"Yes, mom. I got it. Tell dad 'I love you'! Bye!" dali-dali niyang binaba ang telepono at sinuksok sa bag nito. Pinagbuksan siya ng pinto at sinalubong ng ngiti galing sa guwardiya. "Magandang hapon, Ma'am!" Masiglang bungad ng guwardiya sakaniya at inalalayan lumabas ng sasakyan. Lumabas naman ang driver at mainam na ibinaba ang mga bagahe nito.
Tumambad sakaniya ang matayog na gate at magarang mansyon. -- Small place,huh. Isip nito at umiling. Naalala niya ang sabi ng nanay na maliit lang daw ang bahay nila. Ngunit nag-kamali ito. Mas malaki pa ito sa bahay na tinutuluyan niya ngayon sa US. Binuksan naman ng guwardiya ang gate para makapasok ang dalaga sa mansiyon. Mabilisan namang nag-lakad papasok si Margaret sa bahay.
"Handa na po ang hapunan." bungad ng isang kasambahay sa dalaga. Nakapikit at nakahiga ito sa sofa sa salas. Mabilis naman siyang napamulat. "Thanks, what's for dinner?" Sagot nito at umupo sa pagkakahiga. "Adobo po. Pork adobo na may patatas." magalang na sagot ng kasambahay. "Nice! Will you lead me to the kitchen, Sara?" pinagpag nito ang pantalon bago tumayo at sinundan si Sara patungong kusina.
--Mom really arranged everything. "Am I eating by myself?" takang tanong ni Margaret dahil sa nakitang nag-iisang plato ang nakahanda. Tumango lamang ang kasambahay. "That won't do. I want everyone to eat together." Aya ng dalaga sa mga kasambahay. Sila nama'y nataranta sa sinabi ng dalaga at dali-daling tumanggi. "Naku Ma'am. Hindi po pupwede."
"Who said so?" taas kilay na angal nito sakanila. Natahimik naman ang mga tauhan. "No can do. I won't eat until everyone is seated." Napameywang si Margaret at agad naman sinunod ng mga tauhan ang utos ng dalaga. Sunod-sunod silang naupo sa harap ng dalaga. Ang kusinero na si Mang Anton, ang mga kasambahay na si Sara, Alison at Nina, saka naman ang driver na si John. Ang guwardiya na si Marlon ay mamaya na raw kakain pag dumating na ang kapalit niya. Pinabayaan nalang ni Margaret ang pangatwiran nito at nag-simula ng kumain.
"Mmhhmm! This is the best meal I've had for 3 days." Napapikit ang dalaga habang ngumunguya. Nasarapan ito sa handang adobo. Dahil narin sa pagod sa pag-bibiyahe ay talagang namiss niya ang lutong bahay. "Since I moved out, I haven't had a proper meal except during holidays." Kuwento nito sa mga kasama. "Kawawa naman kayo, Ma'am." sabi ni Mang Anton at nilapit ang plato ng sariwang lumpia. Siya namang tinanggap ni Margaret at pinatuloy ang pag-kain. Natapos ang hapunan sa pag-kukuwento ng mga kasambahay. Naging malapit na sila sa amo dahil narin sa madali lang itong pakisamahan.
"Ah, I'll be sleeping most of the day so, you don't have to prepare anything until I wake up. Just make yourselves comfortable." Bilin ng dalaga bago ito umakyat sa nakatakda nitong kuwarto.
--I'm dead tired.
"Hi, Mom and Dad."
"How is it going, sweetie?" tanong ng tatay ni Margaret galing sa kabilang linya.
"I'ts very humid and warm here. But I'll manage. The place is huuuge." Nilibot ng dalaga ang paningin.
"Blame your father. When you said you were planning to visit last year. He bought that mansion right away!" napairap ang Ina ni Maragaret.
"Did you use your retirement fund?" taas kilay na baling nito sa ama. Natawa naman ang ama sa tanong ng dalaga at dali-daling umiling.
"Of course not. I just used a fraction of what you're going to inherit though!" pabirong sagot nito sa dalaga at tumawa. Siya namang hinampas ng Ina sa braso.
--Oh really.
"I'll call again, once I've settled! Love you!" dali nitong paalam sa mga magulang at ibinaba na ang video chat. Tiyaka naman nito pinatay ang tablet bago humiga sa kama.
--Hmmm...
Onti-onti itong pumikit at nag-talukbong ng kumot. Hanggang sa dinalaw siya ng antok.
-//-
"Won't you work for me, my dear?"
--My dear, my ass.
"We're meeting for the first time after 22 years and that's what you tell me?" Pabarang tugon ni Margaret sa matanda. Nakataas ang isang kilay habang ang tingin nito ay nakakamatay. Iritable itong humigop sa tsaang hinanda ng sekretarya.
"Aren't you going to ask how your daughter has been these past 2 decades?" dagdag nito.
Napalunok naman ang ginoo sa harap nito at humigop sa tasa. Pagkatapos ay umubo ito ng konti. "You're right. However, this is urgent. I need a replacement right away." sagot naman ng ginoo sakaniya.
"Has my brother escaped your grasp? Why don't you let your wife's children manage your company?" matabang nitong sambit.
"They're not ready. And they don't have the skills that you and your brother have. Please, my employees are at stake." Pag-mamakaawa ng matanda.
Natawa naman ng mapait ang dalaga sa sinabi ng ginoo. "Do you really care about your employees or your profit?" sarkastiko nitong sambit.
"Look, I need you to work in this company. You are my daughter, the only one fit for the position. I can't let any stranger handle this." napahilamos ito sa mukha at marahang inabot ang kamay ni Margaret. Siya namang binawi nito ng marahas.
"Fine. However, you have to follow my conditions." tumayo si Margaret sa pagkakaupo at kinuha ang bag nito galing sa sofa.
"Of course, anything!" tumayo narin ang matanda. "What is it that you need?" dagdag nito.
"I need to know how this company works. I want to work in one of the departments for the first thirty days. Without anyone knowing about my connection with you." diretsang pahayag ni Margaret sa matanda.
"But why?" nag-tatakang tanong ng matanda sa dalaga. Pero sumangayon naman ito sa hiling ng anak. "Leave it to me. Six months. I'll work for you in a span of six months. You take back your position, bring my brother back or have one of your wife's children manage it. What happens in a span of six months will be up to me. After that I am out. I want you to sign the papers and never cross paths again." prankang sabi nito sa harap ng matanda.
May nilapag siyang envelope at itinuro ito. Sa loob nang anim na buwan ay susundin nito ang gusto ng ama. Kapalit ng pagpirma nito sa papeles. Ayun ay ang isuko nito ang karapatan nito bilang pamilya ni Margaret.
Bumuntog-hininga ang matanda at pumayag na lamang sa kagustuhan ng anak. "Deal." Inabot nito ang kamay sa harap ng dalaga para makipag handshake. Tinitigan muna ni Margaret ang nakaalok na kamay bago nito sinagot at nakipagkamayan.
"I want a notarized contract by tomorrow. That's all." huling sambit nito bago bumitaw at tumalikod. Nag-simula siyang mag-lakad papalabas ng opisina.
Nang makalabas ito ay may nakasalubong itong ginang. Napahinto silang pareho sa pag-lakad at nag-salubong ng tingin. Maya-maya pa ay tinaasan ni Margaret ng kilay ang ginang at tinignan mula ulo hanggan paa saka umiling. Pagkatapos ay nauna na itong nag-lakad papuntang elevator at nilisan ang kumpanya.
YOU ARE READING
The Trial
General FictionMargaret, the infamous stockbroker of Wall Street has arrived to her motherland. Meeting her father again after two decades together with his new family. Margaret enters his world by herself. Will she be able to survive when her only connection to...