Ang Agila ng Masa

643 6 0
                                    


Sa kasuluksulokan ng gubat matatagpuan ang dakilang si Agila, kilala siya bilang isang mahusay na pinuno dahil kanyang mga angking kakayahan, ang paglipad sa himpapawid, liksi, bilis, mga mapagmtayag na mga mata at pagiging mahusay sa pagdedesisyon sa ikabubuti. Nugnit sa likod ng mga kakayahang iyon kilala rin si Agila bilang ibon na masamang magsalita dahil siya napakapranka.

Isang araw ang mga hayop ay nagtipon-tipon upang piliin kung sino ang maaring mamuno sa kanila dahil matanda na ang dati nilang pinuno na si Tamaraw. Nagpresenta si Baka, Leon at Pilandok, upang maging pinuno ng buong gubat. Sinabi nila ang kanilang mga layunin at mga nais mangyari sa buong gubat upang mapanatili ang kapayapaan.

Ngunit sa lahat ng mga kandidatong nais tumakbo walang nagustuhan ang mga hayop sa gubat. Hindi nila gusto si Baka, dahil hindi niya magagampanan ng mabuti ang kanyang tungkulin dahil kailangan niyang asikasuhin ang mga palayan, hindi rin nila gusto si Leon dahil dahas lang ang alam nito, si Pilandok naman ay napakatamad parati lamang ito naghihintay ng swerte. Nag isp-isip ang mga hayop kung sino ang maaring maging pinuno nila. Pero isingaw ni Tipaklong, "Si Agila! Si Agila!" narinig ito ng lahat at kanilang napagtanto na nararapat si Agila sa posisyong ito. Nilapitan nila si Agila at sinabihang nais nila itong maging pinuno, at tinangap niya ito dahil sa pakiusap ng madla sa kanya.

Sa pagiging kandidato ni Agila siya inalipusta ng mga kasama niyang kandidato dahil siya ay masamang magsalita. Pero di nagpatinag si Agila sinabihan niya ang madla na ang kanyang gawi ng pagsasalita ay nag rerepresenta kung gaano siya katotoo sa kanyang mga sinasabi na sa halip na magsalita ng kasinungalingan sa harap ng madla mas pipiliin pa niyang maging pranka at totoo kahit siya ay sinsabihan ng masama ng iba.

Sa araw ng pagpipili kung sino ang magiging pinuno ang bukambibig ng masa ay si Agila at siya ang nanalo. Napanatili niya ang kapayapaan sa buong gubat at ginamit niya ang kanyang kakayahan upang mas mapalago ito, ang tinaguriang agilang masamang magsalita ay naging Agila ng Masa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Agila ng MasaWhere stories live. Discover now