Chapter 4

33.5K 623 42
                                    

Chapter 4 ~ Ang Paghaharap

Mia's POV:

Pisikal na anyo pa lang, malalaman mo agad na isa siyang makapangyarihan at kataas-taasang tao dito sa mundo.

May accent ang pananalita ng wikang Ingles. Disente itong manamit at kumikinang pa ang suot niyang mga alahas sa katawan.

Hindi ko maiwasang tignan siya mulo ulo hanggang paa na ikinataas ng kaniyang kilay. Unti-unting nagyuko ako ng ulo dahil sa tinamong kahihiyan. Sa pagkakatingin niya sa akin, parang minamaliit niya ang isang tulad ko.

Walang sali-salitang iniwan niya kaming nakatayo habang lutang na nakatingin sa kaniya. Naghihinayang ako dahil hindi ko man lang siya napasalamatan.

Napahinga kaming lahat ng malalim.

"I escort you Ma'am to Mr. Aberla's office." Saad nito. Taas-noo itong naglakad. Dahil sa mausisa si Hera, nagtanong siya sa sekretarya.

"May I ask Miss kung sino 'yun?"

Pumasok kami sa elevator. Walang tao kundi kaming tatlo lang. Napatingin ang sekretarya kay Hera at ngumiti habang tumatango.

"She is the famous Lucy Aberla right? A well-known wife of a multi-billonaire. Grabe! Mas maganda pala ito sa personal."

Nacurious ako sa pinag-uusapan nila. Nakuha nila ang atensyon ko. Parang may humahatak sa akin para pakinggan ang sinasabi nila.

"I'm surprised of your knowledge about business Ma'am. I guess you came from a rich family Ma'am."

"Drop the formalities, will you?"

"We are not allowed Ma'am."

"Okay. May I know why is she here? As far as I remember, this is her son's company." Curious na tanong ni Hera.

"You answered already your own question Ma'am. As you said, this is her son's company."

Nagkibit-balikat si Hera at tumingin na lang sa harap. Naging tahimik kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng office ni Bryle. Nasa pinakataas ito ng building at talagang nakakatakot tumingin sa baba.

"Allow me to enter first Ma'am then wait for my signal. I will talk to him first."

Tumango-tango kami ni Hera. Wala naman kaming magagawa kundi sumang-ayon na lang. Ayaw naming mag-eskandalo. Ang pakikipag-usap ng maayos kay Bryle ang habol namin dito.

Kumatok ako sa pinto. Ang sabi ng sekretarya niya, pwede na raw kaming pumasok sa loob. Kinakabahan ako.

"Come in."

Sagot nito sa loob. Nakapagpractice na kami ni Hera kanina kung paano sasabihin ito sa kaniya. Pero magkakamental block yata ako!

"Huwag kang mag-alala. Andito naman ako."

Huminga ako ng malalim at ngumiti ng tipid. Siya na ang nagbukas ng muwebles na pinto. Bumungad sa amin ang magandang interior design. Sa gitna, nakita namin si Bryle na busy sa kaniyang ginagawa.

Tumikhim naman si Hera upang makuha ang atensiyon niya at nagtagumpay naman siya dahil napabaling ito sa gawi namin.

Napakunot agad ang noo niya pagkakita sa amin na para bang inoobserbahan niya kami. Pero agad niyang pinagpatuloy ang pagtitipa sa kaniyang Laptop na mamahalin.

"Good afternoon, my friend wants to talk to you personally so we came here juat for that."

Panimula ni Hera sabay baling nito ng tingin sa akin at hinawakan ako sa kamay na pasmado na. Napako ang tingin ko kay Bryle.

I'm Pregnant (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon