Summer
Dumating si Xykie sa Pinas kaya nag-aya sila ng girls out of town. Sa Balesin kami nagpunta and I need this para hindi ako parang hibang na naghihintay kay Chase.
Binigyan ako ng wine ni Brook at nagkatinginan kami ni Violet at pasimple kong ibinaba ang wine sa table. Syempre, hindi nakaligtas iyon sa paningin ni Xykie at Sakura.
"Himalang hindi mo inamoy ang wine." Puna ni Xykie.
"Huwag kang snob...masarap naman. Kinuha nga namin ang pinakamatanda sa wine collection nila." Sabi ni Sakura.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Buntis ako." I said.
Napabuga ng wine si Brook sa buhangin.
"Wala ka man lang pasakalye. May boyfriend ka ba na hindi namin alam?" Tanong ni Brook.
"Wala...I mean...magulo ang situation namin." I replied.
"Alam na ba ni Chase?" Tanong ni Sakura.
"Si Chase?" Tanong na naman ni Brook.
"Ikaw nga lagi kang pupunta dito sa Luzon at nang hindi puro baka ang alam mong chismis." Violet said to Brook.
Umiling ako. " Hindi ko pa sinasabi. Hell, he don't have time. Ang sabi niya aayusin niya ang schedule niya and we will date... A date!"
Tumatango silang nakakaunawa. They knew how workaholic Chase is.
"Kumusta naman ang baby mo?" Tanong ni Brook.
"Anong baby? Mga baby." Sagot ni Violet.
"Kambal?" Tanong ng tatlo.
"More on, triplets." Sagot ni Violet.
"What?" They looked surprised.
"Oh my God..." Natatawang sabi ni Xykie.
"Mga ilang beses kayong nagsex at nakatatlo kayo?" Deretsong tanong ni Sakura.
"We are talking about Chase... mga 5?" Natatawang biro ni Brook.
Nahihiya akong nagtakip ng mukha ng titigan nila ako kasama ang chismosa kong kapatid. Naghihintay sila ng sagot.
"Around there," I murmured.
"Anong around there? Ibig mong sabihin it's more than 5? Nilagpasan nyo ang record ni Tito Cloud..." Sabi ni Xykie. Nagtatawanan silang nagcheers.
"What will I do?" I asked them.
"Mahal mo ba?" Tanong ni Xykie.
Napatingin ako sa dagat.
"More than words," I replied. "Since I was fifteen."
"Sabihin mo sa kanya." Suggestion ni Brook.
"Sinabi ko na rin kay Summer yan." Pagsang-ayon ni Violet. "Wala silang time na makapag-usap eh." Dagdag ni Violet.
"Ipadala mo sa kanya ang ultrasound result mo." Sabi ni Sakura.
"Yes...magandang idea yun. Ipadala mo sa office niya para mawindang siya." Violet said.
"And if he didn't create a time for me after that?" I asked them.
"Then he is not perfect for you," Xykie replied.
"A woman doesn't need to fight for a place to his man. Iyon ang sabi sa akin ni Kiro." Sakura shrugged her shoulder.
"It sucks being ignored by the person whose attention is the only thing you want in this world." Natingin sa malayo si Brook.
"Choose me or lose me, Summer. Hindi ka back up plan at lalong hindi ka dapat na second priority. After mong ibigay ang ultrasound at wala pa rin si Chase, enough is enough." Violet said with finality.
Lakas loob kong kinausap si mommy at daddy after namin sa Balesin.
"What's the occasion?" Tanong ni daddy ng yayain ko sila sa isang dinner sa isang restaurant outside of Country Club at Grace Hotel.
Sinipa ni Violet ang paa ko sa ilalim ng mesa para lang magsalita ako.
"I have something important to tell you. But please let us eat first." I said.
Hindi naman ako makakain ng maayos kaa kakaunti lang or halos wala akong nakain.
"You look like you will puke. What is it Summer?" Tanong ni daddy.
Hawak ni Violet ang nanlalamig kong kamay sa ilalim ng mesa.
"I'm...pregnant." Halos pabulong na sabi ko.
Napapikit ako at hinihintay na magwala si daddy.
Mom cleared her throat.
"Sino Summer?" Tanong ni mommy.
"It's not important," I replied.
"He doesn't want the responsibilities?" Tanong ni daddy.
"He doesn't know, yet," I replied.
"Is he married?" Tanong na naman ni daddy.
"No." Umiling pa ako.
"I'm sorry...I disappoint you." Nahihiyang sabi ko.
"You are not a disappointment. Both of you." Sagot ni daddy. Naiiyak ako.
"Summer... you have to tell him what is happening to you. I much prefer a traditional way like Autumn and Lucas is aiming but you are an adult Summer." Hinawakan ni mommy ang isa ko pang kamay.
"That's it? You don't have that "Where's my gun?" line or similar to that?" Tanong ni Violet kay daddy. Dad chuckled...
"Don't be silly." Sabi ni daddy kay Violet. Paimple akong nagpunas ng luha.
Mom kindly smile at me. "Kaya mo yan." She whispered and hold my hand.
"By the way, she's pregnant with triplets." Sabi ni Violet kina mommy.
Napanganga si daddy sa binalita ni V. Speechless din sila.
Sakura went with me para ibigay kay Chase ang ultrasound result. Pagdating namin sa receptionist, nakilala na ako ng babae at pinapasok na kami.
"Where is Chase?" Tanong ko kay Dolor.
"Ma'am, nasa Bulacan po sila ng team niya" She replied.
Nagkatinginan kami ni Sakura.
"Iwan mo na lang. Ipabigay mo." She said.
Kinuha ko sa bag ang envelop at binigay kay Dolor.
"Dolor..." I said.
"Oh...siya pala si Dolor." Sabi ni Sakura.
"Pakibigay mo kay Chase pagdating niya. This is urgent." Binigay ko kay Dolor ang sealed envelope at kinuha naman niya.
"Sige po ma'am." Sagot nito. Iniiwasan na bumanggit ng pangalan.
"Pakibigay mo agad sa kanya pagdating niya. Do not open it." I warned her.
"Yes ma'am." Sagot nito.
Now...all I need to do is wait...again.
BINABASA MO ANG
More Than Words (Completed)
RomanceChase Marcelo is the rightful heir of the Ongpauco Group of Companies. Sa kanya ipinamana ng namayapang lolo ang lahat ng kayamanan nito leaving his wife and adopted daughter with nothing. Kaya ang stress level niya ay kasing taas ng responsibilitie...