My Maid Princess (On Going)

391 6 0
                                    

Sana subaybyan niyo (subaybay talaga? teleserye lang? hahaha)

Anyway, promote ko lang po lang po ang "My Bestfriend's Girl"

Thank you and Take care!

-Harianne Yvonne Alindogan a.k.a. Ms. A :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Audrey's POV

'AUDREYYYYYYY!!" bulyaw sakin ni nanay. Eto na naman si nanay, umagang umagasigaw ng sigaw.

Ako nga pala si Audrey Reyes. Nakatira sa isang squatters area. Hindi ko tunay na kadugo ang mga kasama ko sa buhay. For short, AMPON AKO. Sabi sakin ni nanay, napulot lang daw nila ko ni kuya Jepoy nung namamasura sila nung baby pa ako. February 14 nila ako napulot kaya yun na lang din ang ginawa nilang birthday ko. High school lang ang natapos ko kasi wala na daw pera si nanay pangpaaral samin ni kuya Jepoy kaya pareho kaming high schooll graduate lang. Pero take note naman, valedictorian ako.

"Nay, bakit po?" Ano na naman kayang papagawa sakin ni nanay?

"Maglaba ka na. Ang taas taas na ng araw nakahilata ka pa rin diyan." Hay! Laba na naman. Kelan kaya kami yayaman para naman may taga laba na kami. Hahaha. Ambisyosa much! Di naman masamang mangarap di ba?

"Oh, sige po nay."

Habang naglalaba ako... "Adrey, nadiyan ba ang nanay mo?" Si aling Bilen pala. Siuro maniningil na naman siya. Si nanay kasi naangungutang pangbayad lang din sa utang. Pano naman kaming di malulubog sa utang eh si nanay, sugalera, si Kuya Jepoy naman ginagawang tubig ang alak.

Kelangan ko na talagang maghanap ng trabaho para naman magkapera at makabayad na din sa mga utang.

Pagkatapos kong maglaba, naligo agad ako at nag ayos para mg job hunting. Siguradong mahihirapan ako maghanap ng trabaho kasi high school graduate lang naman ako.

Habag naglalakad ako, nakita ko ang isang karatula na my nakasulat na...

Wanted: All aound Maid!

Nakadikit ito sa isang magarang gate.

Mukhang nakikisama ang tadhana sakin ah.

Nagdoorbell ako sa bahay na yun at agad naman akong pinagbuksan ng isa sa mga guard.

"Anong kelangan mo?" tanong saking ni Manong Guard.

"Nabasa ko po kasi yung nakapaskel sa may gate. Naghahanap daw po kayo ng all around maid?"

"Sige, pumasok ka na." tapos sinamahan ako ni manong guard hanggang sa loob ng bahay.

Pagpasok namin sa bahay, sobra akong nagandahan sa mga gamit nila. Mukhang lahat mamahalin at galing pa sa ibang bansa.

"Maupo ka muna diyan at hintayin mo na lang si Madam."

"Salamat po." Makalipas ang ilang minuto, dumating ang isang napakagandang babae. Tingin ko nasa mid 40s ang edad niya. Siya na yata ang amo dito. Ang gara ng suot niya pero mukha naman siyang mabait at down-to-earth.

Tumayo ako para magbigay galang. "Magandang araw po! ^_^" bati ko sakanya.

"Magandang araw din." tapos umupo siya. "Sige, maupo ka." naupo naman ako. "anong kailangan mo?" mahinhin niyang sabi sakin.

"Nalaman ko po kasi na naghahanap po kayo ng all around maid. Gusto ko po sanang mag apply." magalang kong sabi sakanya

"Ah, yun ba?" taps tumayo na siya. "Sige, kita na lang tayo bukas."

"Bakit bukas pa po? Dala ko na po ang resume ko" akmang hahanapin ko na ang resume ko nang magsalita siya ulit.

"Hindi ko na kailangang tingnan ang resume mo." Huh? Di niya man lang titingnan? Oh, baka naman may nakuha na sila.

"irerejct niyo po agad ako? Ni hindi niyo pa nga nakikita ang resume ko eh." angal ko sakanya

"hahaha" at talagang nagawa niya pa kong tawanan ah."So, you still don't get it ?"

"Ano pong ibig niyong sabihin? May nahanap na po kayong all around maid?"

"Meron." Sabi ko na nga ba eh. Di bale, maghahanap na lang ulit ako ng ibang trabaho.

"Ah, ganun po ba? Sige po, alis na po ako" Malungkot kong sabi sakanya.

"Iha, why are you sad?" tanong niya ulit sakin

"Kasi po akala ko magkakatrabaho na ko tapos maynahanap na po pala kayo.-_-"

"Sinabi ko na 'magkita na lang tayo bukas' kasi bukas ka na magsisimula. You're hired!" Teka, tama ba narinig ko?

"Ano po ulit yun?" baka nagkamali lang ako ng rinig eh. Baka you're fired ang sabi. Di pa man din ako natatanggap, fired agad?

"I said you're hired!" nakangiting sabi niya sakin. "Ika na ang napili ko para maging all around maid namin. And I don't even have to look a your resume kasi nakikita ko namang mabuti kang tao. And tingin ko matalino ka."

"Talaga po? hired na ako?" tapos niyakap ko siya ng mahigpit "Madam, thank you po."

"'Sige, see you tomorrow! You should be here before 7."

"Ok po." Tapos nagsalute pa ako sakanya at naglakad na palabas.

Pagdating ko sa bahay...

"Nay, may trabaho na po pala ako." bungad ko kay nanay pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay.

"Aba, dapat lang. 18 ka na kaya." sabi niya sakin

"Bukas po ako magsisimula at stay-in po ako dun."

"Teka, kelan ka ba susweldo?" Sweldo agad? Ni hindi pa nga ako nagsisimula eh.

"hindi ko pa po alam. Bukas pa po namin pag uusapan yan."

"Dapat malaki sahod mo ah para naman may pangkain tayo." Pangkain ba talaga, o pangsugal? Hay! si nanay talaga. Pero kahit ganyan yan...

ganyan na talaga yan. Hahaha!

My Maid Princess (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon