Hiling

95 6 1
                                    

"Ano nga palang petsa na?" sabay tingin sa calendar, isang muka ang umeksena sa isipan

"Birthday nya ngayon"

dali dali akong nagbihis habang nag-iisip ng magandang pakulo,pero. . .

"san nga ba bahay nya? Almost 5 years na kaming walang communication,hmmmm" bulong ko sa sarili

7:40 am. nang makalabas ako ng bahay,bigla kong naalala na meron akong contact sa bestfriend nya at agad kong tinawagan habang naglalakad sa kawalan

"hello . . .Faye?"

"jake? Kaw ba yan?"

"ah oo"

"bakit ka napatawag??"

"ehhh... di ba birthday ni Shayne ngayon?"

"oo,bakit? Hahahaha" natawa si Faye na parang alam na kung bakit ako napatawag

"pwede ba malaman kung saan na sya nakatira?" tanong ko habang naghihintay ng jeep pero hindi alam kung saan pupunta

"oo naman,punta ka sa park dun sa alam mo na ha! Hehe samahan kita kina Shayne"

"talaga!? Salamat Faye! Pero baka makita nya ako,surprise sana eh"

"ganon ba? Wala sya ngayon sa kanila eh,may overnight 10:00 am pa daw ang uwi,swerte mo Jake"

sa wakas alam ko na kung saan ako pupunta at syempre makakapunta na ako kina Shayne

"Aaah! Sige! Sige! Thank you bye!"

8:25 am.Nakarating ako ng park,kinakabahan pero nakangiti,tanda ko pa nung una kong nakilala at nabaliw kay Shayne,dito sa park na ito ,hanggang ngayon baliw pa din ako sa kanya.Kay Shayne Vilmar.

Natanaw ko sa isang bench si Faye,di na nakatakbo dahil sa bigat ng dala ko

"Ano yan???" tanong ni Faye

"Keyboard!" sagot ko

"Ha? Marunong ka nyan? Haha"

"basta,ako pa! Tara na kasi! "

"Oo na,excited ee!"

8:55 am. Nakarating kami kina Shayne sakay ng kotse ni Faye,agad sumalubong sa amin ang lola at mama ni Shayne

"Goodmorning po" bati ko sabay mano

"Ah-Tita! May surprise sana kami kay Shayne para sa birthday nya" singit agad ni Faye

"Kung pwede lang po sana" sabi ko.Medyo paawa

"ganun ba? Oh di sige,wag lang kayo magkakalat" sagot ng mama ni Shayne

"salamat po!"

wew! Buti naman at pumayag,sinuswerte talaga ako

diretso kami sa kwarto ni Shayne,at doon nag ayos para sa sorpresa ko,nagdadalawang isip pa ako baka magalit sya dahil sa mga ginagawa kong ito.Baliw ako sa kanya pero sya,ewan,friend pa din ata,o baka nalimutan na nya

9:47 am

dali-daling tumakbo si Faye sa'kin

"jake!,si Shayne nandyan na sya,dali magtago ka na!"

agad kong inayos ang keyboard na dala at sinimulang tumugtog

Hiling by Jay-r siaboc

~"nag iisang pag-ibig,ang nais makamit yun ay ikaw..."

nagtaka si Shayne nang marinig ang kanta ko,dahan-dahang nagtungo sa kwarto at...

"Ja-jake?? !" sabi nya na nakakunot ang noo,patuloy ako sa pagkanta

"Anong ginagawa mo dito?" dugtong nya

tumigil ako at bumulong sa isipan"tsk! Tsk! Di nya ata nagustuhan"

"happy birthday. . .Shayne" bati ko sabay ngiti

"salamat,marunong ka na pala mag keyboard?"

"oo,promise ko sayo diba? Na mag aaral ako nito,at kakantahan kita"

ngumiti lang sya at ibinaba ang gamit,lumabas naman si Faye

Hindi ko na patatagalin,aaminin ko na

"Shayne sorry"

"Para saan?"

"Ilang taon akong nawala,ilang taon kong itinago yung nararamdaman ko"

nahihiya talaga ako nung sinabi ko to,pag sinabi ko bang matagal ko na syang gusto ganun din sasabihin nya? Panu kung hindi ?

"Ano ba yun Jake?"

"Gusto kita Shayne!" naglakas loob na

"Ha?" sagot nya.anung sunod kong sasabihin? E 'ha?' lang sagot nya

"Gusto kita! Crush kita! . . . Mahal kita! " yun nalang mga sinabi ko napapapikit sa hiya

"Ano Jake? bakit?-"

"Sorry ngayon lang ako nagkalakas ng loob" singit ko

"Hindi mo ba pansin,mula pa noon nagbago na ako para sayo?

Hindi na nakikipag away,wala ng bisyo,grumaduate,lisensyadong engineer,natuto mag keyboard,kumanta at . . ."

natigilan ako at nangingilid ang luha sa mata ko

"at ano ?" tanong nya habang papalapit sya sa'kin

"at hindi ako nag Girlfriend!"

"seryoso? Para sa akin lahat yang mga ginawa mo? Sigurado ka ba sa nararamdaman mo?"

"Matagal na akong seryoso,manhid ka ba?"

mukang wala talaga akong pag asa ,aalis na sana ako nang bigla syang nag salita

"kung alam mo lang sana na hindi din ako nag Boyfriend"

sabi nya na biglang na paluha habang nakangiti

natigilan ako,muling tumibok ang puso ko,lakas talaga ng kabog at bumalik yung mga ngiti ko dahil sa sinabi nya

"Kainis ka! Ang tagal mo bumalik! Kala ko nag ka Girlfriend ka na,nag ka asawa ka na,nasa ibang bansa na,kala ko-" niyakap ko sya agad ,patuloy pa din sya sa pag iyak

"kala ko may mahal ka nang iba" dugtong nya

"ikaw lang mahal ko shayne,matagal na"

tumingin sya sa mga mata ko,

parang may banda sa dibdib ko,

kumabog ng malakas

dug! Dug !

Dug! Dug ! At bigla syang nagsalita

"matagal na din kitang . . . . .Mahal Jake"

natawa ako sa kanya,matagal na pala nya akong mahal...Umabot pa tuloy ng ganito . . .

katagal ='>

[end]

One shots ni M.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon