Ang kambal ay patuloy ang paglalaro sa kama. Tuwang tuwa kasi sila dahil malambot daw ito at malaki hindi katulad ng sa amin sa probinsya na papag na matigas lamang ang hinihigaan.
Pinabayaan ko muna sila doon at inayos ko muna ang mga gamit namin. Isinalansan ko ito sa walk in closet na meron ang kwarto na ito.
Nang matapos ako ay bumalik ako sa kanila at naabutang mga nakahiga na ito at mahimbing na natutulog.
"Laila, I brought food for you." rinig ko ang boses ni Tita Danielle sa labas ng kwarto.
Agad akong nagtungo sa pintuan at binuksan ito.
Nasa labas si Tita Danielle kasama ang isa pang kasambahay na may dalawang mga pagkain.
Kukuhain ko na sana ang dala niya ngunit tuloy tuloy lamang itong pumasok at inilagay sa maliit na lamesa ang mga pagkain. Ang kasambahay naman ay nagbow lang at umalis na kaagad.
Naupo kaming dalawa ni Tita Danielle sa sofa. Medyo awkward pa ang feeling ko dahil labis na nahihiya ako sa ngayon. Wala kasi akong kaalam-alam kung ano ang nangyayari at ngayon ay sila ang tumutulong sa amin kahit hindi namin sila kaano-ano.
"I know you have a lot of questions in your mind right now but forgive me because we need to wait until your parents finally recover." madamdaming sabi ni Tita Danielle.
Tumango na lamang ako sa kaniya.
Hinawakan nito ang kamay ko at tinignan ako sa mata. Ganoon din ako sa kaniya.
Totoo nga ang sinabi ng kambal kanina. Magkaparehas kami ng mata ni Tita Danielle. Napansin ko din na medyo magkahawig kami maliban lamang sa hugis ng ilong. Mas pointed kasi ang akin katulad ng kay Tito Daniel.
Ngumiti ito at hinila ako para mayakap.
Naalala ko tuloy ang kwento ni Marc sa akin tungkol sa nawawala niyang kapatid. Kung gaano naghirap ang mga magulang niya, especially Tita Danielle, sa pagkawala ng babae niyang anak.
Niyakap ko din ito pabalik at tinapik ang likod.
"Oh siya. Maiwan na muna kita dito. Magpahinga ka na din kasama ang kambal. Kumain nalang kayo kung gusto niyo. Okay?" sabi nito. Tumango ako at ngumiti.
Tumingin pa ito sa akin at tuluyan ng lumabas.
Hinilot ko ang sintido ko. Ang dami kong tanong, ang daming problema, hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.
Kinuha ko ang shoulder bag ko at umupo ulit sa sofa.
Inilabas ko ang cellphone ko. Low battery parin pala ito. Wala na akong chance na makapagcharge sa hospital dahil sa nangyari.
Sa totoo lang natatakot ako. Sobra akong natatakot sa mga nangyayari. Wala akong ideya bakit may mga nakabaril na lalaki ang humahabol sa amin. Hindi ko nalang ipinapakita dahil kung iintindihin ko pa ang takot ko paano na ang kambal? Paano na sila kung pati ako ay matatakot?
Kinuha ko ang charger ko at chinarge ang cellphone ko.
Binuksan ko ito at nakita ang sunod-sunod na pagpasok ng mga text messages. Binuksan ko ang inbox ko at nakitang iba't-iba ito. May galing kay Tita Maricel, kay Tito David, kay Beatrice, kay Joey at lalo na kay Dave.
Sa nangyari sa akin kanina lamang ay nakalimutan ko saglit si Dave. Nakalimutan ko na nasasaktan nga pala ako. Na may Dave pa pala na parte ng buhay ko.
Binasa ko ang ilan sa mga mensahe niya para sa akin.
Baby, where are you? Bakit wala ka sa bahay?