Andrew's POV
Two months..
I'm searching for him for two fvcking months!
Bakit ba hindi ko sya makita? Ganoon ko ba siya nasaktan para magtago sya ng ganito?
Andami ko nang private investigators pero lahat sila walang maitulong sa akin.
Nasaan kana ba Angelo? Bakit ang hirap hirap mong hanapin?
Nakahiga ako ngayon sa kama ko, nakatingin sa kisame at nagiisip. Dalawang buwan narin pala nang nalaman ko ang totoo, pero hindi ko parin lubos maisip na nagawa ko iyon sa babaeng pinaka mamahal ko.
Limang buwan na ang tyan ni Justine at nandon na sya sa poder ng mga kapatid nya. Mas mabuti na siguro ang nandon sya para mas maalagaan sya at di nya ako makita. Simula noong ma confine sya ay hindi pa ako nagpapakita sa kanya, abot langit ang galit at pandidiri ko sa sarili ko. Hindi ko kayang magpakita sa kanya dahil sa kahihiyan.
Sunod sunod ang butil ng luha na pumapatak mula sa mata ko nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pag iisip. Wala akong balak pumasok sa trabaho ngayong araw dahil ang balak ko ay magpahinga at mag isip isip. Sa dalawang buwan na lumipas at pinuno ko ng trabaho ang utak ko upang makalimot. Hindi inatras ng mga Lee ang partnership gawa narin ng request ni Justine kaya't hindi naman ako nahirapan. Ngunit ngayong araw, gusto ko muna huminga sa trabaho at mag isip isip. Napalingon na ako sa pintuan nang mas lumakas ang katok.
"Open the door Drew! Nangangalay na ako dito sa labas!" Napabangon ako. Ang boses na yon! Boses yon ng babaeng pinaka mamahal ko! Napangiti ako ngunit agad ding nawala nang maalala ko na ang babaeng iyon din ang pinagtangkaan ko ng masama noon, na ang baeng iyon ang sinaktan ko nang sobra sobra.
Bumalik ako sa paghiga at lalong naluha. Maya maya'y narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi ako natinag, ipinikit ko ang mga mata ko at nagkunwaring tulog. Nararamdaman kong papalapit na sya sa kama ko, hindi ko maintindihan. Gusto kong makita sya pero lamang sa akin ang hiya. Miss na miss ko na sya at dahil don kaya lalong tumutulo ang mga luha ko, kahit pa nakapikit.
"I know you're awake. Please talk to me. I missed you so much"
Idinilat ko ang mga mata ko at hindi ako nabigo, nakakita ako ng anghel sa lupa. Ang pinaka magandang babaeng nakilala ko, ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko, ang babaeng hanggang ngayon mahal na mahal ko.
"Tine.."
"Bakit hindi ka nagpapakita sakin? You told me to go back to our house pero di ko akalain na hindi mo manlang ako bibisitahin. Ganun ka ba ka busy sa trabaho mo?"
Nakatingin lang ako sa mukha nya. She's talking as if she's really my wife and I didn't do anything bad to her. Oh God! What did I do to have this angel in my life?
Niyakap ko sya nang mahigpit, humagulgol sa balikat nya, at paulit ulit binabanggit ang salitang sorry. That's the least thing I can do.
"Why? What happened?"
"Tine, alam ko na lahat."
"W-what do you m-mean?"
"Simula noong umpisa Tine. I'm so sorry for all the pain I've caused you. Hindi ako nagpapakita sayo kasi kinamumuhian ko ang sarili ko, pinandidirian ko ang sarili ko, hindi ko mapatawad ang sarili ko sa ginawa ko sayo. I'm so sorry Justine."
"That is why I don't want to tell you. Ayaw kong kagalitan mo ang sarili mo."
"Sa lahat ng ginawa ko sayo, paano mo pa naiisip ang nararamdaman ko? What did I do to deserve you? The last time I check all I did was all evil."