Chapter 30- Wed Prep

12K 328 6
                                    

Summer

Pagbalik namin ni Chase kinabukasa sa Country Club, dumeretso kami sa bahay nila mommy and guess what? Nandoon silang lahat.

"Bakit ang daming tao?" Tanong ko kay mommy. 

"News travel fast, honey." Sagot ni mommy. 

"Namanhikan na kami. Hindi na namin kayo nahintay." Sabi ni Tito Cloud na nasa likod ko.

Nahihiya akong nagkiss sa pisngi niya at kay Tita Yumi. 

"Chase." Mom gave him a pointed look. Nakangiting napakamot sa ulo si Chase.

"Oy, Summer, Chase, kayo na lang ang hindi nasusukatan." Tawag sa akin ni tita Kaye. 

"For what po?" 

"For your wedding gown. Aba bilisan nyo. Tinatahi na ang gown ng entourage nyo akala mo ba." Sagot ni Tita Kaye. 

"Seryoso ka Tita?" Tanong ko kay Tita Kaye.

"Para saan pa at naging Event Organizer ang mother in-law mo? Ayos na ang lahat..." Kinawayan kami ni Tita Kaye at sinukatan. 

"Anong theme ang gusto nyo sa wedding?" Tanong ni Tita Yumi sa amin ni Chase habang sinusukatan kami. 

"Uh... ewan ko." Sagot ni Chase. 

"Beach? Garden? Church?" Tanong ni Tita. Tumingin sa akin si Chase. 

"Vineyard Wedding?" Hindi siguradong sagot ko.

Nagsulat si Tita sa notebook niya. 

"Color?" 

"Uh... old rose?" I replied. 

"Plus gold..." Sagot ni Tita Diane. 

"Correct." Pagsang-ayon ni mommy. 

"Flowers?" Tanong ulit ni Tita Yumi. 

Napatingin ako kay Chase. 

"Bahala na kayo mommy sa lahat ng details." Sabi ni Chase kay mommy niya. 

"Sure kayo?" 

Tumango kami ni Chase. 

Ngumiti si Tita Yumi. "Okay." Saka kami iniwan.

"Naku Chase, pinanganak ka pa lang nakaplano na ang wedding mo." Sabi ni Tita Bella.
Tumango si Tita Merjie. "Matagal pa nga ang two weeks para sa preparation ni Yumi. Dapat one week lang sinabi nyo." Nagtawanan sila.

"Naka-contrata na agad ang shop ko. Pati mga flowers ni Khalessi nakareserve na agad. Tapos ang preparation nang mag-usap sila ni Trisha kahapon." Sabi ni Tita Bella. 

"Pati yata si Lise." Sabat ni Tita Kaye. 

"Ang alin?" Tanong ni Tita Lise. 

"Yung photos and videos para sa wedding, nakareserve na sayo?" Tanong ni Tita Merjie. 

"Ay oo naman. Pati ang pari na magkakasal sa inyo, okay na din." Sagot ni Tita LIse.

"Di ba, kami ang engage? Bakit ikaw ang ikakasal?" Tanong ni Xykie sa akin. 

"Mabagal daw kayo eh." Sagot ni Tita Merj.

Nagkakatinginan na lang kami ni Chase sa mga usapan nila.

"Inggit ako, isa lang naging anak ko." Sabi ni Tita Merj. "Kaya kayo, huwag kayong masyadong nagpapagalang sa mga magiging asawa nyo." Payo ni Tita.

Natatawa si Chase na tumalikod. 

"Sa sobrang galang sa akin ni Redgie, nilagay ako sa pedestal kulang na lang gawin akong poon at dasalan. Ayun, isa lang ang anak ko tuloy." Pagkukwento ni Tita Merjie. Nagtatawan sila.

"Doon ako sa table ng mga boys kung kailangan mo ako." Bulong ni Chase sa akin. Tumango ako at naiwan sa kwentuhan ng mga Titas.

"Summer, huwag kayong aalis ni Chase bukas. Magpipictorial tayo para sa pre-nup nyo." Bilin ni Tita Lise. "Nasa schedule yan ng iyong mga momma." Dagdag nya pa sabay turo kay mommy at Tita Yumi na busy sa kung ano anong magazine. Tumango na lang ako.

"Hindi mo na rin iisipin ang tutugtog... Natatandaan nyo ba ang Kanto Boys?" Tanong ni Tita Diane. 

Natatawa akong nagtanong. "Sino yun?" 

"Eh di sila-sila." Tinuro ni Tita Diane ang mga grupo ng mga boys at Titos. 

"Si Mia at Jaxx nasabihan na rin. Wala ka na talagang iisipin, Summer. Chill ka na lang." Sabi ni Tita Bella.

Bigla akong naluha kaya nataranta ang mga kaibigan ko sa akin.

"Tumahan ka, nakatingin si Chase. Baka akala inaaway kita." Sabi ni Violet. 

"Wala 'to Chase. Hormonse lang." Sigaw ni Sakura. 

"Thank you," I said to them. 

"Ahhh... welcome Summer." And they hug me... ang mga friends and Titas ko. So blessed to have them.

More Than Words (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon