06.0 | Scarred Deep

94 2 0
                                    

June 12, 20×× | Friday (Independence Day) | Cinder Mariano

Nakakapagod naman dito sa bahay! Lalo na kapag wala sina Mom at Dad.

Mag-isa na naman ako. Pero this time ay nag-almusal na ako.

Tsk!

Natapos ko na ang mga homeworks ko. Naisalin ko na sa baybayin ang isang tulang nagawa ko.

Limang beses na akong naligo.

Dalawang cartoon series na rin ang natapos ko.

At lowbat na din ang phone ko dahil sa kaka-wattpad.

At alas tres na ng hapon ngayon at mas wala na akong ibang maisipang magawa.

Kung dadalaw kaya ako sa puntod ni Hubby?

Nagbihis na ako. Simple lang na sweater at pedal na hanggamg tuhod, sneakers at saka sumakay na sa motor ni Dad.

Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin pagpasok ko sa cemetery premises.

"Hubby. I'm back. Sorry ah, di ko natupad ang promise ko sa'yo. Masakit pa rin kasi gawin, eh."

I remembered his words bago siya mamatay.

"Promise me, wifey. Na kahit anong mangyari, patuloy mo pa ring kakantahin ang naging kwento natin. Na palaging may ngiti ka sa mukha. Ayokong nalulungkot ka."

"Hubby... don't talk like I won't see you again."

"Wifey. Promise me... na... na gagawin mo 'yun hanggang sa mahanap mo na ang papalit sa'kin sa puso mo."

"Hubby. Kahit kailan ay walang makakapalit sa'yo aa buhay ko. Kaya please, stay?"

"Wifey. Di ko na kaya... promise me..."

"Hubby... ayokong mawala ka..."

"I will always live, wifey. In your memories I shall live. My choice would be always you. And I don't want you to live that way. Ayokong maging selfish dahil alam ko na  ang kahahantungan ko."

"Ani... aniyo..."

"Sing our songs. Sing our love story.... Goodnight, wifey..."

"Hubby! Ang unfair mo! But anyway. Simula ngayon. I will fulfill my promise. Ay siaimulan ko iyo ngayon..."

I paused. Remembering his smile.

"Just smile for me and let the day begin

You are the sunshine that lights my heart within

I'm sure that you're an angel in disguise

Come, take my and and together we will ride..."

Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. Leon Rain Lacsamana.

Hubby...

Tutuparin ko na ang pangako ko sa'yo...

"On the wings of love,

La la la la lala lala la la lala~

Cause on the wings of love

On the wings of love

La la la la lala la la la la lala

Flying high upon the the wings of love~"

"Hubby. It's almost five. Uuwi na ako. Babye! Love you."

Pagkasabi ko nun ay agad akong nagsindi ng kandila at nilagyan ng juliet roses ang lunyod niya.

Weird man kung isispin, pero mahilig siya sa mga bulaklak

That was why I despised seeing flowers mula nang namatay si Hubby.

Pinaharurot ko na ang motor ko at tumigil sa isang caf'e.

"Milktea, okkaido style, 50% sugar, large at limang crinkles."

"That would be 150 pesos."

Binayaran ko na ang order at pumunta sa isang sofa tapos nagsu-surf sa net.

I was in the middle of watching a cute korean girl na sumayaw ng 'Baam' ng Momoland nang may tumapik sa balikat ko.

Out of annoyance, tinignan ko ang tumapik sa'kin at tinaasan ng kilay.

Eh?

"Clein?"

"A-ah. Oo. Order mo."

"Thanks. Kunin mo na lang ang sukli ko. Tip ko na 'yun."

Nag-thank you siya at lumapit na sa counter.

I actually gave a 200 peso bill kaya, payts na siguro ang singkwenta pesos.

Matapos kong ubusin ang crinkles ay lumabas na ako ng shop.

Nang dumating na ako sa bahay, sinalubong ako ng amoy ng adobong sitaw na may maliliit na gutad ng karne.

Luto ni Mom. Walang makakapantay.

"Cin, nagdinner ka na?"

"Crinkles. Though gusto kong kumain ulit. Ang bango ng luto mo, eh."

Patuloy lang kaming kumain ni Mom.

"How's school? Oo nga pala,  ang tita Meila at tito Zild mo ay pupunta bukas. Be on ypur best behavior, ha? Isasama na din daw niya ang pamangkin niya."

"Okay. Mom, tapos na akong kumain. Pwede na po ba akong umakyat? Ihahanda ko pa ang iausuot ko."

Tumango lang siya. Tapos na din kasi siyang kumain at nakatutok na ngayon sa laptop niya.

Pagpasok ko ng kwarto ay agad kong hinanap ang pinakasimple kong semi-formal na dress.

Nang nahanap ko na ito sa walk in closet ko ay agad ko na itong ini-hanger sa tabi ng vanity ko.

I checked my facebook tapos nag-browse pa ng videos.

----

Promise, Hubby. Hahanapin ko ang kantang matagal ko nang ibinaon sa limot.

Kakantahin ko na ang kanta natin. Handa na akong isawalat ang naging kwento natin.

Hanggang sa hindi na ako iiyak marinig lang ang pangalan mo.

Hanggang sa meron nang paplit sa'yo...

Pangako 'yan... Hubby

Dear Officer [COMPLETED]Where stories live. Discover now