me big time! Ang sarap nya lang kasing pikunin at makitang galit. Para kasi sa akin ay napakacute nya kapag galit.

Ang hindi ko lang talaga matanggap ay...wala ba talagang chance na magustuhan nya ako? Wala ba talagang chance na mabigay at maipahiwatig ko sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya? Oo tanga na kung tanga! Pero hindi ko sya gusto....kundi MAHAL KO NA SYA! O diba? Tanga lang 'no?

Ganun daw talaga kapag nagmamahal ka tapos nasasaktan ka. Magpapakatanga ka para lang makitang masaya ang pinakamamahal mong babae sa buong mundo. Hindi ko man alam kung saan at kailan nagsimula ang pagiging ganito ko sa kanya, basta alam ko na espesyal sya sa akin.

Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon