Saving Queen Rio
Third person's P.O.V
Umaga na, natamaan ng ilaw ang mata ni Althea dahilan para gumising siya. May naramdaman siyang mabigat na nakapatong sa kanyang tyan. Tumungo siya at nakita niya si Dorothy, mahimbing na natutulog.Hinawi niya ang buhok na humaharang sa mukha ng prinsesa. Nang makita niya ang mukha ng prinsesa, natandaan niya ang kanyang iginuhit. Tinago niya ito kahapon sa aparador, dahan-dahan niyang tinanggal ang baraso ni Dorothy at kinuha ang kanbas na nasa aparador.
Napangiti siya at nilagay ito sa isang kahoy na frame at pinatong sa lamesa. Umunat si Althea at nag-ehersisyo ng kaunti saka tumingin kay Dorothy. Paglingon niya, nakamulat ang mga mata ni Dorothy at nakangiti, habang nakatingin sa kanya.
"Good mornin' " Ngiti ni Dorothy. Ngumiti si Althea at lumapit kay Dorothy. Napalingon si Dorothy sa ginawa ni Althea. "Ang ganda!" Sabi ni Dorothy. "Kailan mo ito iginuhit?" Tanong ng prinsesa. "Kahapon." Maikling sagot ni Althea habang pinagmamasdan ang prinsesa. "Sige...salamat at nabigyan mo ako ng pagkakataon na makatabi kita." Ngiti ni Dorothy at nagtungo sa pintuan. Kumaway lang si Althea at ngumiti. Tuluyan ng lumabas si Dorothy at naiwan si Althea na nakangiti na parang baliw.
Lumipas ang ilang minuto at natauhan ang dalaga. Nagtungo siya sa palikuran para maligo, mahina siyang kumanta habang naliligo, pinapakiramdaman ang bawat patak ng tubig. Natapos na siyang maligo at nagbihis ng uniporme, kinuha ang mapa ng Apollious na may mga nakasulat na plano, saka patakbong lumabas sa kanyang kwarto.
Kinabahan siya, bumilis ang tibok ng puso, tumindig ang mga balahibo. Napapikit siya bago buksan ang pintuan. Huminga ng malalim at binuksan ang pinto.
Marami ng mga sundalo ang nakapaligid sa mahabang mesa, nandun na ang hari...siya na lang ata ang hinihintay. Wala parin ang heneral, dahil hindi parin ito gumagaling.Sobrang tahimik ng paligid, ang yabag ng kanyang paa lamang ang maririnig, ilang hakbang pa at nakarating na siya sa hari. Binuksan niya ang mapa.
"Nasa Kromsen ang reyna--" Naputol ang pagsabi ni Althea nang biglang dumating si Dorothy, kasabay nito ang malakas na pagbunggo ng pinto sa dingding. "S-Sorry." Ngiti ni Dorothy at mabilis na naglakad patungo sa tabi ni Althea.Napa-ehem muna si Althea bago magsalita. "Nasa Kromsen ang Reyna, sa lumang palasyo. Marami akong alam na lagusan doon, ngunit wala akong naisip na pasukan." Nanlaki ang mga mata ng sundalo. "Ano?" Tanong ng hari. Itinaas ni Althea ang kanyang palad. "Hindi pa ako tapos." Sabi nito at napapikit. "Pero..dahil sa tulong ng prinsesa...naisip ko ito." Tumingin si Althea kay Dorothy at ngumiti, umiwas naman si Dorothy ng tingin at tinago ang mukha na namumula.
"Magsimula na tayo." Tumango ang mga sundalo. "Igrugrupo ki kayo." Sabi ni Althea. "Ikaw, Michael!" Tinuro niya si Michael.
"Kapangkat mo yang katabi mo tapos bilang ka ng animnapu, hanggang doon ang iyong pangkat." Tumango si Michael.
"Jan!" Lumingon sa kanya si Jan. "Kapangkat mo ang nasa iyong kanan, bilang ka ng tatlumpu, iyon ang iyong pangkat." Tumango si Jan. "Brent." Si Brent ay katani lamang ni Althea. "Ang natira ay sasama kayo sa amin, ililigtas natin ang reyna."
Tumango ang mga binata."Michael, ang pangkat mo ang magsisimbleng taga atake, aatake kayo sa kalaban, ang grupo naman ni Jan ay ang papatay sa mga bantay sa labas. At ang naturang grupo ay makinig na lang sa sasabihin ko." Binuksan ni Althea ang isa pang mapa, ito'y guhit niya sa lumang palasyo. Naglabas ng lapis si Althea. "Ok, Jan. Papaligiran nyo ang labas ng palasyo at patayin ang nagaguardia." Ginuhitan niya ang labas ng palasyo. "Michael, hintayin mo ang hudyat ni Jan na maari na kayong pumasok. Pag nabigay na niya, ihanda niyo ang baril niyo at sumugod." Nilagyan niya ng ekis ang mga pwesto nina Michael. "Brent, hihintayin natin ang hudyat. Uubusin lang nina Michael ang mga tulisan sa baba at hindi sa itaas. Tayo ang bahala sa itaas." Tumango si Brent. "Saan nakapwesto ang reyna?" Tanong ng isang sundalo.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Soldier
Historical Fiction《BOOK 1 OF TPATS》 Balik tayo sa 1912 sa bansang Apollious. Meet Althea Leñor and Dorothy Jane. Dalawang magkaibigan na pinaghiwalay ng tadhana pero muli silang nagkita matapos ang pitong taon. Habang tumatagal....nahuhulog ang loob nila sa isa't i...