Heartbeat 53↭ Fam Outing... Planned

111 7 3
                                    

3rd Person's POV

Naghanda na sina Jasmin at pamilya niya para sa family outing nila. Pupunta sila ngayon sa isang beach resort.

"Oh Jasmin, dala mo na ba lahat ng kailangan mo?" Tanong sa kanya ni Elizabeth.

"Opo Ma Beth, nasa kotse na po ang lahat" sagot niya naman sa Tita niya.

Halos wala na rin naman silang kailangang ilagay sa kotse, pero hindi pa rin sila lumalabas ng bahay.

"May kailangan ka pa po ba Ma Beth?" Tanong naman ngayon ni Jasmin sa Tita.

Hindi naman siya sumagot sa dalaga at nakatingin lang sa relo niya.

♥dddiiiinnngg dddoonnngg♥

Narinig nilang may nagdoorbell. Napakunot noo naman si Jasmin dahil wala siyang inaasahang bibisita sa kanila ngayon.

"Ako na ang magbubukas" saad naman ni Reyrin habang tumatakbo papunta sa gate.

Sinundan naman ng tingin ni Jasmin ang Kuya niya. Nakita niya na sina Robbie at Flair pala ang nasa gate.

May mga dala rin silang gamit. At sa unang tingin pa lang ni Jasmin ay alam niya na agad na sasama ang magkapatid na yun sa kanila.

Napatingin siya sa gawi ng Tita niya dahil alam niya na may kinalaman siya dito.

"Let's go" saad ni Elizabeth habang hinahawakan ang kamay ni Jasmin at hinihila na siya papunta sa kotse.

Jasmin's POV

Okay lang naman sana kung kasama sila, pero para kasing set up na naman ito. Tulad ng dinala ako ni Kuya sa mall kahapon, dahil lang sa pinakiusapan siya ni Robbie.

"Nandito na po tayo" pahayag ni Manong nang makarating na kami sa resort.

Humiyaw naman si Kuya at Flair sa excitement. Hhmmm... since when naging close ang dalawa?

Kanina pa sa biyahe parang ang close close na nila Kuya at Flair. Sila lang na dalawa ang maingay sa kotse. Si Kuya naman ay parang batang manghang-manghang makita ang mga nadadaanan namin.

Medyo nakakainggit ang closeness nilang dalawa dahil ganyang kami kaclose ni Kuya nung bata pa ako.

Kapag may pinupuntahan kami, palagi na lang si Kuya turo ng turo ng mga nadadaanan namin. Gustung-gusto niya na maappreciate ko rin yung mga tanawin na dinadaanan namin.

Siguro yun rin ang ginagawa niya para kay Flair kanina. I kinda miss that wonderful time, pero hindi tama na mainggit or magselos ako sa kanila.

Tama lang talaga na maging close sila dahil magkapatid naman talaga sila at matagal silang hindi nagkasama.

So yun na nga, bumaba na kami ng kotse. Tinulungan na ni Kuya si Manong na ibaba yung mga gamit namin. Including the beach  balls and beach umbrella.

Kinuha ko na rin yung mga gamit na nasa trunk.

"Tulungan na kita" narinig ko na may nag-alok sa akin ng tulong and by the sound of that, parang alam ko na kung sino.

"Okay lang, wag na" pagbabawe ko naman sa mga gamit na kinuha niya.

"No, tulungan na kita" pagpupumilit niya.

"Sabing wag na eh" pagmamatigas ko rin.

"Ako na nga lang po" bigla namang sumulpot si Flair at kinuha na ang ibang gamit na pinag-aagawan namin.

Nagkatinginan na lang kaming dalawa dahil sa nagmukha kaming bata kanina na nag-aagawan sa laruan.

Nang matapos na ni Mama Beth na makausap yung manager at nabigyan na kami ng cottage, sinimulan ko nang ayusin yung mga kakainin namin.

The First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon