Chapter 21- Allison said

10.3K 317 20
                                    

Summer

Inabot kami ng umaga ni mommy sa kakasermon niya sa akin. Hindi niya ako pinabalik sa condo at pinatulog niya kami sa bahay ni Violet.

"Alam mo bang ayaw pang maniwala ni mommy na ikaw yung na-arrest. Akala niya ako. She doubled check it pa kay Sakura ng tawagan namin siya. Baka daw mali lang daw siya ng dinig." Naiinis pang pagkukwento ni Violet. Nagshare kami ng isang room at walang tigil si Violet sa kakadaldal.

"Can you believe that? Summer..." 

"Pambihira...tulog na pala ang kausap ko." Sabi niya pa bago ako tuluyang makatulog.

Kinabukasan, nagising akong masama ang pakiramdam.

"Magpahinga ka kaya. Sumusuko na ang katawan mo yata sa pagod." Sabi ni mommy sa akin.

"Balik na lang ako ng condo ko." I said. 

"Sigurado ka? Dito ka muna sa bahay." 

I made face. "I will not hear the end of dad's talk. I better go back to my own crib and sleep." I said. 

"Pahatid ka sa kapatid mo." Sabi ni mommy.


"Violet...bagalan mo. Nahihilo ako." Para akong mamatay sa pagmamaneho ni Violet. 

"Sa clinic na kaya kita ideretso? Mukha kang hihimatayin, Summer." 

Umiling ako. "Dalin mo ako sa resto. Gusto kong kumain." 

"Maaga pa. Nandoon na ba si Cami?" Tanong ni Violet. Hindi ako sumagot. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at sumandal.

Nahagilap namin si Cami sa kitchen kausap si Ate Allison. 

"Hey...I heard what happened last night. Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Camilla sa akin. Nakasunod sa akin si Violet. 

"Mukha kang susuka." Sabi ni Ate Allison.

And when she said that, naramdaman kong bumaliktad ang sikmura ako. Nagtatakbo ako sa sink at doon nagduduwal. Mabilis na lumapit si Cami at Ate Alliosn sa akin.

"Summer..." Tawag ni Ate Allison. Nakahawak sila sa braso ko. 

"Okay lang ako." Nagsplash ako ng tubig sa mukha at kinuha ang tubig na inabot ni Violet.

"Cam, gusto ko ng mushroom soup at garlic bread." Sabi ko. Nangiti si Ate Allison sa akin.

"You need to rest. Dalin ko na lang sa condo mo ang food mo." Ate Allie volunteered. 

"Mabuti pa Allie, samahan mo na sila sa condo. Ako na ang magpapadeliver ngfood ni Summer. Iuwi nyo na muna siya. Namumutla na eh." Camilla said.

Si Ate Allie ang nagmaneho sa maikling distance ng Resto at ng condo ko. 

"Hindi kaya may virus sa kulungan na nakuha mo?" Tanong ni Violet ng bukas niya ang pintuan ng condo ko.

"Summer... may itatanong ako. I hope you don't mind." Hawak ni Ate Allie ang kamay ko habang nakasandal ako sa sofa. 

"Ano yun ate?" 

"Nagpregnancy test ka na ba?" She asked. 

Nanlaki ang mata ko. Violet gasped. 

"Ha?" 

Ngumiti si Ate Allie. "Baka kaya masama ang pakiramdam mo kasi buntis ka." Sabi niya.

"Oh my God... totoo nga ang alamat." Natatawang comment ni Violet. "Teka, meron ako sa bag ko." Hinalungkat ni Violet ang bag niya at inabot saakin ang dalawang test kit. 

"Bakit meron ka nito?" Nagtatakang tanong ko. 

She snorted. "Akala ko may mabubuo sa Santorini." Sabi niya.

Ate Allie gave me a nod of encouragement. Lakas loob akong pumunta sa toilet at umihi sa stick. Sa dalawang stick na binigay ni V.

Kinakabahan akong naghintay ng result sa loob ng toilet.

"Summer, buksan mo nga 'tong pintuan. Patingin." Katok ni Violet. 

Pawisan akong binuksan ang pinto. Natatawa siya sa itsura ko. 

"Nasa bucket list mo ba ang magka-baby?" Natatawang tanong nito.

"Nang triplets." Seryosong sagot ko.

Tumawa si Violet. "Tingnan natin kung triplets nga. May lahi pa naman tayo nakambal." Sabi niya. 

Kinuha ni Violet ang pregnancy test kit at tiningan. 

"Oh my God... Buntis ka." Tuwang tuwa siya. 

"Ha?" 

"Buntis ka... Tangina, three points ah." Tumawa itong winawagayway ang test kit sa mukha ko. "Ate Allie..."Sigaw nito at pinamalita kay Ate Allison ang result. She probably knew before I test it. Kaya siguro pinayuhan nya akong magtest.

"Congratulations." Niyakap ako ni Ate Allie paglabas ko ng toilet. 

"They are more than one." Bulong niya sa akin.

Oh my God... Ano daw?

More Than Words (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon