Chapter 21

6.8K 52 8
                                    

"Ayos din itong sina Mr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ayos din itong sina Mr. and Mrs. Vallejo, ano? Biruin mo ay dito pa tayo pinatuloy sa bahay niya?" namanghang pagkakasabi ni Marco nang gabing iyon. Kasalukuyang nasa guest room siya kasama sina Jasper at Francine. "Iyon nga lang, hindi ba't parang unfair naman? Bakit si Francine lang ang may solong kuwarto?" dugtong na tanong niya.

Binatukan siya ni Jasper. "Sira ka ba? Alangan namang tumabi sa 'ting mga lalaki si Francine, e babae 'yan."

Tumatawang sumabat si Francine. "Kayo talaga. Lagi na lang kayong nag-aasaran tuwing magkasama. Kung ako sa inyo, i-check nyo na lang iyong files natin. Gumawa na kayo ng back up sa external hard drive para secured."

Pagkuwa'y tumingin-tingin si Francine sa paligid. Ni hindi man lang niya napansin na hindi pala nila kasama sa guest room si Raymart.

"Teka, nasaan nga pala si Raymart?"

Sumagot si Marco. "Naroon sa dilim, nag-aano..."

Kinabahan si Francine. "A-anong nag-aano?"

Nagtawanan muna ang magkaibigan bago sumagot.

"Tinitignan iyong DSLR niya sa may terasa! Ikaw, ah. Ano'ng iniisip mo?" biro ni Jasper. "Ang mabuti pa'y puntahan mo na nga iyon doon. Baka mamaya ay kung ano pang anuhin niya roon."

"Puro talaga kayo kalokohan." Napakamot si Francine sa batok. "O, sya. Maiwan ko na muna kayo rito. Ayusin nyo na iyong mga files, ah. Kunin nyo na lang iyong memory card sa DSLR ko para makuha nyo iyong shots ko."

"Yes, madam!" sabay na sagot ng dalawa.

Nang lumabas ng bahay si Francine ay nakita nga niya si Raymart sa terasa. Natawa pa siya nang mapansing pangiti-ngiti ito habang tinitignan ang pictures sa DSLR.

Lumapit siya at tumabi rito.

"Ano ba 'yang tinitignan mo't pangiti-ngiti ka?"

"Ha? Ano..." Itinago ni Raymart ang DSLR sa likuran niya. "W-wala 'to. Natuwa lang ako sa pictures ng mga bata kanina sa reception."

"Talaga? Patingin nga ng shots mo."

"Wag na!" Lumayo siya kay Francine at lumipat ng upuan. "Ah, eh... malo-lowbat na kasi ako. Bukas mo na lang tignan kapag bagong charge na."

"E, ano naman kung ma-lowbat ka? Parang titignan ko lang naman."

Tumayo siya at lumapit kay Raymart. Sinubukan niyang agawin ang DSLR, pero ayaw pa rin nito iyong ibigay.

"Bakit ba ayaw mong ipakita sa 'kin 'yan?"

"Mauubos na nga ang battery ko."

"Puwede mo namang i-charge 'yan mamaya pagkabalik mo sa guest room, ah, Sige na, patingin ako."

"Bukas na lang."

Ngunit biglang nakuha ni Francine ang camera at naitago kaagad ito sa kanyang likuran.

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon