Sa malayong lugar ng Bayan ng Santa. Fe may naninirahan dalawang mababangis na hayop ng agila at ang lion na parehong nag aagawan ng teritoryo.Isang araw nagkaroon ng pagpupulong ang mga hayop kung sino ang mamumuno sa kanila .
Sumigaw ang Kuneho " Ang lion , ang lion sapagkat siya ay matapang."
Sumigaw naman ang Kalabaw"Ang Agila , ang agila dahil siya ay mapagmatyag."
Nabagsak ang kanilang pagtatallo nang nagsalita ang Kabayo " Bakit hindi nalang natin idaan sa paligsahan kung sino ang mananalo siya ang mamumuno sa ating lahat ?"
"Tama! magandang ideya" sambit ng lahat .
"At tungkol sa ano naman ang paligsahan."Tanong ng Agila at Lion.
"Kung sino ang makakakuha ng sampung mansanas sa tatlong araw , siya ang tatanghalin panalo at mamumuno sa ating lahat."Sagot ng Kabayo.
Sinang-ayunan naman ng lahat , Sa unang araw nakakuha agad ng anim mansanas ang Agila sapagkat ito nakakalipad at madali lang niya itong makuha galing sa mga sanga ng puno ng mansanas.Samantalang dalawang mansanas lamang ang nakuha ng Lion dahil ito ay nahirapan na umakyat sa puno ng mansanas at siya ay naghihintay na may mahulog na mansanas mula sa puno nito.
Sa ikalawang araw nakakuha ng apat na mansanas ang Agila samantala isa lamang ang nakuha ng lion.Kinabukasansumapit na ang ikatatlong araw kung saan idedeklara ang nanalo
"Ang nakuha ni Agila ay sampung mansanas samantalang tatlong mansanas lang ang nakuha ni Lion" Ang anunsyo ni Kabayo.
"At ang mamumuno sa atin ay walang iba kundi si Agila"Dagdag ni Kabayo.
YOU ARE READING
Ang Agila at Ang Lion
FanfictionIto ay tungkol sa pag aawagan ng posisyon ng dalawang hayop kung sino ang mamumuno sa kanilang lugar .